CHAPTER THREE- Kpoper vs. Otaku

130 8 1
                                    

CHAPTER THREE

" Kpoper vs. Otaku "

Maraming bagay sa mundo ang pinapaniwalaan ng mga tao kahit na ang ilan dito ay pawang katang-isip lang na ginawa ng tao para sa ilang rason .

Ikaw ? Ilan taon ka nang malaman mo na hindi totoo ang toothfairy o ang halimaw sa ilalim ng kama na si boogyman ? Syempre ninong mong si Santa clause. Kailan mo nalaman na isa syang santo ? Kilala sya bilang si Saint Nicolas ang father christmas na sinasabing namimigay ng regalo sa mga mabubuting bata bago sumapit ang pasko .

Hanggang sa nabuo ang mga kwento tungkol sa kanya at pambihirang isipin na mayroon kagaya nya sa mundo na magbibigay ng regalong pinakagusto mo sa espesyal na araw ng pasko pero sa oras na magkaisip ka na ay mapagtatanto mo sa sarili na imposible ang magkaroon ng isang mataba at matandang lalaki na naglalakbay sa boung mundo sa loob lang ng ilang oras na magmumula pa sa nagyeyelong lugar ng North Pole gamit ang lumilipad na bagay na hinahatak ng mga usa na baka may bilis lang na 60km/hr ang pagtakbo .

Hindi natin naisip noong mga bata pa tayo na hindi kayang isa isahin ng iisang matanda ang mga bahay at magpunta ng mabilis sa mga bansa o kahit sa ibang syudad sa loob lang ng isang gabi. Hindi importante saatin ang mga detalye basta sa isip natin ay umiiral sya sa mundo at umaasa sa regalong ibibigay nya .

Ang katotohanan ay pinaniwala sa mga bata na mayroong Santa Clause na magbibigay sa kanila ng laruan sa oras na maging mabait sila sa boung taon . Hindi ba parang napakasama ng mga magulang natin ? Bata palang tayo ay pinapaasa na tayo sa kasinungalingan upang maging mabait tayong mga anak.

" Isang malaking kasinungalingan ang buhay " Bulong ko isip ko.

Maraming bagay ang ipinapaniwala ng mga matatalinong tao noon sa kapwa nila upang magkaroon tayo ng kaayusan at sumunod sa kung ano ang sinasabi nilang tamang gawain kagaya na lang ng daan daang relihiyon sa mundo na sumasamba sa mga ibat ibang dyos.

Minsan nga ang simpleng kwento ay nagiging totoo dahil sa maraming naniniwala at tumanggap dito bilang tunay na nilalang kagaya na lang ng mga mitolohiya ng Greek, Norse at iba pang kwento na sa tingin ko noon pinaniwalaan ng mga tao bilang mga totoong bathala na magpaparusa sa mga tao sa oras na gumawa sila ng masama. Gamit iyon nakabuo na ng mga batas na susundin at pakikinggan ng mga tao upang maging payapa at ligtas ang ginagalawan nilang pamayanan.

Pero bakit ko nga pala ito iniisip ngayon? Hindi ko na iyon dapat iniintindi basta nabubuhay na ako sa mundong payapa dahil sa mga batas at nalilibang dahil sa mga likhang kwento na naging alamat na dahil sa mga tao noong unang panahon.

Ah .. Alam ko na ang dahilan kung bakit tila nagiging makinang nanaman ang utak ko, siguro dahil kailangan kong libangin ang sarili ko dahil inip na inip na akong nakatayo dito sa harap ng mainit at maingay na makinang ito boung gabi. Mag isa na inaamag habang wala kang ibang maririnig kundi ang ingay ng makinang kaharap mo.

" Ang boring ng buhay ko, Bakit itong makinang ito ang kasama ko boung gabi habang ang iba kasa-kasama nila ang mga asawa at mahal nila sa buhay ? " Bulong ko sabay sipa sa makina na pinapatakbo.

Bilang Otaku ay hilig ko mag isip ng mga bagay bagay na sa pantasya mo lang makikita kagaya na lang ng mga pinatalsik na anghel  sa langit na mahuhulog sa bubong  at hindi kalaunan ay titira sa bahay kasama ko o kaya isang dragon na nag aanyong cute na babae at magiging yaya ko na gagawin ang lahat ng gusto ko .

Ang weird, diba ? Out of this World. Hindi mo dapat minamaliit ang kayang isipin ng kagaya kong Otaku pagdating sa mga pagpapantasya.
Hindi yun kayang unawain ng mga normal na tao na kung bakit namin ito madalas gawin na parang isang bata.
Pero bakit nga ba? Simple lang,  siguro dahil ayun lang ang nag iisa naming paraan para takasan ang boring na realidad namin dito sa mundo .

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon