CHAPTER 2
" The God's Mistake "Ang sabi nila na ang pagkakataon ay minsan lang dumarating sa buhay kaya kailangan mo itong sunggaban sa oras na dumating na ito sayo at bilang bata ay hindi ko ito pinapansin noon .
Hindi sa sutil ako o itinuturing kong katatawanan ang mga bilin nila sadyang hindi lang ako interesado seryosohin ang kasabihan na iyon .
Siguro dahil bata pa nga ako at inaasahan ko na marami pa akong pagkakataon at pagpipilian sa mga bagay na gusto ko talaga kaya napakadali saaking tanggihan at pakawalan ang mga pagkakataon .Pero ngayong nasa edad na ako at malapit na mawala sa kalendaryo ang numero ng edad ko ay tyaka ko ito lubos na pinapahalagahan at gustong makuha .
Pero paano kung kelan handa ka nang pahalagahan at sunggaban ang pagkakataon ay hindi na ito dumarating sayo ?
Ikaw na ang naghahanap dito na sa sobrang ilap ay para bang nangangapa ka sa dilim .Huli na ba ang lahat para saakin ?
May ibang bagay ba na para saakin ?
Ano ba ang pwede ko pang gawin?
Napakarami kong tanong na hindi ko alam kung kelan masasagot hanggang sa lumipas na lang ang mga panahon.Nakakatawa pero tila pinaparusahan ako sa pagiging pabaya ko at ngayon nag sisisi sa mga bagay na hindi ko nagawa noon .
Mga bagay na sa totoo lang ay ayaw kong gawin noon .
Sa pagitan nang makakabuti saakin sa hinaharap at bagay na mas nakakatuwa at komportable akong gawin .Nagkamali ba ako sa pagpili ?
Mali ba na piliin ko ang gusto ko?
Pero ang mas dapat kong malaman ay kung may pinagkaiba ba ang buhay ko kung sakaling iba ang pinili ko.Paano kung kahit ano sa dalawang pagpipilian ay iisa lang din ang babagsakan ko at ito ay ang boring , mahirap at paulit ulit na gawain sa araw araw .
Ano nga bang maaari ko pang gawin upang takasan ang sitwasyon ko ?
Ako si Daniela Muntingbato isang Otaku Hardcore Gamer na ngayon ay binigyan ng pag kakataon na mabago ang kapalaran mula sa bigo at boring na buhay papunta sa mas makabuluhan at exciting na pakikipagsapalaran .
~
Sa Araw na ito kinausap at ilang minuto lang ang nakakalipas ay dinala ako ng isang magandang babae na nakasuot ng gothic dress na damit na nagpakilala bilang alagad ng diyos sa mahiwahang mundo gamit ang panaginip at sinubok sa isang mapanganib na sitwasyon na ikinamatay ko dahil sa takot .
Tama , nakakatakot na eksena ang kanyang ipinakita saakin mula sa ibang mundo kung saan umiiral ang mga mahihiwagang bagay gaya ng powers , magic, curse at iba pa .
Sobra akong nagimbal na halos maihi ako sa salawal ko dahil sa takot ko sa kamatayan . Ginawa nya yun para subukin ang katatagan at katapangan ko pero sa huli ay nilabanan ko ito.
Tama , tinanggap ko ito at hindi natakot na kunin ang Libro ng Buhay na inabot nya ngayon sa harap ko .
" Ihanda mo ang sarili mo sa mga bagay na maaaring mangyari sayo sa mundong iyon . " Sambit nito habang unti unting binibitawan ang pulang libro.
Alam ko ang ibig nyang sabihin at nababakas ko sa mga mata nya na gusto nya akong muling mag isip upang mas piliin ko manatili sa realidad ko sa mundong kinabibilangan .
Gayumpaman , buo na ang pasya ko na takasan ang mundo at talikuran ito kasabay ang pagtalikod ko sa kabiguan ko bilang tao at bilang dating ako .
Sa pagbaba ng mga braso ko ay bigla akong napalingon dahil napansin ko na may ibang tao sa kwarto ko .
Dito ay nakita ko ang babaeng unti unting tumatayo sa kinaluluhuran nya at nagulantang sa nasaksihan dahil ang kanyang mukha , taas, kulay at iba pa ay kawangis ng saakin .

BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasyISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...