Maaga akong nagising para sa masayang araw na iyon. Habang nakahiga ay nagiisip lang kung anong gagawin ko para hindi siya mainip kapag kasama na niya ako.
Nagtext ako ng, good morning...
Pero hindi siya nag-reply, meaning tulog pa siya. Haha, joke kahit naman gising na siya bihira niya talaga ako reply-an ng good morning din.Habang hawak ko ang cellphone ay may biglang tumawag.
Sinagot ko ito at noong malaman ang sinabi ng aking kausap ay bigla akong nalungkot.
Iyong ka-date ko sana ngayong araw tumawag siya at nagsabi na pwede bang sa monday na lang, diner na lang. Dahil masama ang kanyang pakiramdam hindi siya makakapunta ngayon.
Ako: Ah, okay sige pagaling ka.
Ito na lang ang salita na sabi ko sa aking bibig. Nagtext din ako na uminom na siya ng gamot para mawala iyong sakit niya. Hindi ko na siya kinulit at hindi na rin ako nagtext hinayaan ko na lang siya na magpahinga.
Natulog na lang ako buong maghapon at nang magising ay nag-text ako sa kanya upang kamustahin ang pakiramdam niya.
Hanggang sa humaba na ang aming kwentuhan at bigla siya nag-open ng, okay lang bang bukas na lang natin ituloy?
Nabigla ako na may ngiti sa muka. Pero sa text niya na yon ay hindi na ako umasa na matutuloy ito bukas gaya ng sinabi niya. Ang tangin nasa isip ko na lang ay bahala na bukas kung matuloy.
Sunday bukas, ang tanong ko sa kanya ay anong oras tayo magkikita?
Sagot niya sa akin ay bahala na ako. Pero mas gusto ko na siya ang magsabi ng oras para sure at para hindi na rin siya mahirapan sa byahe niya.
Tinanong ko siya kung gusto ba niya ng 10:30 AM attend muna kami ng service (magsisimba) or 12 NN na lang tapos lunch.
Ayon okay na ang oras ng pagkikita namin.
Sunday...
Pagkagising ko ay nag-good morning ako sa kanya. Hindi na ako nagtanong kung tuloy ba kami or hindi. Hinayaan ko na lang na dumating ang oras na magkikita kami sa Mall.
Pagkagayak ko ay naglakad na ako sa P. Noval patungong Espanya para doon magabang ng masasakyan. Nang makasakay na ako ay kinuha ko ang cellphone ko at nag-text sa kanya na papunta na ako sa meeting place. Kailangan ko ring agahan dahil may bibilin pa ako na gift para ibigay sa kanya.
Nag-text siya sa akin at nagtanong kung nasaan na ako nag-reply naman ako kaagad. Nag-inform naman siya sa 'kin na nasa Mall na siya pero naghahanap pa siya ng paparadahan kaya paikot ikot pa siya sa parking lot.
Sakto naman at pabor sa 'kin iyon dahil maihahanda ko pa iyong bagay na ibibigay ko.
Nagpunta ako sa National Bookstore para bumili ng card at saka double sided tape. Pagkabili ay tumambay muna ako sa foodcourt para doon sulatan ang card at ilagay sa binili kong box ng chocolate candys.
Kulang ako sa preparation at hindi na rin ako makapagisip isip. Ang tangin naisulat ko na lang ay "Thank you sa time".
Nag-text ulit siya at nagtanong kung na saan na ako. Nagkita na kaming dalawa saka nagkamustahan. Tinanong ko kung saan niya gustong kumain (nakakainis ba sa inyo yon girls?). Wala rin kasi akong mai-suggest sa kanya dahil puno naman iyong mga like kong kainan. Hanggang sa nagsabi siya ng kainan tapos sumangayon na rin ako sa napili niya.
Habang kumakain ay naguusap kami nag-open ako ng topic para hindi maging boring ang date namin at para na rin hindi niya masabi na ang boring kong kasama. Iyong mga araw na yon ay naging madaldal ako kahit na hindi naman talaga ako ganong madaldal.
Ang saya lang namin lalo na ako kasi natuloy kami at kasama ko siya at kaharap habang naguusap.
Nakwento niya na may pupuntahan siya ng 6:00 PM kaya sinabi na lang niyang ngayong Sunday na lang kami lumabas. Ibig sabihin after lunch ay may time pa ako para makasama siya bago mag 6:00 PM.
Inaya ko siyang manuod ng movie ang title: Miss Grany...
Grabe ang saya ko kasi naman sakto ang palabas na napili namin. Nakikita ko siyang tumawa habang nanunuod. Hindi boring ang palabas, umayon na naman sa 'kin ang panahon.
Pagkatapos ng movie ay naglakad-lakad na lang kami sa Mall inikot namin iyong department store habang nagkukwentuhan.
Ang dami naming napagusapan at umabot kami ng 7:00 PM hanggang nag-text na sa kanya iyong mga high school friends niya.
Sinamahan ko siya papunta sa lugar ng meeting place nila. Doon na rin ako nagpaalam. Bago magpaalam ay may kinuha ako sa backpack ko at inabot sa kanya. Nagulat siya at nagtanong ng, ano yan? Ngumiti lang ako at sinabing basta.
May nakasulat naman doon kaya basta na lang ang aking sinabi.
Pagkabigay ay bumaba na ako ng sasakyan at umalis. Nag-text rin ako ng, Thank you!
At syempre, ingat ka!
BINABASA MO ANG
Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)
Storie d'amoreMinsan talaga hindi natin maiwasang magmahal, may puso kasi tayo. Ang masakit pa sa puso natin, kapag nagmahal kaya niyang diktahan ang isip mo. Magiiba ang takbo ng buhay mo dahil sa kakaisip sa kanya. Paggising sa umaga siya na agad ang maaalala m...