CHAPTER NINE " Do you Hate Me? Then Love Me ! "

63 4 2
                                        


CHAPTER NINE

" Do You Hate Me ? Then Love Me ! "

Madalas natin marinig sa mga tao ang mga salitang pag may tyaga ,may nilaga isang kasabihan na nagpapaalala na sa bawat pagsusumikap ng tao ay may kapalit na ginhawa .

Maraming magagandang salita at matatamis na pangako ang pwede mong marinig sa mga salawikain ng mga tao at hindi maitatanggi na maraming taong nagpapatotoo ng mga salitang ito.

Mga taong nagsimula sa wala at ngayon tumatamasa ng kasaganahan na higit pa sa sapat na pagpapala at lahat ng ito ay dahil sa pagsusumikap .

Pero totoo nga kaya na pwede ito sa lahat ng tao ?

Gaano nga ba katotoo na sa oras na magsumikap ka ay may naghihintay sayo na tagumpay ? Ito kaya ay matatanggap ng lahat ng tao o nang iilang tao lang na pinalad lang na magkamit nito.

Itinadhana o nagkataon lang ? Isang tanong na napaka hirap masagot .

Maraming taong nagsusumikap sa buhay upang magtagumpay pero sa 10 bilyong tao sa mundo ay higit 1 milyon tao lang ang nasa rurok ng tagumpay.

Itinadhana o nagkataon lang ?

Ako si Daniel Muntingbato 25 yrs old isang Otaku . Dahil sa impluwensya ng Anime ,manga at games ay nabuo ang isang munting pangarap. Tama, bago pa ako maging NEET ay kagaya ako ng mga tao na may pangarap sa buhay .

Hindi ako ang taong basta umasa lang sa ibibigay ng ibang tao na tila isang inutil na nag aantay ng awa at delehensya . Minsan sa buhay ko ay natuto akong tumayo sa sarili kong kakayahan at binalak magtagumpay sa buhay .

Gusto nyong malaman kung ano ito ? Ewan ko kung magugustuhan nyo dahil sa tingin ko hindi ito kawili-wiling kwento , isang nakakalungkot na kwento na nagsisilbing madilim na bahagi ng buhay ko na ayaw kong maalala .

Mga panahon na napakataas pa tingin ko sa buhay . Para saakin ay napakapambihira pa ng mundong ito na puno ng magagandang bagay pero lahat ng yun ay dahil iniisip ko pa na kaya kong makipagsabayan at harapin ang realidad ng mundo .

Nagsimula ito noong bata pa ako kung saan binili ako ng gameboy ng tatay ko . Sobrang saya ko noon dahil may nalalaro ako at normal sa bata ang reaksyon na iyon .

Walang problema sa tatay ko ang paglilibang ko at pagkahilig ko sa Anime dahil normal daw ito sa mga batang lalaki kahit na hindi ito pabor sa nanay ko dahil sinisira nito ang atensyon ko sa pag aaral .

Binibilhan din ako ng mga bola at iba pang gamit sa sport pero lahat yun ay napupunta lang sa kapatid kong lalaki dahil mas gusto kong manuod na lang sa kwarto at maglaro ng mga games kasama ng mga kalaro ko .

Noong tumungtong ako sa Highskul ay lalo akong naging pursigido kung saan nag iipon na ako ng baon ko para lang makabili ng manga tuwing may pagkakataon.

Isang araw habang naglalaro ako kasama ang mga kaibigan ko sa kwarto ko ay bigla ko na lang napagdesisyunan na gumawa ng isang laro kagaya ng mga nilalaro namin noong mga panahon na iyon. Tama , isang laro na pwede rin tangkilin ng mga tao at magbibigay sa kanila ng ngiti ,pananabik at lubos na saya kagaya ng nararandaman ko .

Nag aral ako at nagsumikap, inaral ko ang mga bahagi nang pag buo ng isang laro hanggang sa ito na rin ang pinili kong kurso sa kolehiyo . Naging game developer ako at wala akong pinalampas na bahagi nito na pwedeng kong matutunan .

Hindi ako natatakot noon na maubos ang mga oras at panahon ko sa pag gawa ng laro . Hindi ko sinukuan ito kahit na ang ilan sa mga kasama ko ay isa isang bumibitaw at tila ba ayaw nang ituloy ang proyekto naming sinimulan .

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon