Chapter 32: Halina sa Aking Isipan

20 0 0
                                    

Mayo na pala!

Ika-7 ng Mayo araw ng Martes.

Masaya naman ako ngayong araw na ito. Dahil na rin sa mga nakakasama ko sa aking pang araw-araw na gawain. Martes palang pero long week end na ang nasa isip ko. Long weekend sapagkat botohan na sa darating na Lunes.

Isa pa hindi maganda ang aking pakiramdam halos apat na araw na akong inuuobo at sinisipon. Sa sobrang init kasi kapag gabi ay hindi ko maiwasang maligo bago matulog. Tapos sa sobrang init pagpapawisan ka habang natutulog saka matutuyuan ng pawis. Ang labas tuloy magkakasakit ka ng ubo at sipon. Hanggang ngayon ng ganito pa rin ako kaya gustong gusto ko na magbakasyon sa bahay para magpaalaga aking Nanay.

Miss ko na ang bahay. Kahit na kapag umuuwi ako sa amin ay nasa kwarto lang ako nakakulong tapos hawak ng cellphone ang nagse-surf sa internet. Minsan naman ay manunuod sa Laptop ng kung ano anong movies. Ang genre na gusto ay Love Story kahit na wala akong gf haha. Dala siguro ito ng inpluwensya saking ex ko. Dahil sa kanya nakahiligan ko na ang manuod ng Romance or Love Story na movies dati baduy na baduy ako. Haha, ngayon grabe minsan dalang dala ko pa talaga eh, dahil napapapatak pa ang aking mga luha.

Ang sarap talaga ng nasa bahay. Maghihintay ka na lang na tawagin ka kapag kakain na. Pagkakain ay galaw galaw ng konti tapos higa naman diretso tulog. Kaya gusto ko na talagang magbakasyon ilang araw din yon haha, three days, Sabado, Linggo at Lunes pwede pang mag absent ng Martes ulit. Long weekend na talaga ito!

Pero hindi naman ako si Doctor Strange para pa bilisin ang oras. Kaya mahaba haba pang ang aking itutulog. Nakupo Miyerkules palang kaya bukas, marami pang trabahong dapat gawin. Sa sobrang dami ng trabaho pati buhay pagibig nakalimutan ko na. Haha work is life.

Ang sarap na lang humiga at ipikit ang mga mata. Tapos simulan na ang panaginip na may tyansang zero talaga atleast sa pagdilat mo'y kasabay ng pag ngiti nawaring totoo talaga.

Habang ako'y nagiisip hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Magulo ang utak ko, minsan hindi ko alam kung saan nga ba ako liligaya. Kailan ang point na masasabi kong ito na yon? Ilan mga laman ng utak ko.

Ang gulo ko di ba? tipong yung tanong ko sa sarili ko ay ganon din hindi maintindihan.

Napapaisip ka na ba kung anong nilalaman ng isip ko? Gusto mo ba talaga malaman? Nasa tamang edad ka na ba para mga salitang aking bibitawan? Haha biro lang basta ang nasa isip ko ay... Sapat na ba ang nalalaman ko para dumating sa punto na mag-resign na ako at magsarili?

Nakapirma na ako ng plano. Unang pirma ko yun kaso hindi ko pa alam kung magkano ang ibabayad sakin ng Architect kong pinsan sa planong ginawa niya na pinirmahan ko. Iniisip ko kung magkano kaya yon? Pirma lang ang akin sa kanya yung design.

Pero ito ang napakasaya kasi sa aking paguwi ay may kakatagpuin akong kliyente magpapagawa ng plano para sa ipapasa niyang house loan. Wala pa naman ako idea kung magkano ang presyo ng ganon. Kaya napapaisip din ako kung magkano ang aking ibibigay na talent fee.Sana ay magtuloy tuloy na itong sideline ko hanggang sa makapag apply na ako for DTI.

Haha, ito ulit ang pumapasok sa isip ko... Nakakailan na ba ako sa mga naiisip ko? Speaking of DTI need ko ng name para sa maliit na firm na itatayo ko syempre. Ang problema ko anong pangalan ba ang maganda, tipong hindi makakalimutan, madaling bigkasin at walang kapangalan. Unique dapat para kapag sumikat ako lang ang may pangalan ng ganon sa first word niya. Like ko kasi binubuo ito ng limang salita para mahaba.

Iba na naman trip ko sa pagpapangalan ng magiging company ko. Iniisip dapat related siya sa mga subjects ko noong college. Kaya ang gagawin ko kapag uwi ko ay mag titingin tingin ako sa mga libro ko noong college ba ka doon may mapili ako.

Maganda kaya yung Pie Ar Squared Konstruct? Kapag pina-ikli mo PAS Konstruct. Haha wala lang trip ko lang paranc maganda naman siya sa pandinig.

Ito ang area ng bilog na walang sulok. Tipong pagpinagulong mo ay tuloy tuloy lang siya, buong parte niya ay sasalat sa ano mang daanan nito. Ang hirap gawan ng meaning haha...

Magiisip pa ako ng iba.

Itutuloy..... Good night :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon