DIARY NG OTAKU 2
* FIRST CHAPTER ( part 2 ) *
" My Reality , Your Fantasy "
Bago pa ako tuluyang mapatulala na tumitig sa maamong mukha ng lalaki ito ay sinungitan ko na ito .
" Hindi ako naniniwala sa tadhana at kaya kong sirain ang paniniwala mo gamit ang pagwasiwas ng espada ko sa leeg mo ."
Seryoso ko syang pinagbantaan pero tinawanan nya lang at ginawang biro ang mga pananakot ko .
Nagpatuloy ang pang aalaska nya sa mga pag susungit ko at wala akong nagawa kundi mahulog sa bawat pagbibiro nya sa mga salitang nakakairita sa pandinig ko .
Tinanong ko ito tungkol sa katapatan nito sa mga pananampalataya nya at gaya ng inaasahan ko ay hindi nya ito itinanggi at boung pusong isinusumpa ang pagiging makadiyos nya sa kabila ng pagiging mamamatay tao na hindi maiiwasan sa aming trabaho.
" Ganito na lang bakit hindi mo na lang ituring na pabor ang pakikipag usap saakin bilang huling kahilingan ng taong mamamatay na. " Hirit nya .
Tumahimik sandali ang paligid sa hindi ko pagtugon dito dahil din siguro hindi ko alam ang sasabihin ko upang barahin sya . Nagdalawang isip ako sa bibitawan kong salita kung pagbibigyan ko ba sya o aalis na lang .
Hindi ko responsibilidad na tuparin ito at kung tutuusin ay sisirain ko ang mga sinabi kong kinaugalian kanina sa oras na makipag usap ako sa kanya ng matagal .
Pero ewan ko kung dala ito nang pagkalibang ko habang kausap sya na pumapatay sa pagkabagot ko sa ilang araw sa lugar o isang simpatya at awa sa taong mamamatay na kaya imbis na humakbang paalis ay naghintay ako na muli syang mag salita .
" Paborito mo rin ba ang takip silim ? " Tanong nito .
Hindi tulad ng inaasahan ko ay isang walang kwentang tanong ang nasambit nya at tila ba nawalan ako ng interes na manatili pa doon pero gayumpaman ay sinagot ko pa rin ito at inamin na natatakot ako rito dahil para saakin isa itong simbolo na tapos na ang liwanag at muling babalot ang dilim .
Mas higit na mapanganib ang gabi at bilang mga mandirigma ay alam kong alam nya ang tinutukoy ko . Sa totoo lang hindi kailangan ng tao ang kadiliman at kung pwede lang ay gusto namin itong matapos agad at masilayan ang pagbabalik ng araw sa lupain .
Alam ko na tutugunin nya ako nang pabiro sa walang kwenta nyang tanong pero iba sa inaasahan kong sagot sa kanya ay bigla akong napaisip sa kanyang mga sumunod na sinabi .
" Pero may mga pambihirang bagay na taglay ang kadiliman ng gabi ." Sagot nya .
" Gaya naman ng ano ? "
Humarap sya saakin at muling ngumiti kasabay ang pag banggit na " Tandaan mo na sa gabi lang makikita ang hardin ng mga bituwin . "
Pinaliwanag nya na umiikot ang mundo sa gitna ng kalawakan at buong araw na nasa kalangitan natin ang mga bituwin ngunit nasisilayan lang ito tuwing mababalot ng dilim ang kalangitan .
Napakaamo ng mukha nya at mga ngiti habang ipinapaliwanag ang kagandahan ng gabi at kung gaano sya namamangha sa itsura ng kalangitan na tila kayamanan ng mundo na nagbibigay kapayapaan sa dibdib ng bawat nilalang na makakakita sa natural na ganda na taglay ng mga ito.
" Lahat ng bagay ay may dahilan at kung tutuusin ay hindi nawawala ang liwanag sa mundo oras na lumubog ang araw , Ang totoo mas dumami ito at gumanda " Nakangiti nyang Tugon .
" Sino ang may kailangan ng bituwin ? Hindi ka nyan maililigtas sa panganib ng kadiliman . " Tugon ko rito .
Sa sandaling yun ay muli syang ngumiwi na tila pinagtatawanan ang pagiging masungit ko sa harap nya at muling kinontra ang mga sinabi ko .
BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasyISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...
