CHAPTER TEN " The God of all Otaku "

65 4 2
                                        

LAST CHAPTER

" The God of All Otaku . "

Naniniwala ka ba sa dyos ?

O isa ka sa mga taong naniniwalang nagkataon lang ang lahat at na nabuo ang mundong ito dahil sa ebolusyon , alikabok , mikrobyo at iba pa na meron sa kalawakan .

Pero kung iisipin hindi mabubuo ang alikabok , mikrobyo at iba pang pwedeng pagmulan ng ebolusyon kung walang ganap na pag iral ang mga ito .

Isang kathang isip lang ba o umiiral din ang nilalang na gumawa sa dating patay na planetang tinatawag ngayong earth apat na billyong taon ng nakakalipas .

Ang paniniwala sa bagay na mistulang kathang isip na sumasalungat sa realidad at lohikang agham ay isang kalokohan at tila isang uri nang pagpapantasya lamang .

Pero paano kung malaman mo na ang lahat ng bagay na umiiral ngayon sa paligid mo ay isa lamang kathang isip ng ilang nilalang na matatagpuan sa ibang oras ,panahon at demensyon?

Mga nilalang na kumakapit sa mga pantasyang ginagawa lang ng kanilang malikot na imahinasyon . Ang kanilang kathang isip ay ang ating realidad habang ang pag iral nila bilang buhay na nilalang ay itinuturing nating kathang isip lang .

Sino ba saatin ang totoong umiiral ?

Sa isang imposibleng pagkakataon at sa isang napakapambihira kadahilanan ay nagdesisyon mabuo ang lahat ng bagay .

Sino ang bumuo sa bawat isa ?

~

Lumipas pa ang mga ilang araw habang patuloy ang aming kasunduan ni Lea ay madalas na syang pumupunta sa bahay at dahil Endo na ako sa trabaho ko sa pabrika ay balik tambay muna ako kahit sandali upang ipahinga ang isip at katawan ko .

Kailangan ko rin kasi ipakita sa magulang ko na hindi ako nagbibiro sa desisyon ko upang hindi sila mag alala kagaya nang sinasabi ni Elisa tungkol sa pagkakaroon ko ng nobya nang biglaan.

Nagkakamali kayo kung inaakala nyo na dahil ito sa tanggap ko nang lubusan ang fujoshi na babaeng ito sa buhay ko kundi dahil kailangan kong mapaniwala lang ang pamilya ko . Ganito lang yun , dahil may limang taon pa kami upang makilala ang isat isa at malaman kung pwede nga kami magsama sa iisang bubong kahit na hindi kami nagmamahalan .

Sa totoo lang hindi ganito ang plano ko at naiisip na mangyayari sa amin ni Lea dahil ina-akala ko na pag pumayag ako sa kasunduan ay pwede lang ako mag aliw aliw sa buhay at pag sapit ng ika 30 yrs old namin ay doon na kami ikakasal . Ganun mismo ang eksaktong naiisip ko na dapat maganap pero tila hindi umaayon ang lahat sa orihinal na plano at ewan ko ba kung naiisip din ni Lea yun .

Ngayong araw ay balak lang naming ubusin ang oras namin sa paglalaro habang nasa sala kaming at nag iingay kakalaro ng chess . Tama , chess ang aming nilalaro .

Malayo pa lang ay maririnig mo na ang aming sigawan at ang mga naglulutungan na hampas gamit ang isang patpat .

" Arrrggghh !!! " Sigaw ko habang namimilipit sa sakit ng mga palad .

" Hahaha , Ano suko ka na , Wala ka palang kwenta eh Bwahahaha! Lumuhod ka sa at baka kaawaan ka pa ng Crimson Princess ." Pagyayabang ni Lea hawak ang isang patpat ng kawayan.

" Tumigil ka , nag uumpisa pa lang tayo . " Galit na tugon ko.

Dito ay muli na kaming umupo sa pwesto namin at dahil turn nya nang tumira ay agad kong kinuha ang timer at pinaandar .

Sa larong ito ay may tatlongpung segundo lang ang bawat isa na tumira dahil kapag tumunog na ang alarm at mahuli ka ay makakatangap ka ng parusang tatlong palo sa kamay .

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon