Nakakaantok talaga kapag busog. Ito ang madalas na pakiramdam pagkatapos kumain.
Kanya-kanyang mundo muna tayo. Busy ako sa pagiikot ng aking mga mata upang pagmasdan ang magandang tanawin ng isla. Ang ganda dito tahimik at kakaunti ang mga tao. Lugar talaga para magpahinga at magpakasaya. Tanggalin ang stress dulot ng trabaho.
Itong mga kaibigan ko naman ay kung saan-saan na naglatag ng kanilang mga higaan.
Tanghaling tapat!
Napaka-tahimik na simoy ng hangin at tunog ng alon lamang ang iyong maririnig. Sino ba namang hindi makakatulog sa ganitong lugar.Dahil tulog sila at wala akong magawa kinuha ko iyong cellphone ko at nag-picture. Nilapitan ko bawat isa at kinuhanan ng picture. Ang a-amo nila kapag tulog haha... Si pagibig kinuhanan ko rin ng shot ang ganda kahit naka-nganga, sorry ah. Pero binura ko rin naman iyong picture mo.
Natulog na rin ako para makapag-charge dahil puyat nga sa byahe.
Sigurado gising na gising tayo mamayang gabi dahil ang sarap ng tulog natin lahat.
Pagsapit ng alas sais ay sinimulan nang magparingas ng uling para sa paghahanda ng hapunan. Kung bakit hindi tayo marunong magpa-baga nito. Pero pagtagal ay napagpa-baga na rin.
Ganoon ulit tayo. Boodle fight.
Pagkatapos kumain ay gumawa ng isang siga, malaki kasi kapag bonfire. So, siga lang ang ginawa para sa pag-melt ng marshmallow.
Nakapaikot tayo sa siga habang may hawak na stick at may naka-tuhog na marshmallow sa dulo nito. Haha, hindi ako marunong magtansya ayon tuloy na sunog iyong sa akin. Tapos try ulit hanggang umayos na iyong pagkaka-melt nito.
Boring naman kung puro ganito lang ang gagawin kaya naman nagisip ng mga games itong isa. Ang dami rin nating nalaro kasi kapag boring na iba naman. May hindi ako makalimutan eh... Iyong game tactic mo sa isang laro para ma-distract siya at maunahang maka-sagot. Haha, tawang tawa talaga ako sayo. Natalo mo ako dahil doon at sila rin.
Malaunan ay nagkwentuhan na lang at nagtanungan about sa past love life. May mga kanya-kanya tayong istorya mga iba't ibang klase ng sakit na naramdaman. Iyong kwento ng bawat isa pang MMK talaga.
Gabi na rin pala, tahimik na rin iyong ibang mga nasa isla oras na para matulog.
Umiral na naman ang katorpehan ko. Natulog tayo ng hindi man lang nakapag-good night sayo.
BINABASA MO ANG
Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)
RomanceMinsan talaga hindi natin maiwasang magmahal, may puso kasi tayo. Ang masakit pa sa puso natin, kapag nagmahal kaya niyang diktahan ang isip mo. Magiiba ang takbo ng buhay mo dahil sa kakaisip sa kanya. Paggising sa umaga siya na agad ang maaalala m...