Chapter 23: Roleta

28 2 0
                                    

Masaya ako na every night ay ka-chat kita. Gusto ko rin ang ginagawa ko na batiin ka ng good morning sa text araw-araw kahit walang good morning too.

Haha, sanay naman na ko pero siguradong kikiligin ako kapag nag-reply ka sa akin ng ganyan.

Sa pagsapit ng gabi na ka-chat kita hindi mo lang alam kung gaano ako kaligaya. Hindi nga tayo nakakapagusap sa office pero binibigyan mo pa rin naman ako ng time na maka-chat ako bago ka matulog.

Na-appreciate ko talaga yan. Iyong tipong magsasabi na ko ng good night. Dahil hindi ka na nag-reply at alam kong mahimbing na ang tulog mo. Minsan iniisip ko nga kung nakakaantok ba akong kausap kasi tinulugan mo na naman ako. Pero syempre inisip ko rin naman yung good side. Kahit na inaantok ay nagta-try ka pa ring magreply at dumarating yung time na makatulog ka. Haha, alin ka kaya dyan sa dalawa?

Nakita kitang nag-out na kaya naman nag-text ako ng "ingat". Ilang oras din akong nag-overtime at nang makauwi ay nag-chat ako at kinamusta kita kung okay ka lang. Dahil nakita kong sinisipon ka noong maga. Sabi mo naman ay okay ka lang. Dito na naman humaba ang ating kwentuhan hanggang sa makatulog ka na.

Paggising ng umaaga ika-20 ng Setyembre, inom ng tubig pagkatapos ay kuha ng tuwalya at diretso na upang maligo.

Pagkatapos gumayak ay nilakad ko na ang kalye ng P. Noval papuntang Espanya Boulevard at dito nagabang ng masasakyan.

Sa Scout Borromeo ako bumababa at muling sasakay ng Jeepney papuntang office. Naisip kong sinisipon ka kahapon at syempre kapag ganyan need mo ng vitamin C pampalakas ng resestensya. Bumili ako ng pineapple juice na in can para sana ibigay sayo.

Pagkarating ko sa office ay nandoon ka na. Kaso biglang nahiya ako na ibigay sayo itong binili ko. Takot akong ba ka tanggihan mo at mapahiya ako. Dahil sa takot ko at kaba ay nanatili na lang sa backpack iyong pineapple juice hanggang sa mawala na iyong lamig niya. At tuluyan ko na ngang hindi naibigay sayo.

Plano ko ring manuod ngayon ng Goyo: Ang Batang Heneral. Matagal na nating gustong panuorin 'to kaso kung hindi ka busy ay may personal na lakad ka naman kaya palaging nauuwi sa next time na lang. Kaso ilang Linggo na rin ang lumipas kaya nagdesisyon akong panuorin ko na mamaya kahit pa tumanggi ka.

One hour bago ang uwian, nag-text ako "what time ka uuwi?" Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay may na-receive akong text mula sayo. Ang sagot mo ay 5:30 PM at sinabi ko na nga ang pakay ko sayo. Nabigo na naman akong ayain ka. Kaya umalis na ako ang nag-out hindi kasi ako ang tipo ng lalaki na makulit sa nililigawan at ayoko rin nang namimilit kaya sagot ko na lang ay "okay". Pero ang lungkot ko habang naglalakad nasabi ko na lang sa aking isip tinanggihan na naman niya ako. Parang may mali na talaga aayain ko pa kaya siya sa susunod?

Pagkarating ay pumila ako para bumili ng ticket. Pero nag-text ulit ako sa kanya na "bibili na ko ng ticket text ka if like mo". At ayon nga hindi ko na siya binili kaya magisa na lang akong nanuod. Habang nanunuod ako nag-text siya ng " Sabihin mo sa akin kung maganda ah". Na ngiti lang ako at nag-reply ng maganda siya.

***
Hugot: Kapag sinabi kong maganda ka kasama na rin doon ang kalooban mo.

***

Mahigit dalawang oras din iyong palabas pero magka-text kami habang nanunuod ako.

Nag-text ako at nagsabi na tapos na iyong pinapanuod ko. Tinanong ko siya kung nakauwi na siya at ang sabi niya ay malapit na siya sa kanila.

Magka-text lang kami hanggang sa makauwi na rin ako.

Iyong lungkot na hindi kita kasama habang nanunuod ay mabilis na humupa.

Pero ano ba ang chance ko na manalo sayo?

Ano ang chance na maaya kita lumabas?

Dapat bang maging makulit ako?

Kailangan bang sumugal araw-araw para masabi mo ang Oo?

Kailan ang araw na lalabas ulit tayong dalawa?

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon