CHAPTER TWO - Lovelife ng Otaku

259 10 6
                                        

CHAPTER TWO

" Lovelife ng Otaku "

Ang sabi nila ang buhay ng tao ay sadyang maikli lang kaya kailangan mo itong masulit at ma enjoy kahit sa maliit na paraan upang masabing may buhay kang buhay o maligaya kang nabuhay dito sa mundo . Pero paano mo nga ba masasabing nasusulit mo ito ?

Ito ba kapag nakakapagbakasyon ka at nabibili mo ang lahat ng luho mo o hindi kaya natutupad mo na ang pangarap mo para masasabi mo nang nasulit mo ang iyong buhay sa pananatili sa mundo ?

Pera , lovelife, katanyagan, mga luho at katayuan sa buhay ay ilan lang sa mga hinahangad ng tao na makuha at sa tingin ko kapag meron ka nito ay kaiingitan at rerespetuhin ka ng mga tao . Ganun mismo ang pamantayan nila bilang mga tao sa kasalukuyang panahon.

Ang mga iyon daw ay katunayan na meron kang maipagmamalaki at may magandang buhay . Siguro ? Pero yun nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng salitang matagumpay na buhay ?

Kung iisipin kung ang Ganap na kahulugan ng mga salitang yun ay ang mga kaginhawahan sa buhay ay masyado itong hindi patas para sa ibang tao . Kagaya na lamang ng mga mahihirap o hindi nakaranas ng mga maluhong bagay .

Pero bakit ko nga ba iniisip ang mga bagay na ito ? Ewan , siguro dahil gusto ko rin magtagumpay sa buhay gaya ng iba kahit na isa lang akong mahirap na tao at dahil gusto ko iyong mangyari ay nandito ako ngayon sa trabaho ko upang kumita ng pera .

Bumagsak ako sa isang malaking pagawaan ng mga lata pagkatapos kong maghanap ng trabaho para baguhin ang sitwasyon ng buhay ko.

Mainit , delikado at nakaka inip na pagpipindot pindot ng mga button ang trabaho ko bilang operator ng makina . Nakakasawa at nakakaantok ang gawaing ito sabayan mo pa ng mga bisor na pinag iinitan ka dahil sa mga mabagal mong pag gawa .

" Hindi ko na ito matatagalan, nami-miss ko na ang PSP ko . " Bulong ko sa hangin habang napapabuntong hininga .

" Hindi ganito ang gusto kong mangyaring pagbabago. "

Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari saakin pagkatapos kong magdesisyon na baguhin ang buhay ko . Tama, maling mali ang nangyayari saakin kung ikukumpara sa mga bidang napapanuod ko pagkatapos nila baguhin ang buhay nila. Gusto ko umunlad din gaya ng mapapanuod ko pagkatapos nilang magbagong buhay .

Pera , pera, at maraming pera iyon ang kailangan ko para makatayo ako sa sarili kong mga paa at tuluyan nang gumawa ng pag babago sa buhay ko.

Pindot , buhat , pindot , lagay , pindot , alis , lista , paulit ulit , ulit ulit na ginagawa ko sa maghapon at magdamag . Walang kausap , walang music , walang games at higit sa lahat ay walang Anime . Minsan nga naiisip ko na isa na rin akong makina gaya ng kaharap kong ito .

" Tsk , pag babago ? Nagbago ang buhay ko papunta sa boring na trabaho sa pabrika !! " Sigaw ko sabay sumipa sa bakal na katawan ng makinang pinapatakbo ko .

~

Ilang Araw pa ang lumipas sa pagtiya-tyaga ko sa trabaho ko eh sumapit na ulit ang araw ng sweldo . Makukuha ko na ang bungga ng aking pinaghirapan at sisiguruhin ko nang magagamit ko na ito . Nakakatawa lang na yung nararamdaman kong kaligayahan ngayon sa pagtanggap ng perang ito ay dapat sa unang sahod ko naramdaman pero iba ang inaasahan ko na mangyari sa realidad ng buhay .

Marami akong utang dahil sa pag aapply at ang iba naman sa pera ko ay allowance ko para sa araw araw na ginagastos ko kasama na ang pamasahe at ang natira kinukuha ng magulang ko para makatulong ako sa gastusin sa bahay . Kung iisipin ko wala rin nangyari sa pinagpaguran ko . Halos dumaan lang ang pera ko sa kamay ko at kahit gusto kong gamitin ito sa gusto ko ay wala naman akong magagawa kundi pakawalan iyon sa pitaka ko.

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon