Chapter 19: To the Moon and Back

31 0 0
                                    

Chapter 19:To the Moon and Back

Alexis POV


Damn! Nakakahiya! Gusto ko siyang suntukin kanina pa. Pero pagkapasok ko mismo sa sasakyan niya, tumahimik na siya. What the? Mukha siyang galit. Pinaandar niya yung sasakyan tapos tumigil kami sa isang bar. Dere-derecho siya sa loob ng isang kwarto.

"Now what?" Nakakapikon na talaga siya! Kanina pa siya hindi kumikibo sa sasakyan. Pero natatakot naman akong magsalita kasi baka bigla na lang siyang sumigaw. Hanep!

"Anong 'now what?' I expect you to say 'thank you' not ask me 'now what'??"

"Thank you?? Para san??"

"For saving your a** back there!! You ungrateful woman!"

"Saving me?? Okay ka lang? Kung si Clarisse ang iniisip mo, tingin mo ba talaga, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko?"

"Physically, siguro nga kaya mong ipagtanggol ang sarili mo, pero panu mo ipapaliwanag sa lahat ng taong nandon na maaring makarinig ng pinaguusapan ninyo ni Clarisse ang pagkatao mo? Aber?" What the? Narinig niyang lahat? May idea na kaya siya? No, di pwede to.

"Wha-what do you mean?"

"Oh, will you stop pretending as if wala kang tinatago, sad to say, I can read between the lines, honey. Alam ko na ang tinatago mo."

"Y-your lying."

"No, I'm not. Gusto mo ng pruweba? Gusto mo bang ipagsigawan ko pa dito kung sino ka? At kung anu ang totoong koneksyon mo sa LRGC? Huh! Kaya pala nagtataka ako kung paano kang nakapasok sa MU. Kung paanong under scholarship ka pero may sarili kang sasakyan, kung paanong naging confidential ang personal profile mo unlike everybody else. Honestly, ang galing mong magtago. Yun nga lang, mas magaling akong maghanap."

"....." Wala akong maapuhap na sabihin. Patay ako nito.

"Cat got your tongue, honey?"

"Wag mokong ma honey-honey!" Damn you Matthew!! Quota ka na sa pambu biwist sakin ngayong araw!

"Well, kelangan mo nang masanay dun, dahil magsimula ngayon yun na ang tawagan natin. Ang cute di ba? Hahaha. Unless..."

"Unless what?"

"Unless, you want the whole world to know about you?"

"I hate you Matthew to the moon and back!! Anu ba kasing ginawa ko sayo ha? Why are you doing this??"

"Doing what? You should've thanked me pa nga for saving your face! Why am I doing this? Bilang ganti ko na din sayo sa pamamahiya mo sakin dati sa café and secondly, I need someone to pretend as my girlfriend para tantanan na ako ng ibang babae. Okay?"

"Wow! Just WOW! You saved me a while ago, and now you're  already asking something in return. Ang tindi mo din eh noh! Di sana hinayaan mo na lang ako kanina."

"This is a win-win sitaution Alexis. Pero kung gusto mong ihantad sa buong MU ang pagkatao mo, then I can easily do it for you. Siguro nga, mas mabuti pang hindi na ako nakialam kanina. So ano, you don't want to deal with me? Then expect everyone to know your secret tomorrow honey."

"This is blackmail!"

"An honorable one honey. Take it or leave it." Nag-eecho sa utak ko yung deal namin ni Don Gerardo. Hindi pwedeng may makaalam ng pagkatao ko. May isa akong salita.

"Fine."

Matthew's POV


I don't understand myself. Bakit ko ba pinagsasayangan ng panahon ang babaeng to??  God! I was never a hero. It wasn't my intention to save her. Pero, wala na. Nagawa ko na. Damn! Eto pala ang pinakatatago-tago niyang sikreto. No wonder she's very good in hiding.

Bakit hindi mo na lang siya pabayaan?? I don't know. Ang alam ko lang gusto kong maintindihan ang side niya. There's something in her that makes me want to know her deeper. Hindi totoong kelangan ko ng babaeng magpapanggap na girlfriend ko. I just need an alibi to stop her from asking for my motives in helping her.

Never did I expect na eto pala ang sikretong tinatago niya. Pero ngayon ko lang napagtanto, so.. siya pala ang taong nasa likod ni Alexis... Si Gideon Realeza. I remember clearly what Clarisse told her.

"Not so fast. Wag mong bilugin ang utak ko, you gold digger! Kung sang squatter's area ka lang napulot ni Dad tapos ganyan ka na kung makaasta? Bakit, kulang pa ba yung binibigay ni Dad kaya ngayon na nagkaron ka ng pagkakataong makakilala ng mga taong kabilang sa mga rich and famous, you easily catches the first fish that laid eyes on you."


Maliwanag pa sa sikat ng araw ang gustong palabasin ni Clarisse. Alexis... She's.. Gideon Realeza's mistress. Damn. Ganon ba siya kadesperada para pumatol sa lalaking halos dalawang doble na ang tanda sa kanya. Sh*t. How about Gilea? She's very close to Alexis, I don't think alam niya ang tungkol kay Alexis at sa Daddy niya. And my sister, sh*t, my sister is very fond of her.

Damn. Pero paano ba siya umabot sa ganito? Darn it! Mababaliw ako sa babaeng to!

Pero eto lang ang narealize ko sa araw na to.

1.       Alexis is Gideon Realeza's mistress

2.       His mistress is my new girlfriend

3.       Her lover is the owner/CEO of the Top  1 company in the Philippines. I'll be damned. I should have known. She's nothing but trouble.

La Realeza (The Royalty) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon