CHAPTER SEVEN " Love at Fish Sight " part 2

48 4 0
                                        


-------------------------------------- part 2 / part 2 ---------------------------------------

Ang aquarium na iyon ay isang maganda at malawak na aquarium na nilalanguyan ng dalawang isda at pinangalanan nya ang isa dito bilang si Daniel . Tsk, hindi halatang nang aasar lang sya .

" Si Daniel ay isang magiliw at masayahing isda na walang ginawa kundi lumangoy at maglaro kasama ang isang isda . Para sa mga isdang iyon ay isa iyong magandang lugar na kanilang pwedeng maging tirahan habang buhay pero isang araw ay napansin ni Daniel ang isang lamat sa gilid ng aquarium na dahilan ng unti unting pagkaubos ng tubig nito at dahil sa alam ni Daniel ang realidad ng mundo at alam nya na maaari syang mamatay sa oras na maubos ang tubig sa loob ay agad syang nagpanik at napraning kakaisip ng mga negatibong bagay . "

" Lumipas ang mga araw sa loob ng aquarium na patuloy sa pagbaba ng level ng tubig na lalong nagpapakaba sa pobreng si Daniel na walang ginawa kundi magmukmok sa sulok habang pinagmamasdan ang bawat patak ng tubig na lumalabas sa basag na salamin. Naistress sya,di makatulog at makakain kakaisip sa kalunos lunos na sasapitin sa hinaharap hanggang sa halos lahat ng bagay sa paligid nya ay tinuturing nya ng walang silbi para sa kanya. Lahat ng naroon ay walang kwenta sa paningin nya dahil sa pag iisip na mamamatay na sya pag sapit ng ilang araw .

Lahat sa kanya ay negatibo at sinisisi na ang iba sa kung bakit nagkaganun ang buhay nya . Hindi nya namamalayan na nauubos ang oras nya sa sulok na iyon ng hindi nya naeenjoy ang bawat saglit ng buhay nya sa isang napakagandang aquarium na dati ay nilalaruan nya . "

" Kawawang daniel , kung alam nya lang kung gaano kamisrable ang buhay nya , Ang malas malas ng buhay ni Daniel . " Dugtong nito habang nakapangalong baba sa harap ko na tila kinukutya ako.

Bigla akong napadabog sa mesa dahil sa patuloy na pag kwekwento tungkol sa isda na may kapareho ko na pangalan na tila iniinsulto ako .

" Pwede ba palitan mo ang pangalan ng isdang nasa kwento ! " Sigaw ko dito.

" Lumipas pa ang mga araw sa loob ng aquarium kung saan kakaunti na lang ang tubig na pwedeng malanguyan ng dalawa ay dumating ang kanilang may ari at agad na nagpanik para sa buhay ng mga isda nya at dito ay kumuha sya ng panibagong aquarium na magiging panibagong tahanan ng mga ito ." Pagtatapos nito sa kwento .

" Tsk , nabuhay ang dalawang isda na may happy ending sa dulo ? Ang boring mo mag kwento . " Sagot ko dito.

Pero bigla nya akong binawian at sinabi na hindi sila nabuhay nang may happy ending ang dalawang isda sa kwento dahil hindi nagawang mabuhay ni Daniel sa mga oras na iyon dahil nagkasakit sya at inatake sa puso dulot ng istress at takot bago pa ang araw na mailipat sila .

" Hindi nya napansin yung kasama nyang isda na papangalanan natin si Lea na isang matalino at magandang isda ay ilang linggo nang naglalaro laro sa loob ng aquarium kahit alam nya ang realidad ng mundo . Sa kabila nun ay ini-enjoy nya lang ang mga sandali hanggat meron pang tubig sa loob ng aquarium habang si Daniel ay na iistress sa sulok. " Dagdag ni Lea.

" Wow, kahit sa kwento ay binibida mo parin ang sarili mo ." Bulong ko dito.

Nasambit nya na nabuhay ang isdang si Lea dahil hindi naman tuluyan natuyot ang tubig sa aquarium dahil ang lamat ng salamin ay hindi ganun kahaba hanggang pinaka ibaba nito . Dahil sa hindi na nag iisip ng positibo at nakikinig si Daniel sa ibang tao ay hindi nya pinaniniwalaan ang mga pananaw at nalalaman ng kasamang isda .

" Alam mo iba ang sitwasyon ng isdang yun sa buhay ko,.Alam ko ang ginagawa ko at alam ko ang makakabuti para saakin . " Pagyayabang ko .

" Daniel , napapahamak ang isang tao sa oras na ang sarili na lang nya ang tanging pinaniniwalaan nya at hindi na kayang tumanggap o makinig sa ibang tao. Kagaya ng isda sa aquarium . "

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon