CHAPTER 12

25 1 0
                                        

DIARY NG OTAKU 2

* CHAPTER 1 *
" My Reality , Your Fantasy "
{ Part 1 }

Ano pa nga bang pwede naming asahan na magandang kinabukasan sa isang mundong puno nang kaguluhan , kasamaan at mga sari saring alitan na pinalala ng gantihan at hindi pagkaka unawaan .

Sa isang planetang napupuno ng ibat ibang masasamang nilalang na walang ibang iniisip kundi ang makakabuti para sa kanila at malamangan ang iba na nagreresulta sa diskriminasyon at digmaan ng bawat lahi .

Ako si Daniela Muntingbato, isang mandirigma mula sa lahi ng mga tao , Lumaki ako sa pakikipaglaban at mulat sa kung gaano kadilim ang mundo.

Sa kasalukuyan , humaharap ang bansang kinabibilangan ko sa isang digmaan ng lusubin ito ng ibang nasyon at isa ako sa libo libong tao na lumisan sa Galiga City na bahagi ng Iru Kingdom , isang itong syudad kung saan naninirahan nang payapa ang mga tao pero ngayon isa na itong battlefield dahil sa pag atake ng mga halimaw na gusto kaming sakupin at gawing alipin.

Isang matatag na bayan ang Galiga pero nabuwag ang matibay na depensa nito at matatalinong estratihiya sa pakikipaglaban dahil na rin sa daang libong bilang ng mga halimaw na lumusob sa bayan kaya walang nagawa ang mga sundalo ng bayan na naroon kundi palikasin ang mga tao papunta sa susunod na bayan .

Ang bayan ng Salbe na may halos isang daang kilomentro ang layo mula sa Galiga, pero ligtas man sa pananakop ang bayan na iyon ay hindi kami nakakasigurong makakaabot kami roon dahil sa mga pangkaraniwang halimaw na naninirahan sa lupain ng bansang Iru .

Nakakatawang isipin na ang matatalinong heneral na nangangalaga sa bayan at mga opisyal na gumagawa ng mahuhusay na plano o tatktika na nangalaga sa tao sa nakalipas na dalawang daang taon ay piniling palabasin ng bayan ang mga tao.

Hindi ito pagkwesyon sa kanilang kakayahan sa pakikipaglaban pero ang ibig kong sabihin ay hindi magandang ideya ang planong pagpapalabas sa mga tao sa kanilang lupain dahil ang Galiga na ang pinaka ligtas na lugar para saamin. Para kaming mga kunehong pinalabas sa kulungan namin sa lupain ng mga leon.

Sa mga panahon na iyon unang natikman ng mga tao ng Galiga ang lupit ng mundo sa labas ng bayan. Higit limampung libong kataong lumikas habang nagaganap ang digmaan ay halos kalahati dito ay nalagas ng mga halimaw bago pa kami maka abot ng kagubatan.

Hindi pa natatapos ang lahat dahil mas terible ang aming dinanas sa pag pasok sa kagubatan . Para kaming mga pagkaing inihain sa mga halimaw na nakatira sa gubat para takasan lang ang digmaan sa aming bayan .

Kalunos lunos ang sinapit namin sa unang araw namin sa lugar at masasabi kong isang impyerno ang naranasan namin sa tatlong araw sa kagubatan na iyon .

Walang tigil na labanan ang hinarap ng mga natitirang sundalo at ng mga kagaya kong mandirigma na ginawaran ng gobyerno bilang Bayani ng lahi ng mga tao upang protektahan ang mga natitirang sibilyan .

Pila pilang patay na katawan ang makikita mo sa paligid at animo'y naging pula ang lupa dahil sa mga dugo na dumidilig sa mga halaman at puno . Halos hindi ko na alam kung anong gagawin ko habang patuloy na winawasiwas ang espadang hawak ko upang protektahan ang sarili ko sa walang tigil na pag atake ng kalaban .

Sampu ? Isang Daan? Isang libo ? hindi ko na alam kung ilang halimaw pa ang nasa paligid namin na patuloy na umaatake sa hanay namin pero siguro ang dapat kong iniisip ay kung ilang tao pa ba ang natitira sa hanay namin na ngayon ay kinakain ng mga halimaw .

Nanginginig ang mga laman ko sa galit habang patuloy kong nasasaksihan ang pag ubos ng mga halimaw sa mga kasamahan ko pero kasabay nito ay ang pangangatog ng mga tuhod ko sa takot sa kamatayan . Gusto ko silang iligtas , nais ko silang mabuhay pero ... Paano kong pati ang sarili ko ay nangangailangan din ng kaligtasan sa gubat na iyon ?

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon