Chapter 16: Pulag Day One

20 2 0
                                    

Ang tagal na ring walang gala ang barkada.

Mayo na hindi pa rin nasundan ang last outing.

May set ng hiking ang head namin at nagyaya siya na mag-pulag syempre ako naman hindi na nagdalawang isip dahil game ako sa hiking.

Ang pinakamasaya sa araw na iyon ay ang marinig na siya rin ay makakasama mo. Isang ngiting palihim mula sa aking kinauupuan. Ikaw ba naman, malaman mong kasama ang crush mo. Aba, mas lalo akong na-excite sa hike iyong tipong nagka-count down ka pa.

Pagkalipas ng ilang Lingo ito na nga ang araw na pinakahihintay. Game na, impake na ng mga dadalhin ready na para sa hiking na magaganap. Ang meeting place as usual sa mga 24 hours na fastfood so doon kami nagpunta habang hinihintay dumating ang ibang kasama.

Ang tanging alam ko lang gawin ay titigan ka habang magkatapat tayo sa isa't isa. Ang saya ko, iyong makita lang ang napakaganda mong mata na kapag pinagmasdan ay nakakaibig talaga.

Gusto kitang tabihan sa byahe kaso na iba ang pwesto ko. Isang panghihinayang na naman. Pero kahit na katabi kita wala din naman akong sasabihin sayo. Hindi ko rin alam kung pano sisimulan ang usapan kung sakasakali. Pero siguradong bibilis tibok ng puso ko kung kakausapin mo ko.

Nakakahilong byahe ang sakit sa ulo grabe hindi man lang nakatulog ng maayos.

Breakfast muna, ayos pala dito unli rice!

Another hour to reach our destination pero bago iyon stop ulit para magpa-medical kasi required bago umakyat ng pulag.

Eto na, orientation before reaching the camp site. Hindi ko alam kung ako lang ang excited o kaming lahat.

Pagkarating sa camp site, diretso na sa nirentahang bahay para matulog. Ang lamig gabre tipong ang sarap talagang matulog habang balot na balot ka ng jacket at kumot.




Bakit ako nagkaganito? Bakit sayo? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko!

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon