Liham

96 2 0
                                    

Paumanhin sa aking inaasal, ngayon pinipilit kong ganito muna ang takbo ng buhay ko.

Kahit ganito na ako ngayon wag mong kalimutan ang una at pangatlo sa huling text ko sa iyo.

Liligawan kita at clear ang intensyon ko sayo. Wala akong balak magloko or manloko or ano pa. Mahal kita

Mahal kita at hindi ko kayang pigilan itong nararamdaman ko.
Mahal kita at handang maghintay sayo.
Mahal kita, kahit na ngayon tahimik na lang at patingin tingin sayo.

Tulad ng sinabi ko sa text na nasa mindset ko pa rin na may pagasa ako.

Reply-an mo lang ako ng tulad ng pangatlo sa huling text ko, magiging masaya na ako.
Makakatulog na ako ng mahimbing sa gabi. Wala nang ikaw na iisipin pa, pero isasama pa rin kita sa panalangin ko.

Pinili ko ito dahil ayoko na naiipit ka.
Pinili ko ito hindi dahil sa mga sinabi mo.
Pinili ko ito para mabawasan ng isa ang mga problema mo.

Hmm, Hindi ko natupad yung mga planong tayong dalawa lang sana. Iyong mga planong yayayain sana kita na manuod ng "To Love Some Buddy" at "First Love". Tapos yung pagpunta sana ng "Corregidor Island" at "Enchanted Kingdom". 

Nasabi ko sayo ang mga ito kaso hindi na kita na-follow up sa mga planong ito. Heto na't naging aking pangarap na lang na mahirap nang makamit.

Ang bagal ko kasi, eto tuloy ako ngayon mananahimik na lang sa isang tabi.

Pero...Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig...

May ipaparinig ako sayo. Habang pinapakinggan ay subukan mong pumikit at pakinggan ang mga bawat salita nito.

Search mo itong kantang.

.................

"Buwan"

Ako'y sayo ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Ayokong mabuhay ng malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina't tayo'y humiga

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan
Ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso't damdamin
Damdamin aking damdamin

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

..........

To the girl I want to be with, I Love You!!!
I really Love You So Much!!!

My heart still saying that I Love You!!!

This is not the way I say goodbye, maybe today the stars weren't aligned for us.

This is what called divine destiny and there's always tomorrow for us.

...........

Diary ni Diyo (Puso Hanggang Kailan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon