Chapter 28: Mga Bakit sa Isip?

81 2 0
                                    

Bakit kaya tila nagiiba ang ihip ng hangin?

Bakit kaya nagbabago na ang takbo ng panahon natin?

Bakit ang klimang kay sarap sa pakiramdam ay biglang nanlamig?

Bakit ganito na sa aking mundong ginagalawan?

Bakit lungkot ang humahaplos sa aking buong katawan?

Nagsimula ito noong Biyernes na hindi ka na nag-text sa akin. Alam mo bang masyado ko itong pinagisipan? Kaya naman siguro ikaw ang laging laman sa panaginip.

Sa aking panaginip ay may tila isang sulat sa papel. Isang sulat na ikinalungkot ko at nagdulot ng sakit sa aking dibdib. Mensahe na hindi ko talaga matanggap. Nagkaroon tuloy ako ng tanong sa sarili. Ano kaya ang ibig sabihin ng sulat na iyon?

Ang laman ng sulat "wala akong napili" isang palaisipan sa akin ang nabasa kong ito.

Biglang tumibok ang puso ko. Tibok na may takot. Takot na takot ako kaya naman pagkagising ay nag-chat ako sa instagram ng "Natatakot ako... Eto ako ngayon mas lalong ikaw ang iniisip."

Dahil sa panaginip na iyon lungkot ang aking naramdaman at tanging pumasok sa isip ko ay wala na akong pagasa. Tapos na ang lahat may napili na siya at alam kong hindi ako iyon. Bakit? Kasi hindi ko naramdaman ang saya sa aking panaginip. Unang pumasok sa akin ay lungkot at pangamba. Bukod don ay takot, takot na sa iba ka mapunta.

Takot ako hindi dahil malapit na ang araw ng mga patay. Takot ako dahil ba ka mapasama na rin ako sa mga taong namatayan. Namatayan ng pusong sa una'y pumipintig at nagpupursiging mabuhay sa kabila ng sakit na nararamdaman.

Gusto kong i-revive ang pusong ito sapagkat hindi pa rin siya sumusuko. Patuloy pa rin siya sa pagpintig kahit na kasabay nito'y sakit na nakikita sa kanyang paligid.

Dahil sa panaginip na ito at sa kasalukuyang sitwasyon ko ay lalo akong nangamba. Tama nga ba ang nadarama? Wala na nga bang pagasa? Puro bakit ang laging laman ng isip. Mga tanong na nais sabihin sa iyo. Pero sino nga ba ako para magtanong pa? Kung halata at nakikita mo na ng iyong dalawang mata.

Mugto ang aking mga mata hindi dahil sa luha na pumapatak na dulot ng sakit. Mugto ang aking mga mata sapagkat ikaw ang inaalala tuwing nagigising ng napaka-aga. Hindi ko alam kung bakit 2:00 ng umaga ako'y nagigising. Minsan pa'y hirap na makatulog sa sobrang pangamba.

Mahal na nga talaga kita. Takot na kong mawala ka pa. Iyan ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Ikaw ang tanging laman ng isip ko. Kung paano ako mapapasa-iyo at kung paano ikaw mapapasa-akin.

Bumubuo na ako ng plano, mga hakbang na dapat gawin kasabay ng aking panalangin. Kung ano man ang maging resulta nito ay aking tatanggapin. Lubos na hindi pagsisisihan ang lahat ng gagawin, ito na ang pasya ko.

Lunes na, ika-22 ng Oktobre pagkagising ay naghanap agad ng lakas ng loob para makausap ka. Hindi man lang kasi kita naka-kwentuhan ng tatlong araw. Paano ba naman ay tatlong araw mo akong hindi ni-reply-an sa mga text ko at tatlong araw na seen sa messenger.

Sino ba naman ang hindi ka mami-miss sa ganyang sitwasyon? Alam mo namang importante ka sa akin. Kaso nga hindi mo pala alam yon. Hindi mo rin pala ramdam iyon, manhid ka ba? Smile emoticon.

Hays, Nagseselos na naman ako sinabi na ngang ayoko ng ganito. Abnormal na naman ako, hahaha. Oo nga pala mas madalas ang pagka-abnormal ko lalo na noong nadadalas ang mga panaginip ko.

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon