Chapter 11
*DIARY NG OTAKU 2ND BOOK*" Limot na Pangarap "
Maraming bagay ang gustong makamtan ng mga tao sa mundo ,mga sari saring kagustuhan at pag aasam na nagtutulak sa kanila na magporsige at magsumikap sa buhay kaya minsan nakakagawa sila ng mga desperadong bagay para lang sa inasam asam nila.
Pero may ilang bagay na kahit anong gawin mo ay imposible mong makamit dito sa mundong ito kahit anong pagsisikap pa ang gawin mo . Isa na rito ay ang mga nilimot na mga pangarap dulot ng pagtanda ng mga tao.
Alam nila na hindi nila ito kayang makuha kaya nagawa nila itong kalimutan na lang dahil alam nila na may limitasyon ang realidad .
Ang tinutukoy ko ay ang pag asam ng lahat ng tao noong bata pa sila sa isang imposibleng bagay at pangyayari na binubuo ng sariling imahinasyon na tinatawag na pantasya .
Lumipad sa langit , makasalamuha ng kakaibang uri ng nilalang at magkaroon ng kapangyarihan .
Isang pantasyang nililimot ng mga normal na tao at iniiwan sa pagkabata .Maturity , ano nga ba ang bagay na ito ? ito ang bahagi sa buhay ng isang tao kung saan dumaraan sya sa pagiging matanda magmula sa pagiging isang paslit.
Maraming bagay ang magbabago sa oras na nilisan mo na ang pagiging bata dahil kailangan mong makipagsabayan sa mundo at isa na rito ang paglimot sa mga iyong werdong mga pantasya tungkol sa kakaibang bagay.Sa madaling salita ang maturity ay ang pagtanggap sa realidad ng mundo . Maging sa buhay pag ibig ,katayuan,pangarap, kaugalian, kahit ang pagbabago sa sariling katawan at ibat iba pang responsibilidad na kinakailangan mong kunin at tanggapin dahil ikaw ay nabubuhay sa mundo .
Pagtanggap sa realidad? Tsk.
Isa yung nakakadismayang bagay lalo na sa mga otaku na gaya ko na mas pinipiling manatiling maging masaya gamit ang pagpapantasya sa mga weirdong bagay gaya ng paglipad, makatagpo ng mahiwagang nilalang at makaroon ng kapangyarihan.
Alam namin hindi namin iyon makakamit sa mundong ito kaya sa panunuod ng Anime,pagbabasa ng manga at paglalaro ng games namin ito idinadaan upang mapunan ang mga pantasya na iyon .
Hindi biro makipagsabayan sa mundo at kailangan mag mature ng mga tao para makayanan ang mga problemang pagdadaanan bilang tao pero kung ang pag batayan ng maturity ay nangangailangan ng paglimot namin sa mga pantasya at tanggapin ang realidad ng mundo habang tumatanda ay sigurado magkakaproblema tayo .
Dahil ako bilang otaku ay handang manatiling ganito .Dahil ito lang ang aming sandalan at sandata upang labanan ang stress sa problemang dulot ng realidad at pagiging tao sa mundong ito .
~
Sa pagpapatuloy ng aming pakikipag usap sa babaeng nagpakilala bilang anghel ng diyos ay ipinaliwanag nya saamin ang hawak nyang libro .
Ang pulang libro na iyon ay ang book of life , Isa daw itong banal na libro na ginagamit ng kalangitan sa paghatol sa mga taong namamatay at tumatawid na sa kabilang buhay.
Ang tinutukoy nyang paghatol ay ang dulong bahagi ng buhay ng isang nilalang kung saan namatay ang katawang lupa nito at kailangan humarap sa isang anghel ng diyos para masuri kung saan ba mapupunta ang kanyang kaluluwa .
Kung sa bagay kung sa oras na tanungin ka ng angel na kung ano ang ginawa mo sa mundo upang masabi mong karapatdapat kang makapasok sa paraiso ng diyos ay tiyak magdadahilan ka lang at magsisinungaling .
" Ang Book of Life ay naglalaman ng mga kasulatan tungkol sa iyong buhay mula ng isilang ka hanggang sa lisanin mo ang mundo. " Sambit nito .
" Magkaganun pa man isa parin itong makapangyarihang bagay na kayang bumaliktad ng realidad at bumago ng kasaysayan ." Dugtong nito .
BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasyISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...