Ang tagal na rin simula ng aminin ko sayo itong nararamdaman.
Dapat na ba akong magsabi na manligaw?
Hindi tayo masyadong close kaya naman bihira magkausap. Makausap man kita ay dahil may itatanong ako tungkol sa trabaho natin.
Alam mo bang gusto kong mas mapalapit sayo.
Nagkakasama lang tayo kapag may gala ang barkada. Dito lang ako nagkakaroon ng chance na matitigan ka at makausap. Pero ang mas madalas ay iyong matitigan ka lang, makausap bihira talaga.
Gusto kong gumawa ng paraan para mapalapit sayo. Pero hindi ko kaya sa office gawin yan. Gusto kitang ayain na lumabas, kumain at magkwentuhan o kaya naman ay manuod ng sine.
Kaya nga sa chat inaalam ko kung ano ang mga ayaw mo na food tipong saan ka allergic. Anong games or sport mga gusto mo. Kung anong genre ng movies ang hilig mong panoorin.
Sana talaga maaya kita na lumabas tayo. Pero kailangan kong sabihin sayo personal.
BINABASA MO ANG
Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)
Roman d'amourMinsan talaga hindi natin maiwasang magmahal, may puso kasi tayo. Ang masakit pa sa puso natin, kapag nagmahal kaya niyang diktahan ang isip mo. Magiiba ang takbo ng buhay mo dahil sa kakaisip sa kanya. Paggising sa umaga siya na agad ang maaalala m...