Chapter 19: Pagtatapat

28 2 0
                                    

Gulong gulo na itong isip ko dahil sa mga bagay na ang hirap ilabas na mas gugustuhin mo pang manatili na lamang sa iyong puso at isipan.

Ang pakiramdan na kay bigat sa puso mga tinagong lihim na pilit pa rin inaalagaan hanggat maari. Ito iyong ayaw na isiwalat upang walang maging lamat sa inyong pagkakaibigan. Paano ang gagawin ko ang hirap na para sa akin at ramdam ko nang bumibigat na ang sakit? Iyan ang tanong ko sa aking sarili.

Bukas ang messenger ko at nakita kong online ka. Wala akong ginawa kun 'di pagmasdan ang kulay green na bilog sa baba ng iyong display photo. Habang ako'y nakatingin ay biglang may nagchat sa akin. Kinabahan ako sa aking mga nakita. Isang mensahe mula sayo para bang naiisip mo na may problema ako.

"Anong nangyari sayo?" Mensahe na aking nabasa mula sayo.

Ako: Wala naman :)

Siya: Weee?

Ako: Hindi ko alam.

Siya: Bakit? Ano bang nangyari?

Ako: Nahihiya ako :(

Siya: Bakit? Kwento mo na hindi ko ise-share sa iba.

Ako: Kasi nagkakagusto na ata ako.

Siya: Kanino? Hahahaha kaya ka ba nag-leave sa group chat?

Ako: Bustedin mo nga ako nang matauhan na ko.

Siya: Ano?

Ako: Wala

Siya: Hay na ko, ayaw pa ikwento. Ano nga?

Ako: Hindi ko kasi masabi.

Siya: Ano nga?

Ako: Ikaw kasi :)

Siya: Bakit? Hindi nga kita inaaway.

Ako: Sorry ah, gusto na ata kita. Ewan ko ba, hindi ko rin alam kung bakit ganito.


"...Isang napakahabang tawa ang kanyang reply sa akin."


Siya: Totoo ba?

Ako: Ewan ko, basta!

Siya: Stress lang yan. Hahahaha

Ako: Wag mo na lang sabihin sa iba.

Siya: Okay, no problem. Pero wala na talagang ibang dahilan?

Ako: Pinipilit ko namang di ka isipin. Haha ayoko mag-explain.

Siya: Lakas ng trip mo ah

Ako: Oo nga eh, kainis.

Siya: Totoo ba talaga yan? Parang hindi naman totoo.

Ako: Wag mong sasabihin sa mga kaibigan natin 'to.

Siya: Oo na, hindi ko ipagsasabi iyong mga kabaliwan mo ngayon :) hahahaha.

Ako: Okay thanks, ang bait mo kasi.

Siya: Luh, puro kasamaan ako di ba?

Ako: Hindi naman pala :)

Siya: Talaga ba?

Ako: Mahihiya na tuloy ako sayo kapag magkasama tayo at mahihiya na rin akong makipagusap sayo.

Siya: Seryoso ba 'to?

Ako: Kapag sinabi kong oo maniniwala ka ba talaga?

Siya: Hindi hahaha. Wag ka nga dyan, nililito mo ko may iba ka talagang problema.

Ako: Ikaw nga problema ko.

Siya: Huy, wala akong ginagawang masama sayo. Bakit ako? Hahahaha

Ako: Magko-confess na ba ako? Basta wag mong sasabihin sa kanila please.

Siya: Sige ilabas mo yan para wala ka nang tinatago. Oo na, umamin ka na dali.


"...Sabay send ng picture niya nakuha sa mount Pulag."


Siya: Iblo-block na kita!!! Ang panget ko dyan! Anong problema mo? Hahahaha

Ako: Sige i-block mo na ko para maka-move on na ako sayo. Kasi naman yang mga mata mo :)

Siya: Hahaha kung makapagsabi ng move on oh

Ako: Ang lakas na kasi ng dating mo sa akin. Hays, ang hirap talaga.

Siya: Nililito mo talaga ako tapos pinagtritripan mo pa ko.

Ako: Naramdaman mo na bang magselos? Di ba ang sakit kahit hindi naman dapat. Kasi hindi naman kayo.

Siya: Oo naman na-feel ko na yon pero natatawa talaga ako ngayon. Ano bang nangyayari sayo? Hahaha

Ako: Sige na itawa mo lang yan. Kasi nga nagkakagusto na ako sayo napa-paranoid na naman ako. Bumabalik na naman iyong dati kong naramdaman. Kung paano ako nagkagusto sa babaeng minahal ko ng sobra. Iyan ang dahilan kung bakit nag-leave ako sa group chat. Dahil ayokong makabasa ng masasaktan ako tuwing binibiro ka nila sa iba. Dapat din akong umiwas kasi ayokong may marinig na ikakasakit ng puso ko. Oo nakakaramdam na ako ng selos.

Siya: Totoo ba yan?


"...At dito na humaba ang aming pauusap hanggang sa kami ay mag-good night sa isat-isa."


Suggest nga po kayo ng mababasang about how to conquer "hiya" at wag maging torpe. Ang torpe ko kasi.

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon