CHAPTER ONE "SHUT-IN NEET " part 2

430 15 1
                                        


---------------------part 2/part 2 ------------------------------

Halos manigas na lang ako sa takot sa mga sumunod na eksena . Hindi ganun ang inaasahan ko gaya ng mga napapanuod ko sa palabas tungkol sa biktima at tagapagligtas . Nanlumo ako sa pagkabigla nang makita ko ang pag gulong ng ulo ng babaeng nagligtas saakin sa harap ko dahil sa pag atake ni Rem sa kanya .

Ang babaeng si Rem ay mabait na nilalang kahit na may taglay syang mga pambihirang kakayahan ay hindi sya gagawa ng karumal-dumal na krimen ng walang magandang dahilan pero iba ito sa nangyayari ngayon sa harap ko. Hindi ko maintindihan at parang mababaliw na ako kakaisip sa mga posibleng dahilan ng kanilang ginagawa

"Hindi, hindi ito totoo. Hindi ito nangyayari, paki usap sabihin nyo na panaginip lang ito . "

Sa pagkakataon na iyon ay pinilit kong kumilos at bumangon dahil hindi ako pwedeng manatili dito sa battlefield . Nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tumakas kahit na paika -ika sa paglalakad at tinitiis ang kirot ng mga pinsala kong natamo.

Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo sa lugar ay sumalubong na ang bakal na bola na iwinasiwas ni Rem .

Inihampas saakin ni Rem ang kanyang sandata upang ihatid ako sa kamatayan ko habang galit na galit na sumisigaw na tila ba isa akong kasuklamsuklam na kalaban. Nararamdaman ko ang mga matutulis na spike nito sa katawan ko . Nakatarak ito sa likod ko at sa tingin ko binali nito ang mga buto ko at binutas ang laman loob ko .

Sa mga oras na iyon ay napapikit na lang ako habang unti unting nagpaflash back ang mga putol putol na alaala ng buhay ko . Ewan ko kung bakit ko ito naaalala pero hindi ko maiwasang magdamdam.

Mamamatay na ako at kailangan ko itong tangapin . Dito ko naisip na kahit na sawang sawa na akong mabuhay sa mundo ay natatakot parin akong mamatay . Nakakapagtaka , hindi ko alam bakit lumuluha ang mga mata ko habang nakangiting hinaharap ang kamatayan ko . Siguro dahil matutupad na ang matagal ko ng hinihiling kaya nagagawa kong ngumiti ngayon .

Isang Tears of joy ?

Hindi , Mali ito . Hindi ito luha at ngiti dulot ng kasiyahan kundi isang pagkaawa sa sarili at panghihinayang sa buhay .

Natatawa ako sa sarili ko dahil mamamatay akong miserable sa mundo hindi dahil sa paraan kung paano ako mamamatay kundi dahil sa pagiging wala kong kwenta. Mamamatay ako nang walang narating ,walang naabot at maglalaho sa mundo ng walang halaga .

Isa akong talunan .

Ang sabi nabubuhay ang tao sa mundo para gampanan ang misyon nya . Bwisit , Ano ba ang misyon na ginusto ng dyos para saakin ? Mabuhay nang talunan at mamatay sa kaawa awang paraan? Tunay bang mapagmahal ang dyos sa mga anak nya ? Pero sandali lang, isa ba talaga ako sa mga tinuturing nyang anak o siguro isa ako sa mga itinakwil na rin nya dahil sa pagkalimot ko na purihin at pasalamatan sya sa araw araw .

Hindi ko na alam ang mga sinasabi ko at tila wala na akong paki elam sa mga iniisip ko laban sa dyos pero siguro nornal ito sa mga taong mamamatay na . Mamamatay ako na puno nang pagsisisi sa buhay ko .

Nanghihinayang ako na sa ganitong buhay bumagsak ang kagaya ko. Pero naging mabuti naman akong tao at alam kong hindi ito isang parusa ng langit para sa lubos na nagkakasala . Tama , Kasalanan ito ng iba at hindi saakin . Kasalanan ito ng magulang ko, teacher ko ,kapatid ko, mga tao sa paligid ko . Lahat sila ay hindi nakatulong saakin para umayos ang buhay ko.

Nakakatawa pero siguro ang paninisi na lang ang magagawa ko sa mga oras na ito .

Hindi ko alam pero habang lumilipad sa ere ang katawan ko dahil sa pwersa ay tila huminto ang oras sa paligid ko kasama na ang mga bagay bagay sa lugar na tila naging rebultong walang pag kilos . Tama, tumigil ang lahat maging ang mga kadena na nakalutang ngayon sa ere kasama ko . Hindi ko magawang mamangha sa nakikita ko dahil nararamdaman ko parin ang sakit sa katawan ko .

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon