Chapter 4: Surpresa

36 3 0
                                    

Napasarap ang tulog, oo nga pala kailangan maaga sa meeting place.

Sakto hindi lang pala ako ang late sa oras na ito. Pero na saan sila? Tanong ko sa aking sarili. Nakita ko iyong boss ko sa loob ng fastfood, doon kasi meeting place. Nakaupo siya at nagiisa. Pumasok na ako at nagtanong Sir, tayo palang ba dito? Ang sagot niya sa akin ay "tatlo na lang kayo na hinihintay". Tinuro niya kung saan ang iba, kaya nagtungo na ako roon.

Ito ang na papala ng late, ayan tuloy hindi kita kasama sa service.

Pagkarating ay hinanap kita, ginala-gala ang mga mata at noong nakita, pakiramdam na saya ang nadama. Kapag tinititigan ka napapangiti ako talaga.

Tumuntong na ang gabi. Isang pagtitipon ang gaganapin na may temang "way back to 80's"  kaya abala ang lahat sa kanilang pagbibihis.

Unang programa, panunoorin ang video presentation ng bawat grupo. Sorry, kasi ikaw lang ang palagi kong pinagtutoonan ng pansin. Kaya noong kayo na ang nag-present inabangan ko talaga kasi nga naman ikaw gusto ko makita.

Nakakakilig talaga iyong mga ngiti mo sa video. Nakakatawa mga hugot mo. Iyong ginaya niyo na patalastas ng isang fastfood, nakangiti lang ako habang nakatingin. Pero mas maganda kung ako yong lalaki na gaganap dito. Sa akin ka makikipagtitigan at makikipagtawanan.

Ito na ang pinakahihintay ng lahat ang exchange gift. Ang set up nito ay hindi mo kakilala iyong nabunot mo at ang tanging alam mo lang ay babae siya.

Minnie Mouse, ito ang pangalan ng nabunot ko. Ang gusto niyang gift ay pillow. Gusto ko nga sanang lokohin si Minnie Mouse. Ang ibibigay ko dapat na gift ay pangkain tutal ka tunog naman niya. Pero mahirap na ba ka maiyak, kaya totoong unan ang binili ko at pinabalot with matching punda.

Tinawag na ang pangalan ko. Pumunta ako para kuhanin iyong gift na mula sa nakabunot sa akin. Hindi ako umaasa na ikaw ang nakabunot sa akin, promise totoo yan.

Eto na, ako na ang maghahanap sa nabunot ko. Excited ako kung sino ito. Pwdeng mag-guess tapos kapag nahulaan may parusa, kasi hindi niya naitago ng mabuti ang identity niya. Pero hindi ko talaga nahulaan.

Binanggit ko ang pangalang Minnie Mouse. Nagulat ako at ikaw ang lumapit. Ang tagal kong pinagisipan kung sino si Minnie Mouse. Tapos ngayon ikaw pala.

Pagkalapit ay agad kong inabot ang regalo ko. Kabado ng mga oras na ito sana nagustohan mo.

Kung naisip ko lang na ikaw si Minnie Mouse iyong pillow na heart shape na ang binili ko, willing naman ako na angkinin mo ang aking puso.

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon