Chapter 3: Kasama Ka

53 3 0
                                    

Sa mga oras na ito wala halos ginagawa sa office. I mean, hindi masyadong busy sa work dahil may ibang pinagkakaabalahan.

Practice na naman, preparasyon para sa nalalapit na kompetisyon.

Magaling ka palang umarte, pwedeng artista sa isang pelikula. Ang title: One more chance, syempre sino ba ang hindi nakakakilala kay popoy at basha na nagpaluha ng ating mga mata.

Tayo pala yong gaganap na artista sa pelikula na ito. Ang kwento ikaw si basha na gustong makipagbalikan kay popoy.

Kung iniisip niyong ako si popoy nagkakamali kayo, sad di ba? Extra lang ako sa istorya nilang dalawa. Pero okay na rin kasi nahawakan ni basha ang braso ko. Kinilig ako. Ang saya kayang paulit-ulit nating pina-practice iyong eksena na hawak mo ang braso ko habang naglalakad tayo. Iniisip ko sana magka-holding hands na lang. Gusto kong mahawakan iyong kamay mo. Tapos wala nang bitawan, aalagaan kita, po-protektahan at mamahalin.

Alam mo bang kabado ako? Ganito nga pala ako sa taong mahal ko. Kinakabahan ako lalo na kapag nakatitig sa iyong mga mata. Okay na sa akin yong makita ka kasi dinadaga ang puso ko kapag kakausapin ka. Ayokong mahalata mo na nauutal ako habang naguusap tayo. Ang sulosyon, wag ka na lang kausapin kundi titigan na lang.

Ito talaga ang gusto ko sa eksena na tayo ang bida. Iyong mga linya ni basha kay popoy. Pero mas gusto ko na sa aking bibig mismo manggagaling ang mga katagang sinabi niya.

"Kasi ako totoo umaasa pa rin ako na sabihin mo, sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit."

Kung version ko ito at nakaharap sa iyo. Ang sasambitin ng aking bibig mula sa puso kong ikaw lang ang tanging hiling ay...

"Kasi ako totoo na nagmamahal sayo, gusto kong sabihin itong nararamdaman ng puso ko. Gusto kong ipakita sayo ang pagmamahal na ito. Sana ako na lang. Ako na lang ang piliin mo. Buksan mo lang ang iyong puso para sa akin."

Masaya akong nakasama kita kahit sa isang maikling eksena.

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon