Pagsikat ng araw ay dumating na ang bangka na sasakyan namin para maglibot sa iba pang isla.
Ang ganda ng tanawin na makikita kaya naman halos lahat hawak ang cellphone para sa magandang profile picture. At hindi rin mawawala ang group pictures ng magbabarkada.
Isang magandang alala ang lahat ng nangyari sa isla kasama ka. Puno ng tawanan at maraming getting to know you, wala pa kasing each other.
Hindi pa ako handa para magtapat sayo at ba ka baliwalain mo lang. Masaya ako ngayon na kaibigan ang turingan natin sa isa't-isa.
Hayaan na lang nating tadhana ang kumilos para mas lalo tayong maging malapit.
Siguro naman may chance na ma-develop ka rin sa'kin at kilalanin din ako sa mga susunod pang pagsasama.
Sabi mo nga mas maganda iyong magsimula sa pagkakaibigan. "Dahil ang LOVE nade-develop yan".
Tuloy pa rin natin ang pagka-kaibigan.
Magpapatuloy lang sa nakagawian hanggang maramdaman mo ang kasiyahan kapiling ako.
BINABASA MO ANG
Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)
RomanceMinsan talaga hindi natin maiwasang magmahal, may puso kasi tayo. Ang masakit pa sa puso natin, kapag nagmahal kaya niyang diktahan ang isip mo. Magiiba ang takbo ng buhay mo dahil sa kakaisip sa kanya. Paggising sa umaga siya na agad ang maaalala m...