-------------------------------------------part 2 / part 2 ----------------------------------------
" Didi , may gusto lang ako malaman sayo . "
Dito ay bigla nyang binanggit ang pagpapakasal ko sa isang babaeng ni minsan di ko pinakilala sa kanya . Nagsasalita sya na tila kinukwesyon ang mga desisyon ko na pumili ng kung sino lang para makasama sa buhay .
" Hindi ako naniniwala na magkakaroon ng girlfriend ang isang kagaya mo na walang kasigla siglang tao ."
" Walang rason para ipakilala sa isang trespasser na kapitbahay ang mga taong makikilala ko . " Sambit ko dito.
Hindi sya tumugon sa sinabi kong yun at halos ilang segundo rin kaming natigil sa pag sasalita na ang tanging maririnig mo lang ang tunog sa pagkalabit sa keyboard at mouse habang ginagamit nya ito.
" Mahirap paniwalaan na magagawa mong magkaroon ng girlfriend , magkano ang binayad mo sa babae ? . " Tanong nito.
" Sira. "
" Didi , Talaga bang nagbago ka na ? " Seryusong sambit nya.
Dito ay nagsimulang maging seryoso ang tono ng pagsasalita nya habang ibinibigay ang saloobin nya tungkol sa nangyayari . Nagsasalita sya na tila ba kilalang kilala nya ang boung pagkatao ko at alam nya ang mga nangyayari saakin sa mga nakalipas na taon.
" Hindi ba nakakapagtaka na ikaw na inilalayo ang sarili sa ibang tao ay biglang magkakaroon ng girlfriend at ngayon ay malapit na itong pakasalan ? " Sambit nito.
" Ano naman ? " Pabalang na sagot ko .
" Iniisip mo bang mga tanga ang mga tao sa paligid mo ? Sila tita , si Romeo at ang pamilya mo ay nag aalala sayo pero hindi nila magawang kwesyunin ang desisyon mo tungkol sa babaeng yun dahil natatakot sila na bumalik ka sa pag sira sa buhay mo . "
Hindi ko magawang makapagdahilan dahil sa totoo lang kahit ako ay nabibilisan sa mga nangyayari at ewan ko kung bakit mabilis tinanggap ng pamilya ko si Lea nang hindi sinusuri ang pinagsamahan namin .
Ano nga bang pwede kong sabihin sa kanila ? hindi ko rin naman pwedeng sabihin kay Elisa ang tungkol sa kasunduan namin ni Lea .
Dito ay sinagot ko lang sya nang pabalang .
" May mga bagay talagang hindi natin inaasahan at may mga pagbabago tayong nararanasan sa buhay ."
Sa pagkakataon na yun ay ningisian nya lang ako na tila natatawa sa mga sinabi ko . Nararamdaman kong hindi nya tinatanggap ang mga pagdadahilan ko .
" Sabihin mo nga Didi kung paano mo ako mapapaniwala na ang isang taong pilit parin nilalayo ang sarili nya sa ibang tao na pati ang matalik na kaibigan nya ay tinuturing nya parin na trespasser na kapitbahay ay napakabilis tumanggap ng ibang tao sa buhay nya na parang wala lang ? " Seryusong sambit nito.
Hindi ako naka imik sa pagkakataon na iyon at napalunok na lang habang napapailing sa gilid ko. Hindi ko na rin magawang maibaling ang ulo ko upang harapin sya dahil aminado ako sa sarili ko na tunay ang mga sinabi nya sa mga oras na iyon .
Tama , maraming tao akong tinalukuran noon at tinuring na bale wala sa buhay ko.
Ang totoo bago pa ako maging NEET at mawalan ng gana sa buhay ay may mga kaibigan ako . Ilang tao na nakakasama ko at nakakakwentuhan ko bilang mga kaibigan.
Kahit na isa akong Otaku ay bukas akong nakikipagkaibigan sa ibang tao at isa na roon si Elisa na dati kong itinuturing na kaibigan .
Tama , Kulang kulang sampung taon na rin simula ng kalimutan ko ang mga taong itinuring kong mga kasama at ilayo ko ang sarili ko sa kanila . Napakatagal na panahon na rin pala ang lumipas at hindi ko na alam kong nasaan na sila ngayon .
BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasíaISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...