Chapter four
" Leon ng Kabo "
Leo's PoV.
" Sana magunaw na lang ang mundo "
Mga salitang pumapasok sa isipan ko tuwing nababalot ako ng depresyon at pagkamuhi sa sitwasyon na kinalalagyan ko sa kasalukuyan .
Isang napaka samang salita na nagsusumpa sa sangkataohan at humihiling nang katapusan ng mga nilalang at may buhay sa mundo .
Kung iisipin kong mabuti eh kanino ko ba ito hinihiling ? Sa langit ? Sa diyos ? Nakakatawa dahil iniisip ko na diringin ng langit ang isang hiling na magwawakas sa napakaraming buhay sa mundo na wala naman kinalaman sa galit ko o kahit sa pinoproblema ko .
Kung sakaling mangyari iyon ay higit pa iyon sa isang karumaldumal na krimen na pumatay sa daan daang inosenteng tao dahil lang sa mababaw na kadahilanan .
Pero kung iisipin ko ay pawang mabuti na rin iyon mangyari sa mundong ito.
Kamatayan ? Sa oras na mamatay ang mga tao sa mundo ay mawawala na ang problema nila na tinitiis na pag daanan sa araw araw na pamumuhay kagaya ko .Hanggat buhay ka eh patuloy na daranas ka ng problema kaya mabuti pang magsama sama na lang kaming tapusin ang lahat ng problema at pasakit na meron sa mundong ito . Hindi ba tama ako ?
Sa totoo lang mamamatay din naman ang mga tao at hindi nila yun matatakasan lalo na sa isang magulong mundong kinalalagyan namin kaya bakit kailangan pa dumanas ng hirap bago mo makamtan ang katahimikan .
Isang pagdadahilan na kahit ang sarili mo ay mapapaniwala mo sa kasinungalingan upang takpan ang tunay na intensyon .
Tsk , Makatarungan na bang idahilan ang mga bagay na iyon ? Tama pa bang sabihin ko ang mga sumpa sa paraan na magiging kaaya ayang pakinggan ? Teka sino ba ako para magdesisyon na dapat nang wakasan ang buhay ng ibang tao at milyon milyong nilalang sa mundo ?
Ganun na ba talaga ako kasama mag isip ? Hindi , Tsk, Alam ko sa sarili ko na hindi ako isang masamang nilalang . Hindi ako isang diablo upang mag asam ng napakasamang bagay sa kapwa ko dahil ang totoo hindi ito isang kahilingan na iniisip kong pwedeng matupad ,
Hindi ko tunay na pinaniniwalaan na diringin ito ng langit pero patuloy ko itong nasasambit sa aking isipan . Hindi ito isang pag hahangad kundi isang ekspresyon at pagpapalabas ng saloobin ko na kinikimkim sa loob ko .
Isang kalooban na punong puno ng depresyon dulot ng kawalan ng pag asa at pagdududa sa pagmamahal ng dakilang lumikha sa katulad namin . Nag kukunwari ako sa loob ko na para sa kapwa ko ang mga salitang iyon pero ang totoo ay resulta lang ito ng pagkabigo ko na makamit ang mga bagay na meron ang ibang mga tao sa kabilang ibayo .
Ganun lang ito .... pero masama na ba ako ?
Nagagawa ko lang naman ito dahil hindi ako pinagkalooban ng maayos na buhay kagaya ng iba.
Naiisip kong manumpa dahil hindi naging pantay at patas ang mundo sa mga katulad ko .Sa makatuwid naiinggit ako kaya ako nagkaka ganito ..
Tama , Siguro nga masama nga akong nilalang .Kilala ako bilang si Gabarika , hindi yun pangalan kundi katawagan sa mga nag iisang anak na lalaki sa isang pamilya . Ang mga katulad ko ay hindi binibigyan ng pangalan hangat hindi pa tumutongtong sa edad na labing walo . Werdo pero ganito ang batas sa aming tribo .
Ang lahat ng bagay na iyon maging ang mga tradisyon at pamamanata ay bahagi ng aking nakaraan , isang madilim na nakaraan na aking pilit nililimot sa isipan upang itaas ang aking sarili sa kasalukuyan .
Ginusto kong takasan ang aking sitwasyon saaming tribo mula pa noong paslit ako at mangyayari iyon sa hindi inaasahang paraan . Magbabago ang lahat ng mga pananaw at perspektibo ko tungkol sa mundo nang maganap ang isang trahedya sampung taon ng nakakalipas .
Isang trahedya na umubos sa mga kalahi ko sa maliit na nayon na kinabibilangan ko sa labas ng galiga .

BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasiISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...