Chapter 5
" Leon ng Kabo " Part 2
Leo's PoV.
Madalas may mga bagay tayong hinihiling masama man o mabuti na bigla na lang dumarating saatin ng hindi natin inaasahan .
Minsan sa paraan pa na iba sa inaasahan ,uri at pinaniniwalaan.Ang pag sumpa ko at pag hiling sa kamatayan ng mga nilalang na dulot ng aking depresyon at saloobin ay matapang kong iniisip sa utak ko tuwing nagagalit ako sa mundo pero hindi ko na isip ang kahandaan ko sa oras na dumating na ito .
Hindi ako naging handa sa naging resulta at sa totoo lang hindi ako kailanman magiging handa sa isang bagay na alam kong hindi ko makakayang pag daanan .
Hindi man ganap na nangyari ang mga hiniling kong pagkawasak sa mundo pero tila ba kasama ang pagkaubos ng aking ka tribo sa ninais kong mangyari .
Nakakahiyang isipin na napakatapang kong manumpa ng mga bagay bagay pero takot akong harapin ito at tila duwag na paslit na inunang mailigtas ang sarili sa kamatayan .
Siguro nga hindi ako ang may kasalanan , Hindi totoo na ang dahilan nito ay ang masamang kahilingan na nabuo sa isipan ko pero gayumpaman .
" Gayumpaman ... ipinakita ko na naging duwag ako sa kamatayan at napatunayan na mahina sa maraming bagay. "
Nakakahiya ... talagang nakakadismaya ang pagiging walang kwenta .
~
Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng pangyayari sa tribo ng Kabo .
Nagising na lang ako ay nasa loob na ako ng bayan ng galiga at nagpapagaling sa isang maliit na pagamutan . Malinis na ang puting balahibo ko sa katawan na naligo ng pulang dugo ng mga Hube sa gitna ng digmaan . Dito ko nalaman ang naganap na paglusob ng higit sampung libong halimaw sa nayon namin . Totoong isang himala na nabuhay pa ang mahina at lampa na kagaya ko .Milagro itinuturing ng marami ang pagkakaligtas ng kagaya ko kaya naman mabilis na pinag usapan ito sa boung Galiga. Tama, maswerte nga ako at buhay pa ako hanggang sa ngayon .
Pero sandali ? Himala ? Ano nga ba ang himala sa nangyari ? iniisip ko ba na biniyayaan ako ng langit ng isang milagro kaya ako nakaligtas ?
Ako na may kagustuhang magunaw ang mundo at wakasan ang buhay ng kapwa ko ?Hindi ko maunawaan kung bakit buhay pa ako sa gitna ng mga masasamang pag iisip ko . Hindi ako nararapat sa milagrong ito ?
Bakit ako pa ang dapat maligtas ?Sa gitna ng mala impyernong sitwasyon na iyon ay napakaraming humihiyaw ng saklolo , mga taong gustong mabuhay pa at mga taong karapatdapat na maligtas .
" Kaya bakit ako pa? "
Ano ang dahilan ?Puno ako nang pagtataka sa mga bagay bagay na sinabayan ng pangungulila sa pagkawala ng pamilya ko at mga kaibigan sa tribo .
Isa parin akong tao kahit na may bahagi akong halimaw sa panlabas na anyo ko kaya tinataglay ko ang sari saring emosyon na ngayon nagpapalubog saakin sa matinding depresyon .
Lumipas pa ang ilang araw ay tuluyang gumaling ang mga pinsala ko at sa awa ng may ari ng pagamutan na si Doktor Gakan ay kinopkop nila ako sa kanilang pangangalaga sa gitna ng usap usapan na magiging banta ako sa kaligtasan ng mga pasyenteng naroon.
Marami ang humusga saakin dahil lang sa mabangis na anyo ko bilang taong leon pero gayumpaman may iilang tao ang nagpakita saakin ng magandang pakikitungo.
Naging mabait ang pamilya ng doktor saakin na halos ituring akong tunay na tao , binigyan ako ng damit, pagkain, matitirahan at higit sa lahat binigyan nila ako ng pangalan bilang si " Leo " pero dahil parin nga sa anyo kong isang halimaw na leon ay pinagbabawalan parin nila akong makisalamuha sa mga pasyente sa loob ng gusali . pinagsabihan rin nila ako na hindi ako maaaring lumabas sa gusaling kinalalagyan ko at magpakita sa Galiga .

BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasiaISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...