CHAPTER FOUR
" Yaoi is Life "
Sabi nila Hindi nabubuhay ang tao ng mag isa at walang nabubuhay para sa sarili lang . Kailangan ng tao ang kanyang kapwa at kahit gaano pa kataas ang pride mo at sabihin na kaya mong mabuhay na hindi umaasa sa tulong ng iba eh wala yang magagawa kapag nagigipit ka na o nangangailangan ka na nang tulong sa mga bagay na hindi mo kaya. Malaking bagay ang magkaroon ng mga taong makakasama mo sa buhay kagaya ng pamilya, classmate at kaibigan na nagmamalasakit sayo at magbibigay ng pabor o tulong sa kahit sa maliliit na paraan.
Kung si Goku ay may krilin , si ash ay may pikachu , si spongebob ay may patrick eh sino ang sayo ? Sino ang masasabi mong kabigan mo na handang umalalay at masandalan mo sa oras na kailangan mo?
Bilang Otaku ay wala kaming oras sa pakikipag bonding sa iba at makipag kwentuhan upang makakuha ng kaibigan lalo pa ang karamihan saamin ay mas komportableng maupo sa sulok kasama ng mga Anime ,manga at games. Hindi kami galit sa tao kaya kami umiiwas makipag kaibigan sa iba sadya lang mas gusto namin na mag isa .
Hindi dahil nag iisa ka ay masasabing malungkot ka na, kaya naming maging masaya kahit na nag iisa at mas komportable kami doon . Tama, dahil kaya mong mag enjoy kahit mag isa ka gamit ang Anime,manga at games .
Pero kahit na ganun kapayapa at tahimik ang buhay mo bilang Otaku ay may mga bagay na sasagi sa isip mo kagaya ng kakulangan ng mga tao sa buhay mo .
Lilipas ang maraming taon sa pag lilibang mo ay magsasawa ka sa katahimikan sa paligid mo , magtataka ka na lang sa sarili mo kung bakit tila may kulang sa buhay mo . Mapagtatanto mo na nag iisa ka sa simula pa lang at dahil yun sa sarili mong kagagawan .
Hindi ang pagiging introvert mo bilang Otaku ang may kasalanan nito kundi ang pride mo na hindi mo kailangan ng ibang tao para maging masaya . Kailan man hindi sumagi sa isip mo ang pagbalanse sa social life at pagiging Anime fan . Nalulong ka at hindi kinontrol sa sarili para sa kapakinabangan mo sa hinaharap .
Bakit ko alam ang mga bagay na ito ? Dahil isa ako sa mga taong tinutukoy ko at ngayon ay pinipilit na magbago upang bumalanse sa kung ano ang kinakailangan .
Lumipas ang ilang araw ay lumabas ako ng bahay para mamasyal kasama ang kapatid kong si Nikki . Tama, magkasama kami pupunta ng mall sa bayan . Syempre hindi ito madalas mangyari lalo pa ay hindi ko sya kasundo at ang totoo ay magkasama lang kami ngayon dahil inutusan akong kumuha ng nanay ko ng sarili kong pera sa atm ko mismo para bilin ang kailangan ng kapatid ko sa eskwela .
Ang hirap isipin na pera mo na tinitiis na hindi ibili ng mga koleksyon na gusto mo ay magagastos para lang sa luho ng kapatid mong adik sa Kpop, May karapatan ba akong umangal eh hanggang ngayon kasi eh nakatira pa ako sa puder ng magulang ko.
Hindi sa galit ako sa kapatid ko upang hindi ko gustohing makasama sya sa pamamasyal pero iba kasi ang mga trip nya lalo na sa mga pananamit na nauuso daw sa mga kabataan , Para saakin malaswa tignan ang pag susuot ng maikling short bilang pang-alis lalo na sa loob ng mall at isa pa ang ideyang isama sya sa isang pamilihan ay hindi talaga maganda para sa pitaka ko .
Hindi ako sanay sa maraming tao at pumunta sa mga bilihan ng damit kaya naman naiilang ako lalo pa tila nagiging tagabitbit lang ako ng kapatid ko at inaamag na nakaupo sa isang lamesa sa foodstand . Ilang hakbang lang yun mula sa labas ng shop na binibilan ngayon ni Nikki .
" Ang tagal nya , balak nya bang isukat lahat ng damit sa loob ? " Bulong ko.
Ilang saglit pa ay lumabas sya bitbit ang plastik ng pinamili na agad naman nyang inabot saakin na para bang gusto nya bitbitin ko ulit iyon kahit na wala naman syang dala .
BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasyISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...
