Sa kabila ng lahat ng mga nangyari nitong nagdaang araw. Eto pa rin ako masaya, dahil palaging kinukompleto mo ang araw ko.
Hindi ko alam kung bakit palagi kang nagre-reply sa mga text ko. Minsan iniisip ko na dahil broken ang puso ko sayo at kaibigan naman ang tingin mo sa akin kaya eto ka pa rin patuloy na nakikipag-communicate.
Sinong hindi magiging masaya sa araw-araw na ikaw pa rin ang nakakausap bago matulog sa gabi?
Sa totoo lang mas lalo akong nagkakagusto sayo ngayon at mas lalong nawawala ang hiya ko para kausapin ka. Hindi naman sa aggressive masyado sapagkat may hiya pa rin naman na natitira sa ugali ko. Assertive siguro dahil alam ko ang dapat ikilos na hindi ka maiirita sa akin.
Yes, okay na ang communication namin.
Nagre-reply na siya minsan sa mga text ko at chat. Hindi niya alam na sobra ang ligaya ko habang nagta-type upang reply-an ang mensahe niya. Iyong tipong kinikilig ka dahil magkausap kayo ngayon. Tipong gusto mong lagyan ng "I love you" iyong dulo ng good night kapag magsasabi ka nang matulog.
Sabado na, wala tayong pasok dahil day off natin ang araw na ito.
Pagkagising ko nagtext agad ako sayo.
"Good morning (name ng mahal ko)!
Iyong puso ko ikaw pa rin patuloy na tinitibok. Gusto kong bumalik sa
nakaraan kung kaya lang sana."Alam kong tulog pa siya ng mga oras na ito kasi 6:16 AM palang ng maga. Makalipas ng mahigit ilang oras ay tumawag ako. Nagri-ring ang phone niya hanggang sa "the subscriber cannot be reach please try again later (2x)" mukang tulog pa rin. Kaya hinayaan ko na lang, sa isip ko ay mamaya na lang siguro pag-lunch na.
Pero mga ilang minuto lang may na-received akong text mula sa kanya. At ang mensahe ay Bakit??? Hindi na ako nag-reply tumawag na lang ako ulit.
Nagri-ring na naman siya...
Itong oras na 'to habang nagri-ring ang phone niya kasabay naman ng kabog ng dibdib ko. Aba, kinakabahan na naman ako kakausapin ko lang naman siya.
Ang pakay ko kung bakit ako tumatawag ay para mag-good morning (smile emoticon).
Eto na, sinagot na niya ang call ko. Tanong niya sa akin ay,
Siya: Bakit ka nag-missed call?
Ako: Sabi ko wala lang may sasabihin sana ako.
Siya: Ano yon?
Ako: Good morning (nakangiti ako nito tapos kinikilig hahaha pero kung hahawakan mo iyong dibdib ko grabe talaga sa lakas ng kabog nito).
Sige tulog ka na ulit. Mamaya na lang ako makikipag-kwentuhan. Ito iyong huling mga salita na aking binanggit. At ayon natapos na ang conversation namin sa phone.
Lumipas ang tanghali...
Hindi muna ako nagtext ng ilang oras. Dahil ba ka natutulog ka na naman. Kaya nagpasyang sa hapon na lang ako magte-text.
Kaya naman sunod na text ko sayo ay mga 18:15 PM na para mangamusta ulit.
"Kamusta, tulog ka pa? Mali pala hahaha, gising ka na?"
Tapos nag-reply ka.
"Hahahaha hindi naman ako natulog"
Hanggang sa nagkausap na tayo. Hindi ka pala natulog dahil naglinis ka pala ng sasakyan mo. Ang sipag talaga niya kaya mahal na mahal ko siya eh. Hahaha... Pero noong oras na magka-text kami ay nagpapahinga na siya at nanunuod ng palabas sa telebisyon.
Hanggang sa bigla kong nasabi na isasayaw ko siya sa ball night. Gusto ko sanang ako ang maging escort mo kung papayag ka sa December. Sa ball night napinakahihintay ko, kapag nag-play yung sweet love song lalapitan kita para iabot ko ang aking kamay. Aayain kitang isayaw hanggang sa matapos ang kanta.
