Chapter 31: Ang Kwento Ko!

36 0 0
                                    

Alam mo bang habang ginagawa ko ito pangalan mo ang pumapasok sa aking isipan?

Alam mo bang sa bawat araw ikaw lang laman ng isip ko?

Hindi ko alam kung bakit ganito pero ito ang totoo.

Kailan nga ba tayo huling nag-usap ng personal?

Ah, oo nga pala noong ika-6 ng Disyembre. Ang dami ko kayang masasayang alala noong araw na iyon.

Ika-6 ng Disyembre...

Excited ang lahat, sino nga ba ang hindi? Mamaya na kasi ang gabing hinihintay ng lahat. Christmas party na! Ang tema ay formal attire at ang programa sa gabing ito ay ang film festival.

Binubuo ito ng limang grupo na may kanya kanyang genre ng short film. Ang genre para sa group namin ay comedy. Tama nakakatawa dapat ang maging output ng short film namin para manalo sa festival na ito.

December na naman at alam niyo ba iyong sikat na linya ni Popoy at Basha? Haha, siya na naman ang naging parte ng script namin, o di ba? Sikat nga kasi! Pero hindi na kami magkasama sa role na ito.

Ako na nga pala ang magbibitaw ng mga linya ni Popoy sa script na ito. Dati kasi extra lang ako sa drama ni Popoy at Basha. Pero comedy ang genre namin kaya naman may twist kaso ewan ko ba ang pangit ng kinalabasan.

Hanep, habang pinapanuod ko ito gusto ko nang maglaho sa kinakaupuan ko dahil sa hiya. Hindi ko man lang ginalingan sa role ko.

Bakit ko nasabing masaya ang araw na ito?

Dahil ito ulit ang araw na nagkausap kami ng pag-ibig ko. Iyong usap na magkatapat kayo at malapit sa isa't-isa.

Natapos na kasi ang showing ng mga short film. Pagkatapos noon ay isa-isa nang kumanta ang mga talentado naming mga katrabaho. Iyong mga kantang mapapaisip ka kung lalapitan mo itong mahal na mahal mong babae. Upang ayain sumayaw habang kumakanta ng sweet love song.

Nakaupo lang ako habang nakikinig sa mga kumanta. Ito namang magkabilaang katabi ko ay todo kantyaw sa akin na isayaw ko na daw ang babaeng mahal ko. Ang sabi pa'y wag ko daw palampasin ang pagkakataong ito. Sa totoo lang naninigas na ako sa kinauupuan ko at napakabilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Paano kasi naaalala ko iyong crush ko na hindi ko naisayaw noong JS prom namin. Imagine dalawang beses iyong prom na iyon at na tapos ang gabi na tinitigan ko lang siya. Ang ending hindi ko siya nalapitan upang ayaing magsayaw.

Sa kinauupuan ko ikaw ang iniisip ko kung tatayo ba ako at lalapit sa iyo o hahayaan ko na lang na matapos ang lahat ng kanta na hindi ka maisayaw sa gabing ito.

At heto na nga, buo na ang loob ko. Hindi ako tatayo at lalapit sa kanya kasi nakatatak pa sa akin ang mga sinabi niya. Sabi ko sa sarili ko kailangan ko siyang sundin at ba ka mapahiya lang din ako. Isip ko paano kung tanggihan niya ang pagyaya ko?

Mayamaya pa'y biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking pantalon upang tignan kung sino ang tumatawag. Nang makita ay sinagot ko na ang call, "hello, pumunta ka dito sa gawi ng bar mag-picture tayo kasama ang grupo". Ito ang sabi sa akin ng tumawag. Kaya naman tumayo na ako upang lumapit sa kanila.

Noong nakalapit na sa kanila ay ito ang pumasok sa aking isipan.

"Tama ba ito? Mukang may pagkakataon na akong maisayaw siya. Bahala na kung tatanggi siya atleast nag-try".

Paano ba naman magkakasama na kami wala pa ba akong gagawin? Kaya naglakas loob na ako para sa nararamdaman. Haha!!!

Nang magsimula ulit ang panibagong kanta sabay nito naman ang paglapit ko sa kanya. Dito na ako nagsabi sa kanya kung pwde ko ba siyang isayaw. Grabe ang saya ko noon kasi hindi ako nabigo sa pagtatanong ko.

Iyong babaeng tinitibok ng puso, hawak ang kanyang kamay patungo sa gitna ng bulwagan upang isayaw habang sinasabayan ang kanta. Iyong sandaling yon gusto ko siyang solohin. Tapos ang gagawin lang namin ay kausapin siya, kamustahin siya, at makipagtawanan. Pero ang nangyari nagdrama lang ako sa kanya. Haha, nakakahiya hindi ko napigilan sarili ko. Namiss ko talaga siya.

Habang nakatayo kami, ang nasa isip ko ay mahal ko parin talaga siya. Hindi ko talaga kayang mag-move on gaya ng sabi niya. Ang totoo ang bilis talaga ng tibok ng dibdib ko noong time na yon. Kaya minsan ginagawa ko nagbibiro ako pangtanggal ng kaba.

Natapos ang kanta na may ngiting nadarama. Ang saya ko sa gabing iyon, dati pangarap ko lang na maisayaw ka. Tapos ngayon kasaysayan na siya. Isang masayang alala na hindi mabubura sa aking pagtanda.

Iyong sandaling magkatapat kaming naguusap na may magandang kanta na sinasabayan habang ang aming mga paa ay kumikilos ng pakaliwa at pakanan. Kay sarap alalahanin ng mga sandaling ito. Isang napakagandang alaala na hindi dapat malimot kahit ano pa man ang mangyari.

Iyong pakiramdam na napakagaan at sa mga oras na ito ay pwede akong ilipad sa kalangitan ng malikot kong pagiisip. Natila nasa isang panaginip ako. Naka-isang kanta man tayo habang nagsasayaw ay tila parang oras na rin ang tinagal nito.

Sorry bukas ko na lang itutuloy.......
Basta naiisip kita ngayon miss na talaga kita makakwentuham, makamusta at makatawanan... I miss you

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon