DIARY NG OTAKU 2 * Chapter Three * " Deathnote " by : Alab ng Apoy
OCTOBER 3, 2018 · PUBLIC
2,171 Reads
Chapter Three
" Death Note "
Ang sabi nila sa oras na natutulog ang tao ay may ilang bahagi ng utak ang nagsisimulang gumagana upang magtrabaho habang nagpapahinga ang katawan at isip nito . Ang maliit na bahagi na iyon ng utak ang nag bibigay sa tao ng mga imahe at senaryo na tinatawag na panaginip .
Ang panaginip natin ay base sa nilalaman ng utak natin at madalas ay mga kaka'twang bagay na parang imposibleng mangyari sa totoong buhay .
Mayroon naman mga panaginip na naglalaman ng pag i-ilusyon sa mga bagay na nais mong makuha at maganap na dahil sa labis mong iniisip ay dinadala mo ito hanggang pagtulog .
Alam nyo ba na sa oras daw na palagi tayong nananaginip tungkol sa mga malafantasyang tagpo kagaya ng pagiging super hero ay ibigsabihin nito ay may dakilang bagay kang nais gawin sa buhay kapag gising ka . Ito ay bunga ng iyong pagnanais at emosyon na sa kadahilanan na hindi mo sya magawang maisakatuparan sa realidad o habang gising ka dahil sa maraming dahilan ay ang utak mo na mismo ang gumagawa ng paraan upang mailabas ang pagnanais at emosyon na iyon gamit ang panaginip.
May paniniwala rin na ginagawa ng utak natin na magpakita ng mga imahe at senaryo upang bawasan ang stress na masyadong nagpapa isip sa utak natin tuwing gising tayo at dahil konetado ang utak natin sa emosyon na nararamdaman ng tao ay madalas ay mga pirapirasong alaala ang pinapakita nito sa tao .
Mga alaala na tumatak sa isip mo na may malaking kinalaman sa buhay mo , malungkot man ito o masaya ay wala tayong kontrol dito dahil ang pagpapakita ng mga ala-alang ito ay nangangahulugan na tumatakbo ito sa isip mo na kailangan ilabas upang tulungan kang pakawalan ang sobrang stress sa isipan mo .
Tama , kahit na ang iba dito ay multo ng nakaraan ." Sinisira na nang iyong letseng paglilibang na tinatawag mong larangan ang maganda mo sanang kinabukasan . "
" Hindi mo matatawag na achievement at tagumpay sa buhay ang mga tropiyo at piraso ng papel na yan !! Isa lang yang palamuti na napaglilipasan. "
Ayan ang mga salitang galit na isinigaw ng isang matandang lalaki saakin habang ako ay umiiyak sa harap nito hawak ang namamagang pisngi dulot ng pagkasampal nito saakin .
Ang galit na pananalitang iyon ay tumatak at nag pagising sa pagkakatulog ko sa higaan .
Sa biglaan kong pagdilat ay agad kong nasilayan ang mga poster sa kisame na larawan ng mga kung ano anong imahe .Hindi ko pa lubos maisip ang nangyayari at para bang lutang na lutang ako habang kumakabog ang dibdib na tila ba napakasakit para saakin ang marinig ang mga katagang iyon .
Sa sandaling iyon ay dahan-dahan akong umupo at hinawakan ang aking ulo upang makapag isip nang maayos .Tama , hindi ko lubos na matandaan ang eksenang ipinakita ng panaginip ko at hindi ko rin lubos na kilala ang matandang lalaking naroon.
Hind ko alam kong bakit ko ito napanaginipan pero ang mas ikinagulat ko ay kung bakit tila may mali sa paligid ko .Dahan dahan kong itinaas ang ulo ko sa pagkaka yuko nito at pinagmasdan ang paligid ko . Napagtanto ko na naka upo ako sa isang malambot na kama sa gitna ng weirdong kwarto na napupuno ng mga poster at ibat ibang laruan.
" Sandali , nananaginip pa rin ba ako ? " Bulong ko sa sarili ko .
Pinagmasdan ko ang mga palad ko na kung titignan ko ay parang may nagbago sa mga ito , Napakakinis nito at wala akong maramdaman matigas na kalyo sa mga ito pati ang mga sugat ko sa mga ito ay tila naglaho .

BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasiISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...