Kung okay nga lang sayo iyong buong sweet love songs tapusin natin lahat ng kanta. Para ma-solo talaga kita. Tapos magku-kwentuhan lang tayo or ako na pala magku-kwento habang nakatayo tayong dalawa, para hindi natin mamalayang nakakangawit na pala.
Ang dami nating naging topic sa gabing ito. Kung alam mo lang ayoko na sanang hindi maputol pa ang usapan natin. Kaso may seminar ako kaya naman nagpaalam na rin ako sayo at magte-text na lang kapag tapos na iyong seminar.
Naputol na ang usapan...
Habang nakikinig ako sa seminar mas lalong nagiging positive ang lahat ng plano ko at mga galaw na gagawin. Grabe pala dito ang lakas maka-positive sa goals, sa dreams at sa buhay.
Ayan, dahil sa seminar na ito lalong lumakas ang loob ko sa iyo. Nakangiti akong nakikinig sa seminar na pinuntahan ko. Ka sabay nito ay ang mga plano para sayo. May kailangan akong gawin at dapat positive lang sa mga hakbang na sisimulan.
Yes, hindi mo na ko nasi-seen.
Yes, nagre-reply na siya sa akin.
Yes, minsan kausap ko na siya sa phone.Sana bigyan na niya ako ng pagkakataon na manligaw. Hinding hindi ko na sasayangin ang mga oras na darating. Basta ipapakita ko na lang ang aking makakaya.
Ano na ba ang pakiramdam ko ngayon? Okay na ba ako? Kung ito ang pumapasok sa inyong isipan ay, pwedeng oo at pwedeng siguro.
Basta masaya ako ngayon. Masaya ako na nakakausap ko siya. At masaya ako sa araw-araw dahil siya ang bumubuo ng umaga hanggang sa gabi ng aking pagtulog.
Pero hindi pa rin ako mapakali dahil may isang bagay pa rin nagumugulo sa isip ko.
Hanggang sa point na nagtanong na ako dahil sa gumugulo na ito.Tumawag ako sa kanya at tinanong ang bagay na iyon. Tanong ko ay may boyfriend ka na ba? Masaya ako sa narinig ng aking tenga. Yes, wala pa siyang boyfriend may pagasa pa nga talaga.
Sa paguusap namin na iyon sa phone ay nakahinga ako ng maluwag. Puso ay lalong sumigla at pangarap ay naging makulay, nagkaroon ng buhay. Kaya't ako'y natulog na ng may ngiti sa aking mga labi.
Pagkagising ng umaga, hawak agad ang cellphone upang i-text ka.
Good morning!!!
Isang pagbati mula sa aking pusong sabik sa piling mo
Dalawang salita na agad pumasok sa isip ko pagmulat ng mga mata
Ang simula ng araw na may kahulugang sana maging masaya ka
Masaya sa maghapon na walang magiging problema
Pagbati na sana ay simula pa lang napagaan ko na ang loob mo
At makita ang iyong mga mata na kay saya, mga ngiti na puno ng ligaya
Good vibes 😉Bawat pagsikat at paglubog ng araw ay nakakausap kita. Pakiramdam ko ay may pagasa na. Pakiramdam na binibigyan mo na ako ng pagkakataong kilalanin ako sinta.
Nobyembre na, panibagong buwan at panibagong simula. Pero pagmamahal ay mas lumala. Dahil ang puso ko sa iyo ay mas lumakas ang tama. Lasing sa pagmamahal na nais ialay sayo. Ang tibok nito'y tanging pangalan mo.
Hindi ako titigil sa aking panalangin. Lagi ko itong uulit ulitin hanggang sa makulitan siya at tuluyan nang ipagkaloob ka sa akin.
Your first good night of November, time check 22:16 PM, sayang morning ko na nakita kasi tulog na ako noong gabing yon.
Dalawang salita noong ika-lawang araw ng Nobyembre na nagbigay ng enerhiya sa pusong masaya.
BINABASA MO ANG
Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)
RomanceMinsan talaga hindi natin maiwasang magmahal, may puso kasi tayo. Ang masakit pa sa puso natin, kapag nagmahal kaya niyang diktahan ang isip mo. Magiiba ang takbo ng buhay mo dahil sa kakaisip sa kanya. Paggising sa umaga siya na agad ang maaalala m...