CHAPTER SEVEN
" Love at Fish Sight "
Ang sabi nila nag iiba ang tingin ng isang tao sa mundo sa oras na mainlove sya at magkaroon ng taong minamahal , Isang pangyayari kung saan magbibigay sa kanila ng kakaibang lakas at inspirasyon na gawin ang mga bagay bagay nang ganado.
Isang pagbabago na tila ang lahat sa paligid mo ay positibo at buhay na buhay , kadalasan nararanasan ito ng mga bata na kasalukuyang dumaraan sa pagdadalaga't pagbibinata . Ang yugto ng kanilang buhay na kung saan unang beses nilang naranasan na mainlove .
Tama, ang totoo nasasabi nila iyon dahil bago sa kanilang pakiramdam ang magkagusto at magmahal ng ibang tao maliban sa pamilya nila at ang ideyang may mahiwagang bumabalot sa pakiramdam nang nagmamahal ay isang kamangha manghang bagay kagaya na lang nang sinasabi ng maraming tao na may kumikinang ang paligid o may spark silang nakikita sa isang tao at ang iba naman ay may slow mo effect o tila bumabagal ang pagkilos ng oras sa tuwing makikita ang minamahal nila pero gaano nga ba ito ka totoo ?
Ang utak natin ay kayang magdikta saatin ng mga delusyon na pwede nating makita depende saating nararamdaman,nalalaman at pagtanggap . Kagaya ng mga bata kung paano sila noon mag ilusyon ng mga bagay bagay na hindi naman nakikita ng ibang tao dahil iyon ang nalalaman, pinaniniwalaan at pagtanggap nila sa isang bagay.
Iniisip agad natin na nagsisinungaling ang mga bata sa pagsasabi ng mga kakaibang bagay tungkol sa nilalang nilang nakikita na sila lang ang nakakasaksi pero kadalasan dito ay isa lamang delusyon na ginawa ng utak nila dahil sa taglay nilang malawak na imahinasyon at pagtanggap sa mga bagay bagay .
Wala yun pinagkaiba sa ilang Otaku na dumaranas ng 8th grade syndrome kung saan nagdi-delusyon sila tungkol sa mga bagay bagay na sa pantasya mo lang makikita .
Pero sa tingin nyo pwede kayang maranasan ng isang 25yrs old na Otaku na napaglipasan na ng kabataan nya at hindi naniniwala sa hiwaga ng pagmamahal ang mga bagay kagaya ng spark at slow mo effects sa oras na magmahal sya?
Tsk , Siguro posible ito sa isang palabas na may romance na dyanra pero sa realidad ay hindi mo na kayang magdelusyon ng ganun dahil sa iyong boring na pananaw, negatibong paniniwala at sapilitang pagtanggap sa mga bagay bagay na meron sa mundo .
Ang boring diba ? Minsan naiisip ko mas ok sana kung hindi ko nalalaman ang mga bagay na ito at hinahayaan na lang na maging mangmang upang kahit papaano ay ma-enjoy ko ang buhay.
Pero teka bakit ko nga pala naiisip ang mga bagay na iyon ? Anong paki elam ko sa pamamahal gayung mas masarap magmahal ng 2D ko na hindi kumukupas at pansamantala kagaya ng pag ibig ng mga 3d.
Ah ... Siguro dahil nandito ako ngayon sa isang parke kasama ang babaeng makakadate ko ngayong araw at imbis na mamasyal ay nakaupo lang kami at walang paki sa kasama .
Habang walang kabuhay buhay akong naka upo at nagmumokmok sa kongkretong bangko ay nawiwili naman kakabasa ng BL manga si Lea sa harap ko na parang walang inaalalang bagay .
Tumingin ako sa paligid ng parke at gaya ng inaasahan ay maraming magkasintahan dito naglalandian at ang iba sa kanila ay naghahalikan pa kahit na nasa pampublikong lugar sila .
" Tsk , kadiri naman ." Bulong ko sa hangin .
Agad akong tumingin kay Lea na kasalukuyang kilig na kilig na naglalaway sa mga binabasa nyang manga na tila ba hindi inaalinta na nasa pampublikong lugar sya nagbabasa ng malalaswang larawan sa ilang tagpo sa komiks na hawak .
" Tsk, Kadiri , Wala bang ibang pwedeng makadate dyan ? " Bulong ko .
Napansin nito na nakatingin ako sa kanya at biglang tumayo sa kinau-upuan upang ipakita ang pahina ng BL manga na binabasa nya kung saan naghalikan ang dalawang lalaking bida .
BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasíaISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...
