CHAPTER FIVE " Anime o Ako " part 2

59 5 0
                                        


----------------------------------part 1 / part 2 ----------------------------------

Agad itong tumakbo saakin at nakayukong yumakap sa katawan ko . Nagulat ako sa ginawa nya at walang nasabi sa pagkakataon na iyon habang walang imik na nakasandal parin si Lea sa katawan ko .

" Hindi ako makakapayag na mawala saakin ang pinaka importanteng bagay sa buhay ko " Sambit nito .

" Lea ? .... Salamat at nandito ka . " Mangiyak ngiyak na tugon ko rito.

" Teka , Bagay ? " Pagtataka ko.

Dito ay bigla nyang hinawakan ang suot kong amerikana at itinaas kasabay nang pagkuha nya ng BL manga na naka ipit sa pantalon ko

" Hindi ko hahayaan mawala ang Yaoi Manga ko nila Eren at Levi . "

Biglang niyakap nya sa libro at muling tumakbong nagpapaalam saakin paalis , Nanlumo ako nang napagtanto ko na bumalik lang sya para iligtas ang mga yaoi nya.

" Ikaw na bahala dyan , Mag ingat ka daniel. "

" Hoy !! Lea !! Bumalik ka rito !! " Sigaw ko rito.

Muli nya akong iniwan pagkatapos nya makuha ang BL manga nya na parang mas mahalaga pa ito kesa sa buhay ng papakasalan nya . Hindi ko alam kung para saan pa ang pagpapakasal ko sa isang fujoshi na adik sa yaoi kung ang habol nya lang naman saakin ay ang pagkakaroon ng kasama sa pagtanda . Nakakatawa talaga at nakaka asar ang mga nangyayari.

" Ganun na lang ba talaga yun ? "

Sandaling nanahimik ang loob ng simbahan sa pag alis ni Lea sa lugar at wala akong nagawa kundi muling humarap kay Rem at pinipilit na ngumiti sa kanya habang nakikita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha nito.

Hindi na sya nag aksaya pa ng oras dito ay muli syang sumigaw at winasiwas ang mga kadena sa hangin upang umatake.

Dumeretso ang bolang bakal saakin na solidong tumama sa dibdib ko dahilan para mapatalsik ako mula sa kinatatayuan ko .

Sa pagkakataon na iyon ay tila nagblack out ang paningin ko at pandinig . Alam ko na masasawi na ako sa oras na iyon at sa pangalawang pag kakataon ay nagawa ulit akong patayin ng pinakamamahal kong waifu.

Nabigla ako sa atakeng iyon dahilan para kumilos mag isa ang katawan ko para mapaupo ng biglaan mula sa kinahihigaan kong kama . Tama, natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng kwarto ko habang pawis na pawis at hinihingal dahil sa masamang panaginip .

Agad kong pinagmasdan ang paligid ng kwarto ko na tila nagmamatyag sa paligid at napatingin sa orasan na nakalapag sa lamesa ko . Wala akong masabi sa mga sandaling iyon dahil hindi pa tuluyang nakakabawi ang utak ko sa panaginip na iyon .

Dito ay hinawakan ko ang dibdib ko na inakala kong tinamaan ng bolang bakal na inihampas ni Rem at napabuntong hininga ng malalim.

" Mabuti na lang at panaginip lang ? " Sambit ko habang nagtatakip ng unan sa mukha.

Napadabog nalang ako sa kama ko sabay pag kuha ng unan ko at ibinato iyon sa inis dahil sa babaeng may dahilan ng mga bangungot ko tungkol sa kasal .

" Bwisit , tigilan mo na akong babae ka ! " Sigaw ko

Lumipas ang ilang oras .

Habang nasa trabaho at abalang nakatayo. Tsk , Tama abala ako sa pagtayo dahil hindi naman talaga mahirap ang trabaho ko na tagapag paandar ng makina medyo delikado lang pag nagkamali ka pero ang mas nakaka sawa talaga dito ay ang mainit na lugar na kinalalagyan ko . Kaya masasabi kong maswerte parin ang mga pumapasok sa mga mall dahil may libreng aircon sila habang nakatayo .

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon