CHAPTER SIX " LETS GET MARRIED ! "

75 5 1
                                        

CHAPTER SIX

" Lets get married ! "

Noong mga bata pa tayo ay madalas na itinuturo saatin ng ating mga magulang at mga nakakatanda ang mga pag sasabuhay sa mga magagandang asal at gawain . Isa na rito ang pagsasabi ng totoo sa kapwa mo .

Ang pagsisinungaling ay isang kasalanan sa mata ng tao at dyos na nagreresulta ng mga hindi magandang bagay . Alam natin na ang kasalanan ay kasalanan maging maliit man o malaki ay parehas lang itong pagtalikod sa kabutihan .

Pero may mga uri ng pagsisinungaling na kahit ito ay makasalanan ay makakabuti para sa iba , ang tawag dito ay " White lies" Isang pagsisinungaling para sa kapakanan ng tao, bagay at ano pa man .

Pero masasabi bang ito ay makatarungan kahit na isa itong kasalanan ? Sapat na ba ang magandang motibo at dahilan na sa iyong kasinungalingan upang makaligtas ka sa pwedeng maging katapat na kabayaran sa oras na maningil na ang karma?

Isang walang kabuhay buhay na umaga ang sinimulan ko dahil parin sa mga negatibong bagay na naiisip ko at hindi ko naman maiiwasan ito dahil narin sa unti unti na akong napapagod at nagsasawa sa araw araw na gawain ko na paulit ulit at tila wala naman patutunguhan .

Habang naglalakad sa daan pauwi sa bahay ay may nakikita akong nakatambay sa poste sa gilid ng bahay namin . Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na mamukhaan ko ang taong iyon dahil sa liit , payat at sa ikli ng buhok nya eh mukhang kilala ko na ang babaeng nakatambay doon kahit pa hindi ko pa nakikita ang kabuoan ng mukha nya .

Ang tinutukoy ko na nag aabang doon ay si Lea ang baliw na schoolmate ko na adik sa yaoi , hindi ko alam kung bakit naroon sya at kung paano nya nalaman ang tirahan ko pero malakas ang kutob ko na ako ang pakay nito .

Ginusto kong magpatay malisya sa nakita at dumeretso na lang sa paglalakad dahil walang ibang daan papasok sa gate namin . Tama, iisipin ko na lang na hindi ko sya nakita at wala akong kilalang taong kagaya nya , papasok ako ng mabilis sa loob namin para makatulog at walang iintindihin na kahit ano pa .

Hindi natanggal ang kabog ng dibdib ko sa bawat hakbang ng mga paa ko patungo sa gate namin at tila ba patuloy akong nagdarasal na hindi nya ako mapansin o makita dahil alam ko magugulo lang ang araw ko kagaya ng nangyari sa mall.

Nagawa ko syang lagpasan at alam ko na nakita nya ako pero hindi nya ako pinansin man lang.

Nagtataka ako kung bakit hindi nya ako binati o kahit tawagin man lang nung mga sandaling iyon ? o baka ako lang talaga itong nag iisip na ako ang dahilan kaya sya naroon .

" Nakakapag duda talaga . "

Ilang hakbang lang mula sa kanya ay bigla itong nagsalita na tila ba binabati ako . Kinilabutan ako ang katawan ko at napahinto na lang sa paglalakad.

" Oi nandyan ka na pala , magandang araw !! " Sigaw nito .

Kasabay nun ay bigla akong humarap at dahil nga sa masamang pag aakala ko sa kanya kung bakit sya naroon ay nasigawan ko agad sya at sinungitan .

" Pwede ba tigilan mo na ako ! hindi ako papayag sa alok mo !! "

Pero hindi gaya ng inaasahan kong eksena na makiki usap ulit sya ay maayos nyang tinugunan ang pag sigaw ko at nagtanong lang saakin na tila walang kamuwang muwang sa mga sinasabi ko.

" Huh ? Sandali anong sinasabi mo Daniel ? " Pagtatanong nito.

" Wag mo akong lokohin alam ko kung bakit ka nandito ! "

Bago pa man kami magtalo ay bigla ng may lumapit saaming lalaki na syang tinatawag ni Lea kanina , agad syang bumati saaming dalawa at pumagitna sa aming usapan . Ang lalaking ito na may pagka mistiso , singkit at maganda ang pangangatawan ay ang kapatid kong lalaki, si Romeo ang pangalawa saamin tatlong magkakapatid .

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon