Chapter 7: Pintig

41 2 0
                                    

Ang sarap gumising ng kasama ka. Ikaw agad ang unang nakita. Kompleto na agad ang araw ko.

Tumayo na ko sa aking pagkakahiga upang mag-hugas ng muka. Gayun din naman ang iba.

Gumagayak na ang lahat upang umalis nang masulit ang klima at tanawin ng baguio.

Oy, haha... Bakit daliri mo pinang-toothbrush mo?

Naiwan pala sa sasakyan niya yong toothbrush at ibang bag ang kanyang nadala. Nagtawanan kami kasi hindi lang din naman siya ang nakaiwan ng tootbrush.

Gusto kitang pahiramin ng toothbrush kaso gamit na nga lang, haha. Biro ko sa kanya.

Nag-almusal tayo malapit sa Burnham Park.

Naka-upo habang nagpapababa ng kinain.

Mayamaya ay may isang ale na lumapit at naglalako ng strawberry. Nag-alok iyong ale na may free taste para malaman kung sadyang matamis siya.

Oy, bakit ganyan? Ang free taste isang beses lang. Ang dami niyong tumikim ng paulit-ulit.

Pero sa huli bumili rin sila.

Hindi ako bumili kasi wala rin namang pagbibigyan. Hindi ko rin naman paborito ang strawberry kung hindi pa siya jam. Kaya hindi ako naki-tikim.

Nilagay na sa sasakyan iyong mga binili. Mahirap namang bitbit nila ito habang naglalakad sa burnham park.

Pasalubong! Alam ko nang galawan yan. Teknik niyo para pampalubag-loob sa mga parents niyo.

Pakatapos ay nag-ikot tayo sa burnham park. Sinulit ang lamig ng klima. Para tayong nagde-date kung hindi natin papansinin ang iba.

May mga stolen shot ka nga pala. Sorry ah, gusto ko lang ng remembrance  na magkasama tayong dalawa.

Dahil nakakapagod lakarin paikot ang burnham park. Nakaramdam na ng gutom itong si tropa, alam naman natin na bawal itong nagugutom ba ka pumayat.

Mahilig ito sa korean food kaya naman siya rin ang nagtulak sa amin na magtungo sa session road. Dahil ang sabi niya may nakita siya roon. Kami naman sunod lang sa kanya.

Bigo kami, hindi namin na kita ang kainang sinasabi niya. Kaya sa ibang kainan napadpad.

Pumili na kami ng makakain at nag-order.

Makalipas ang mahigit tatlumpong minuto, aba naman wala pa ang order namin. Itong mga babae naming kasama beast mode na.  Buti na lang napa-kalma sila, kundi na ko, susugurin na iyong waiter.

Dumating na rin ang pagkain sa wakas.

Oh, picture picture muna! Haha, bakit ganito tayo? Gutom na pero nagawa pang mag-picture. Hayaan ko na nga remembrance rin ito na kasama kitang kumain.

Busog na ang lahat, oras na para bumili ng iba pang pasalubong. Pumunta kami sa good shepherd at doon sila bumili. Sila lang, kasi wala talaga akong pagbibigyan ng mga bilihin na yan. Kung sana hindi ka kasama sa gala na ito. Bibili ako at sayo ko ibibigay.

Habang papauwi na, pina-pakinggan ko iyong kantang fresh eyes... Na-in love na ata ako sayo. Gusto talaga kitang pagmasdan. Kahit naka-simangot, seryoso at naka-ngiti, in love na nga ako.

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon