Lumapit ang isa naming kaibigan upang sabihing luto na ang pagkain. Gabi na rin kasing nakapagluto. Dahil ang hirap talaga pag-bagahin iyong kahoy. At buti na nga ay makakakain na rin ng hapunan.
Tumayo na kami sa pagkakahiga sa buhangin malapit sa dalampasigan at nagtungo sa kubo katabi ng mga tent.
Pagkarating ay nakita naming nakahain na sa lamesa ang kanin at ulam.
Ang bait talaga nitong magkasintahang 'to pwede nang bumuo ng pamilya. Sila nga lang pala iyong mag-partner sa grupo namin.
Hays, sa susunod kami na rin ng pagibig ko ang mag-partner. Darating din ang araw na liligawan kita at ipaparamdam na ako'y tapat sa'king nadarama.
Pagkakain ay niligpit na ang pinagkainan at nagsabi si pagibig na siya ang maghuhugas ng mga ginamit sa pagluluto. Sumama na ako sa kanya para ako ang magtitikwas ng poso habang magbabanlaw siya ng mga ginamit.
Nakatingin lang ako sa kanya at sa isip ay ang sipag naman pala nito marunong din pala sa gawaing bahay.
Pagkatapos ay ako na ang nagbuhat ng mga kagamitan pabalik sa kubo.
Kinuha naman ng iba kong kasama iyong mga kahoy na may baga upang dalhin malapit sa dalampasigan. Upang doon magsindi ng apoy habang nagkukwentuhan.
Tulad ng dati, marami kaming baon na marshmallow kaya wag na kayo magtaka.
Eto na nga't aliw na aliw ako sa kwentuhan naming lahat habang nakadarang itong marshmallow sa apoy.
Mayamaya pa ay nagpaalam iyong tatlong babae kong kaibigan at umalis muna dahil may kukuhanin daw sa tent.
May kasama pa naman akong ka kwentuhan ngayon at tuloy-tuloy pa rin ang usapan namin ng mga naiwan. Without knowing na alas dose na pala ng hatinggabi at sa sobrang libang ko ay may nakalimutan ako.
Dumating na itong mga babae naming kaibigan at bumalik sa kanya-kanya nilang pwesto. At pagtagal ay bigla silang lahat nagkantahan... "happy birthday to you... happy birthday to you... happy birthday to you..."
Nagulat ako, dahil oo nga pala kaarawan ko na nga pala at ito ang nakakatawa kasi hindi ko talaga na alala na kaarawan ko na. Ang alam ko ay bukas pa pagsikat ng araw. Ito ang first time kong makaramdam ng supresa sa aking kaarawan mula sa inyo.
Ang saya-saya ko kasi iba ang turing niyo sa birthday ko. Samantalang ako iniisip ko lang siyang pangkaraniwang araw. Naging isang 'di makakalimutang araw ang taon na ito ng aking kaarawan kasama kayo.
Inabot sa'kin ang cake at pinahipan ang kandila nito. Pero bago yon sinabihan muna nila ako na mag-wish at ginawa ko naman.
Ito ang pagkakasabi ko "Lord may pagtingin ako sa babaeng kasama ko ngayon. Lord kayo na po ang bahala na gumawa ng paraan na magkakilala kami ng lubusan" at habang sinasabi ko yan ay iba ang saya ko kasama kayong lahat.
Pagkatapos ko hipan ang kandila at makapag-wish ay isa-isa silang nag-salita at nag-wish para sa akin.
Ang aking pagibig na ang nagsasalita...
Ito ang hindi ko makakalimutan kapag alis natin sa isla at laging mananatili sa isip ko.
Sa lahat ng sinabi mo ito ang tumatak sa akin... Hiling mo na sana makita at makilala ko na ang babaeng para sa akin. Sana ngayong taon ay magka-love life na ako.
Habang binabanggit mo iyan ay sumasang ayon ako sa isip at sa puso. Habang sinasabi mo 'yan ay sinasabi ko na nakita ko na iyong babaeng para sa'kin at ikaw iyon. Habang hinihiling mo na ngayong taon ay sana magka-love life na ako, sa isip at puso ko ay sinasabi na sana ikaw na ang maging girlfriend ko ngayong taon.
Habang ikaw ay humihiling kasabay nito ang aking paghiling din na maging tayo.
Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa iyo ang pagibig kong ito.
Dapat na bang kumilos ako?
BINABASA MO ANG
Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)
RomansaMinsan talaga hindi natin maiwasang magmahal, may puso kasi tayo. Ang masakit pa sa puso natin, kapag nagmahal kaya niyang diktahan ang isip mo. Magiiba ang takbo ng buhay mo dahil sa kakaisip sa kanya. Paggising sa umaga siya na agad ang maaalala m...