Chapter 5 (Acceptance)

7.9K 154 10
                                    

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay jema ang totoo.

Isang katahimikan mula sakin...
Ilang minuto akong hindi nag salita..

Nakatingin lang siya sa akin...

Simple lang naman jema eh...
Kaya ko ginawa yun kase mahal kita...
Mahal kita hindi lang bilang isang kaibigan kundi higit pa sa isang kaibigan....

Sana nga pwede maging tayo....
Pero hindi eh..anu pa magagawa ko iba naman ang laman ng puso mo..

Patuloy parin sa pag iyak si deanna habang nag sasalita.

Ang swerte swerte ni andrew sayo..

Sana nga ako nalang eh...jema simula palang nung una gusto na kita hindi lang gusto kundi mahal kita...

Pero tinago ko yun lahat kase ayaw ko masira friend ship natin....

Siguro nga isa sa mga talent ko ung mag selos na hindi naman tayo..
Habang kasama mo si andrew naiinggit ako kase sana ako yung kasama mo at hindi siya..

Patuloy na pag sasalita ni deanna..

Lumapit si jema sa kaniya at niyakap ito...

Pshhh enough n  deanna wag kana umiyak please..
Habang yakap ni jema si deanna tumigil naman ito...

Deanna kahit naman sabihin mo yan wala parin naman mag babago sa friendship natin eh kaya pls wag mo na pahirapan sarili mo ok...your may best friend and ilove you kahit na ano kapa ikaw parin yung deanna na nakilala ko at naka stare down ko...

Iniharap niya ito sa kanya at pinisil ang dalawang pisngi....

Tama na nga yan tara na mag bihis at matulog...
Aya ni jema dito...

Sumunod naman si deanna sa kwarto..

Sabay na nahiga ang dalawa...
Maya maya lang tulog na si deanna  siguro ay dahil sa kaka iyak nito...

Samantala hindi naman makatulog si jema...
Siguro dahil sa pag amin ni deanna sa kanya nakatitig lang siya dito habang natutulog..
May kung anung kirot sa dibdib niya dahil ang tagal na pala niyang sinasaktan ang kaibigan ng di niya alam...

Lumapit siya dito at pinag masdan ang maamong mukha ni deanna..
 
Hindi ko alam kung bakit parang may nag udyok na halikan ang labi nito...

Marahan niyang hinalikan ang malambot na labi ni deanna..
At bigla siyang natauhan sa kanyang ginawa...may kung anu siyang naramdaman na never pa niyang naramdaman kay andrew..

Tumalikod siya dito at natulog na...

Kinaumagahan maaga nagising si deanna..

Ramdam niya ang hapdi ng mga mata niya at kirot ng ulo dahil sa matinding pag iyak niya kagabi at sa ininum niya na alak...

Nagising siya na may parang nakayakap sa bewang niya...

Tiningnan niya ito..si jema.........
Si jema na matagal na niyang pangarap ay nandito na sa tabi niya..
Magkasama sila sa pag tulog at nayakap pa sa kaniya..

Sana akin ka nalang..
Sana tuwing umaga kitang makikita dito sa tabi ko..
Pero hanggang sana nalang yun..
Kelangan ko na talaga na tanggapin na hanggang kaibigan lang tayo..

Maswerte parin ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko..

Iniisip ni deanna habang nakatitig sa mukha ni jema..

Halos ayaw na niya matapos ang mga sandaling iyon...
Takot siya na gumalaw at alisin ang pag kaka yakap ni jema sa kaniya..

Nang....biglang nag ring ang phone ni jema...

Bigla itong nagising at hinanap kung nasaan ang phone niya.

Si deanna naman ay ipikit niya kunwari ang mga mata niya para hindi siya makita ni jema na gising na...

Hello love sagot ni jema sa kabilang linya...

Kakagising ko ngayon eh..

Sorry love nakatulog na kase ako kagabi  kaya hindi na kita na replyan...

Ok see you later love,ilove you.

At binaba na ni jema ang phone..

Sabay tingin kay deanna na mahimbing pa na natutulog..

Bumangon siya at pumasok ng banyo..

Si deanna naman idinilat na ang mga mata....

Hindi niya talaga hindi mapigilan na mag selos...

Maya maya pa lumabasna nag banyo si jema...

Oh gising kana pala..

Lumapit siya dito at tumabi sa kaniya..

Uy ms deanna wong ok ka na ba??tanong nito..

Ok naman ako ms jema galanza..
Sagot niya na naka ngiti..

I mean kung hindi ba masakit ulo mo??

Medyo lang sabay tatayo sana siya pero hinila siya ni jema..

Natumba siya diretso sa kama halos isang isang dangkal na lang ang pagitan nila ni jema...

Iiwas sana siya ng mag salita si jema..

Ok na tayo ha..huwag mo na ako iiwasan ok...

Nilahad niya ang kamay niya..
Hinihintay niya ilagay din ni deanna ang kamay niya..

Best friend forever...

Muling sabi ni jema..

Ngumiti at yumakap si deanna sa kaniya...

Oo best...bestfriend forever...

Tumayo na nga tayo...

Aya ni jema..

Ligo kana best mag luto lang ako almusal natin..

Sabay pisil ni jema sa ilong ni deanna at lumabas na ng kwarto..

Naiwan na nakatayo si deanna na nakatulala lang....

Sana ganito lang kami lagi..

Uy deanna wong maligo kana..

Sigaw ni jema mula sa kusina..

Kumuha naman ng damit si deanna at pumasok na ng banyo.

20 minutes later..

Sabay na nga sila nag almusal...

Its almost 10 am na ng matapos sila..

Best gala muna tayo sa mall..

Ha eh hindi ba kayo mag kikita ng boyfriend mo??takang tanong ni deanna..

Mamaya pa naman gabi yun after ng practice namin ng volleyball..

Ganun ba sige...sama nalang din ako sa practice niyo mamaya wala naman kami practice ngayon sa monday nalang daw..

Sige kaw bahala best...sagot naman ni jema..

Sa mall...

Nag lalakad kami ni jema hinawakan niya ang kamay ko...ang saya ng pakiramdam...halos lahat ng ginagawa niya sakin may meaning pero sa kaniya wala lang..

Hinila niya ako kung saan saan ang saya saya niya habang tumitingin at namimili ng damit...

After namin mamili nag aya siyang kumain...

Best after natin kain diretso na tayo sa gym 3pm kase ang  call time eh...

After few months na nakalipas ganun parin ang set up...masaya na ulit kami ni jema bilang bestfriend natanggap ko na.....na hanggang dun nalang...

Pero isang araw may biglang nag bago...ulit...pero hindi sakin kundi sa kaniya...

BEST FRIENDS...FF/JEDEAN/GAWONG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon