Matagal ko nang naisip ito tanging kailangan ko na lang ay ang lakas ng loob para masabi sayo.
Hindi na pwedeng puro chat or text lang ako sayo.
Aba, tatlong buwan na rin pero hindi ko masabi sayo na gusto kitang ayaing lumabas. Gusto kitang ayaing mag-diner o kaya lunch iyong tayong dalawa lang.
Sabi ko sa sarili ko na dapat magkaroon na ako ng lakas ng loob.
Hindi naman pwedeng thru text or chat ako magsasabi na, pwede ba kitang ayaing lumabas?...
Huwebes ng gabi, nakatulala, nagiisip kung paano ko nga ba sasabihin sayo ang mga salitang yan na ang magiging tanging sagot mo ay oo. Salitang papayag ka sa sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ang tamang approach para masabi sayo personal ang layunin ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko na bahala na bukas kung makakausap kita o hindi.
Maaga akong pumasok para abangan ka. Dahil alam kong ito ang tamang oras para masabi ko sayo ang pakay ko. Ito iyong oras na wala pang gaanong tao sa area niyo. Kaya naman may chance na magkausap tayo iyong tayong dalawa lan talaga.
Pagkarating ko sa office ay ayon sakto, sobra ang pasasalamat ko parang nakaplano. Umayon ang panahon para magkaroon ng pagkakataon na makausap ka na tayong dalawa lang.
Nakita kitang may ginagawa at nilapitan kita sa una ay nauutal pa ako.
Ako: May sasabihin sana ako sayo.
Pagibig: Ano yon?
Ako: hmmmmmmmm (tug-tog...tug-tog...tug-tog...) Tibok ng puso ko.
Pagibig: Ano ba yon katagal naman?
Ako: Ah, ayain sana kita bukas lunch tayo?
Pagibig: Totoo ba yan?
Ako: Oo totoo nga, (tug-tog...tug-tog...tug-tog...) kasi di ba inaya kita noon na mag-diner kaso nakauwi ka na agad (inaya ko siya thru text) so kaya bukas na lang sana lunch tayo. Ano pwede ka ba?
Pagibig: Ngumiti... Ba ka naman pinagloloko mo lang ako tapos indyanin mo ko. Seryoso ba talaga?
Ako: Oo nga seryoso.
Pagibig: Okay sige...
Tapos ayon change topic na dahil unti unti nang dumarating mga ka-officemate namin.
Ito rin pala iyong araw ng birthday ng dalawa kong kaibigan.
May set ng videoke sa BGC at naka-reserve na sila. Ako naman, dahil excited para sa date kinabukasan pinili kong hindi sumama. Ayokong magpuyat at maginom para walang hangover sa araw na kasama ko siya.
Bago matulog ay nag-text ako sa kanya at nagtanong.
Ako: tama ba? Pumayag ka ba kanina sa 'kin na lumabas tayo bukas?
Pagibig: Oo
Ako: (With smile emoticon) ah okay sige, What time ka pwede? 10:30 AM or 12:00 NN?
Pagibig: 10:30 AM siguro.
Ako: Okay... Good night!
Nagisip na ako kung anong pwedeng ibigay sa kanya after namin lumabas.
BINABASA MO ANG
Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)
RomansaMinsan talaga hindi natin maiwasang magmahal, may puso kasi tayo. Ang masakit pa sa puso natin, kapag nagmahal kaya niyang diktahan ang isip mo. Magiiba ang takbo ng buhay mo dahil sa kakaisip sa kanya. Paggising sa umaga siya na agad ang maaalala m...