Chapter 37 (bad intension)

4.9K 96 3
                                    

Kita mo na ginawa mo!!!sigaw ni jema kay fen galit na galit ito sa kaniya...
Akala ko nung nakikipag lapit ka sakin that time ay pakikipag kaibigan ang intensiyon mo pero hindi pala.
Sumbat nito kay fen..

Ginawa ko yun para mapalapit sayo jema mula nuon at sinabi ko sa sarili ko na balang araw mapapasakin ka!!
Isang sampal ang dumapo sa pisngi niya...

Tumigil ka sa pag iilusyon mo dahil kahit kelan hindi hindi kita magugustuhan!!
Galit na sabi ni jema..

Tumalikod na ito at pumasok sa kwarto nilock nito ang pinto at na pa upo nalang siya dito..
Sinubukan niya ulit idial ang number ni deanna pero nag riring lang ito at ayaw pansinin..

Sinubukan niya rin ito imessage pero kahit isang reply ay wala..

Naiyak nalang siya..alam niyang nasaktan si deanna kanin.. yun ang ayaw niya na mangyari...

Bukas na bukas ay pupuntahan niya ito sa condo at kakausapin...

Kinaumagahan ay maaga nagising si jema ngayon ang labas ng tatay niya sa ospital kaya maaga sila pumunta ng nanay niya...

Winidraw niya lahat ng naipon niya sa bangko para ipambayad dito..

Halos malaking pera din ang nagastos nila sa ospital hindi niya alam kung bakit ganun kalaki dahil ba sa private ito...tanong ng isip niya..

Hindi sumagi sa isip niya na may kinalaman si fen dito kaya umabot ng ganon kalaki..

Pag nabenta niya ang kotse niya ay agad niya na babayaran si fen sa sa kalahating binayad niya nuong wala siya...

Sa wakas nailabas na ang tatay niya at pauwi na sila sa bahay nila...

Masaya naman siya dahil lumakas na ulit ito..

Tay ha konting ingat po atsaka makinig ka kay nanay kumain din kayo ng mga masustansiyang pag kain...

Oo naman anak ayaw ko na kaya bumalik dun sa ospital nakakainip eh..
Natawa nalang si jema dito..

Ahm tay,nay balik po muna ako sa manila ngayon..

Nagkatinginan ang tatay at nanay niya..

Oh sige anak ikaw ang bahala..

Saan ka sasakay tanong ng nanay niya..
Mag commute nalang po ako..

Mafe ikaw na muna bahala kay tatay ha wag ka mag papasaway...

Oo naman ate...ingat ka...

Sige alis na ako..

Mabilis na nag abang ng bus si jema at nakasakay naman ito agad..

Sa condo ni deanna..

Nakahiga ito sa sofa dun na siya nakatulog kagabi nag kalat din ang mga bote ng alak sa sahig...

Nagising siya na masakit ang ulo...
Tiningnan niya ang phone ang daming message lahat galing kay jema..

Alam niya ang sitwasyon nito alam niya rin na kelangan siya nito ngayon pero mas nangibabaw ang selos at galit niya...

Tumunog ang phone niya ulit message na naman ayaw niya sana basahin pero nakita niya galing kay ponggay...

Deanna watch this....
Isang video ang ipinasa..

Si jema habang kahalikan si fen...

Hindi niya natapos ang video ihinagis niya ang phone niya sa galit..

Bigla nalang tumulo ang luha niya...
Hindi na niya alam ang iisipin si jema gumaganti ng halik dito..

Sumasakit ang dibdib niya sa galit yung emosyon niya hindi niya mailabas...

Nasa ganung eksena siya ng mag bukas ang pinto ng condo..

Si jema...mabilis itong lumapit sa kaniya at niyakap..
Im sorry baby...im sorry habang tumutulo ang mga luha nito..

Huwag kana magalit please deanna patawarin mo ako...

Hawak nito ang magkabilang pisngi ni deanna habang pinapahid ang mga luha..

Mali yung iniisip mo samin ni fen..pakana niya lang lahat yun gusto niya tayo sirain eh..

Pagpapaliwanag ni jema habang patuloy sa pag tulo ang luha niya..

Tumahan naman na si deanna yakap parin ito ni jema..

Baby hindi kana galit..tanong niya dito..
Hindi sumagot si deanna..kahit kelan kase hindi naman ito nagalit sa kaniya..

Nasaktan lang siya sa nakita pero wala sa isip niya ang hiwalayan ito dahil lang duon..

Few days ago ng mangyari yun..balik na sila sa mga trabaho nila..
Si deanna ay pina imbistigan ang ospital sa laguna pero hindi niya pina alam kay jema..

Nalaman niya na pamilya ni fen ang may ari ng hospital..

Lagi niya rin pinapabantayan si jema kapag nasa trabaho..

Ginagawa niya yun para malaman niya kung may ginagawa na naman na katarantaduhan si fen..

Nasa harap si deanna ng school kung saan si jema nag trabaho..

Susunduin niya ito...
Maya maya ay sumakay na si jema..

Hi baby sabay kiss dito..

Bb nabenta ko na ang kotse ko mababayaran ko na si fen sa pinautang niya kila nanay..

Ok baby pero sa tingin ko hindi na kelangan nag pa imbistiga ako at nalaman ko na sa pamilya niya ang hospital at hindi tama na ganun kalaki ang bill niyo..
Nag sampa na ako ng reklamo nag patulong ako sa tito ni luigi na isang attorney...

Nagulat naman si jema sa sinabi ni deanna..

Lalo naman siyang nagalit kay fen..daig pa kase nito nag baliw sa mga pinag gagawa nito..

Uwi tayo bukas sa laguna baby..

Hindi ako makakasama eh may importanteng meeting ako bb sagot ni deanna..

Ganun ba??

Pwede ka naman pumunta dalhin mo nalang itong car tapos sa hapon after meeting eh susunod ako...

Ok lan ba sayo??

Oo naman...
Basta mag iingat ka ha...

Tumango si jema dito...

Dinner muna tayo bago umuwi sa condo...

Sa Laguna sa bahay nila jema..

Hindi naman tumitigil si fen kakapunta dito kung anu ano binibigay nito sa pamilya ni jema para lalo siya nito magustuhan...

At naka plano narin ang masamang balak niya kay jema at sa pamilya nito..



BEST FRIENDS...FF/JEDEAN/GAWONG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon