--------------------------------------part 2 / part 2 -----------------------------------
Naupo na ako sa harap ng Pc at nagsimulang mag browse sa internet . Balak kong bumili ng bagong malalarong games sa internet o kaya mga gustong gusto kong Figma collection na hindi ko mabili noon dahil sa kuripot kong nanay na ayaw suportahan ang layaw ko .
Ang mga ito ay mga collectable figure ng mga Anine character na pwedeng mabili sa mga online shop . Medyo may kamahalan ang bawat isa sa kanila na umaabot ng dalawang libo hangang anim na libo pataas para sa isang maliit na pigura .
Kung iisipin mo sa presyo ng napakaliit na laruan na iyon ay makakapagbayad ka na ng tubig ,ilaw at internet sa loob ng isang buwan at para sa iba ay pag aaksaya ng pera ang ginagawa namin .
Sa hindi ko malamang dahilan ay nagkainteres na lumapit saakin si Elisa at punahin ang ginagawa kong pag pili ng mga bibilin . Para syang nanay ko kung manuri ng gamit na bibilin ko .
" Teka wag mong sabihing bibili ka nanaman ng laruan na yan ? Ang dami mo nang ganyan ah " Sambit nya habang nasa likod ko at sumisilip sa monitor ko.
" Pwede ba dumistansya ka saakin at hindi ito laruan kundi Collection figure" Pagsusungit ko .
Tinutulak ko ang mukha nya palayo saakin pero imbis na lumayas eh lalo syang nagpumilit na basahin ang mga nakasulat sa screen at dito ay nagulat sya nang makita ang mga presyo ng mga binabalak kong bilhin.
Syempre kagaya ng inaasahan ko sa mga tulad nya ay komontra sya sa pagbili ko. Ganito naman palagi , Kapag nalalaman ng ibang tao na gumagastos ka ng malaking pera para sa ganung bagay ay tiyak huhusgahan ka agad nila na isang maluho at waldas sa pera at ganun ang eksaktong ginagawa ni Elisa saakin.
" Nagsasayang ka nanaman ng pera para sa mga ganyang bagay kung pagkain na lang ang binili mo sana nabusog ka pa . "
Pinagsasabihan nya ako habang tinitignan na tila puno nang pagkadismaya at panghihinayang sa pag gastos ko na para bang sya ang nagpakahirap na kitain yung ipang bibili ko doon .
Pero hindi ako nagpatalo at dumepensa agad sa bruha dahil ano bang paki elam ko sa opinyon nya ? Hindi sya ang gumagastos at lalong hindi siya ang nagtitiis sa pabrika para kitain ang pera kong ipang bibili ng mga koleksyon ko.
Medyo napagsasalitaan ko sya nang pabalang pero hindi nya ito iniinda siguro dahil sanay na sya sa mga pagsusungit ko at inaasahan nya na ang mga sasabihin ko sa kanya .
" Alam mo Didi kahit papaano ko pa isipin eh talagang pagsasayang lang ng pera ang gagawin mo dahil hindi mo naman magagamit yang laruan na yan ." Sambit ni Elisa.
Nakakaloko talaga ang babaeng ito kung pwede ko lang syang sipain palabas ng kwarto eh ginawa ko na. Sa totoo lang napipigilan akong magsalita nang pabalang sa kanya pero sya mismo ang nagtutulak saakin na pagsalitaan sya.
Ano ang pinagkaiba ng pagkakaroon ko ng pigura ni Rem sa pagbili nya ng damit at burloloy para lang pumorma ? Dahil ba sa hindi ko ito ginagamit sa araw araw ? Pero maraming bagay ang binibili ng tao kahit na hindi nila ito ginagamit sa araw araw kagaya ng wedding ring ,vase, wall frame at iba pang bagay na puro kaartehan lang .
" Hm.. Ewan ko pero sa tingin ko mas Worth it naman gumastos sa mga bagay na iyon kesa sa mga laruan . " Sagot nya saakin .
Teka sinasabi nya bang mahalaga ang mga bagay na iyon pero kung iisipin eh lahat ng yun ay pawang mga luho lang kagaya ng ginagawa ko pero mas binibigyan nila nang mataas na kahulugan o masasabi nila na worth it paglaanan ng pera habang sa isang banda ay minamaliit nya naman ang mga ginagawang pagkolekta ng mga otaku na kagaya ko sa mga pigurang ito .

BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasiaISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...