Konti lang ang pumasok, aba na pa aga bakasyon ng iba. Bilang na bilang ang tao sa opisina. Wala ang mga boss at mga senior na staff. Okay lang din naman na hindi gaanong magtrabaho. Dahil maagang natapos bago mag-cut-off ang mga paper works kaya wala rin talagang gagawin.
Parang may pagtitipon di alintana ang cctv sa paligid. Nagsimula sa tanungan hanggang isa-isa nang nag-kwento. Buwan lang din naman kasi ang pagitan ng bawat isa noong pumasok sa kompanya.
Humaba na ang kwentuhan. Ang sarap balikan ng mga panahong ikaw ay bata pa. Iyong mga larong mapapagod ka at pagpapawisan. Tapos mga sikat na kanta noong high school na aliw na aliw kang pakinggan. Palabas sa telebisyon pagsapit ng hapon na lagi mong sinusubaybayan. Sino hindi nakakaalam ng kamehame wave, isang daang porsyento, ray gun, santsay(shan cai), gung-gong, kage bunshin technique, at iba pa.
Lahat yan napagusapan namin kaya nga ang saya balikan ng pagkabata.
Teka, gumagabi na pala. Unti-unti nang nag-uuwian ang iba. Ilan na lang ang natira at sila yong mga tinatamad pa na umuwi sa kanila. Tanong ng ilan saan tayo pwedeng pumunta.
Ewan, kung pano kami na padpad sa department store at bumili ng mga makakain.
Nagsabi ang isa na pwede sa staff house dahil maguuwian naman mga kasama niya. Kaya ayon game!
Ang saya ng gabi kong kasama ka, kasama kang tumatawa, kausapan at kabiruan. Ang dami kong nalaman mula sayo. Ang sarap pakinggan ng tawa mo. Lalo akong nagkakagusto sayo. Iyang mga mata mo na nakangiti rin kapag tumatawa ka. Ang lakas talaga makaakit.
Truth or consequence. Ang laro sa mga oras na ito. Pero badtrip lang, may torpe dito. Ang lakas ng loob nag-truth. Tapos noong tinanong kung sino ang crush... Ang naging sagot ibang pangalan. Pero dapat ikaw yon! Ikaw yong crush ko. Ikaw yong gusto kong ligawan. Kaso natakot ako ba ka hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo.
Ikaw pala ang taya, tapos truth din ang gusto mo. Gusto ko sanang ako ang magtanong kaso hinayaan ko na lang sila. Naisip ko kasing ba ka mahalata mo na personal itong sasabihin ko.
Hindi muna ako a-amin sayo. Hahayaan ko munang palihim na magmahal ang pusong to.
Naguwian na. Hindi ako mapakali kakaisip sayo. Hindi ko alam ang number mo. Pero friend naman tayo sa facebook. Ayoko naman personal kang i-chat kung naka-uwi ka ba ng ligtas kasi nahihiya talaga ako sayo. Kaya ito ang naisip ko. Ang gumawa ng group chat. Dito ako nag-message ng "nakauwi na ba ang lahat? Concern citizen lang".
Noong makita na nag-seen ka, nag-good night na rin ako. Ibig sabihin you're safe.
Magiging magka-chat din tayo, sa group chat nga lang.
BINABASA MO ANG
Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)
RomanceMinsan talaga hindi natin maiwasang magmahal, may puso kasi tayo. Ang masakit pa sa puso natin, kapag nagmahal kaya niyang diktahan ang isip mo. Magiiba ang takbo ng buhay mo dahil sa kakaisip sa kanya. Paggising sa umaga siya na agad ang maaalala m...