Chapter 9: Tatlong araw

28 2 0
                                    

Gumuguhit ng isang plano ang buong grupo. Isang lugar kung saan tahimik, malayo sa ciudad at mage-enjoy ang lahat.

Busy sila sa paghahanap. Tadtad ang group chat ng kung ano-anong link kung saan may magandang puntahan.

Ilang linggo rin bago ito mapagdesisyunan.

Ready na ang lahat.

Tatlong araw at dalawang gabi tayong magkakasama-sama.

Ano kaya ang ugali ng bawat isa?

Hindi namin pinaalam ang aming plano sa ibang mga katrabaho. Pero sabi nga nila walang lihim na di nabubunyag.

Takot kaming ipaalam dahil isang araw kaming mapipilitang mag-absent. Ba ka hindi kami payagan dahil walo kaming hindi makakapasok sa araw na yon. Kaya nag isip kami ng kanya-kanyang palusot para makapagpaalam.

Ang plano aalis ng gabi sa manila para makarating ng madaling araw sa isla.

Dapat magko-commute kami pero dahil may nakitang contact number sa fb page si tropa agad niya itong tinawagan.

Ayos nag-ring, nakausap niya ito at nag-offer na ng package na island hopping and camping with service na susundo sa amin at maghahatid pabalik. Solo namin ang Van walo lang kaming magiging laman. Kaya naman game ang lahat.

Alas dos ng umaga ang dating ng Van.

Eto kami tambay sa isang fastfood hanggang dumating ang service.

Excited ang lahat lalo na ako.

Ano kaya ang mangyayari sa isla? Maganda kaya sa pupuntahan namin? Yan ang mga tanong ko sa aking sarili. Sorry ang dalas kong kausapin sarili ko.

Dumating na iyong Van na sasakyan namin patungo sa isla. Eto ang naging sitting arrangement. Iyong mag jowa sa last row, dalawa lang sila. Girl and boy sa middle tapos sa first row ay si pag-ibig, tapos iyong katabi niya at si ako.

Sana tabi kami kaso na-unahan ako. Haha, joke lang asa naman na tumabi sakin yon. Oy, iyong katabi niya nga pala ay babae rin. Dual sim...

Nakikiramdam ako sa kanilang lahat at iyon nga may mga kanya-kanyang ginagawa. Itong si pag-ibig naman tulog, ewan ko lang kung tulog nga ba o nagtutulog-tulugan. Pero minsan naman naka-dilat siya tapos hindi nagsasalita. Mukang malalim ang iniisip. Sana ako na lang iniisip mo. O kaya wag ka na lang magisip kausapin mo na lang ako ba ka malibang pa kita at mapatawa.

Umidlip na din ako para may lakas pag-dating sa isla saka para na rin may tulog kahit konti.

Pagka-gising ay uminom ako ng tubig at pinagmasdan ang paligid kung na saan na ba kami. Sa isip ko ay mukang malapit-lapit na rin sa aming pupuntahan.

Nagtungo kami sa palengke bago dumiretso sa isla para na rin makabili ng makakain sa loob ng tatlong araw. Syempre ang dapat lang namang bilhin ay iyong kaya mong lutuin.

Noddles, tuyo, itlog na maalat, karne ng baboy na iihawin, delata na tuna, itlog, kamatis, sibuyas, toyo, at iba pa.

Pansin niyo ba? Haha, ayaw naming mahirapang magluto kaya ganyan ang aming binili.

Pagkapamili namin ay diretso na sa dalampasigan dahil doon naghihintay ang bangkang aming sasakyan.

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon