CHAPTER EIGHT " She's Dating an Otaku " part 2

71 3 0
                                        


-----------------------------------------part 1 / part 2 ---------------------------------------------

Dahil sa nag uumpisa na ang paksa namin tungkol sa Anime ay ako naman ang nagtanong sa kanya kung natapos nya ba ang isa sa mga legendary anime na Naruto .

" Ah eh ... Hindi ko na kasi yun pinanuod nung namatay si uchia itachi sa episode 339 sa shippuden . Nakakaasar talaga hindi dapat namamatay ang mga gwapong character. " Sambit nya habang nagdadabog.

" Pero buti na lang nandun pa yung kapatid nyang si sasuke may isi-ship parin ako kay naruto ."

Hanggang sa isang action anime ay umaandar parin ang pagiging fujoshi nya kaya mahirap makipag kwentuhan sa mga katulad nya dahil imbis na yung kastigan nito ang pinag uusapan eh nauuwi sa pag papartner nila sa mga lalaking character.

" Pero alam mo ba may sabi-sabi noon na wala sa plano ng original draft ng Naruto ang character ni Sasuke . Ang sabi nila naidagdag lang yung character na yun dahil sa idrinowing ng batang anak na babae ng creator ." Sambit ko.

" Woahh !! Kung ganun dapat ko syang bigyan ng pagrespeto . "

" at isa pa speaking of Naruto may tsismis din noon na Naruto rin ang orihinal na pangalan ni Sanji Vinsmoke ng Onepiece pero pinalitan lang ito ni Oda para hindi magkaroon ng isyu. " Dagdag ko.

Dito ay tinanong nya ako kung ano naman ang mga paboritong movie ko habang binibida nya ang mga Makoto shinkai films at iniisa isa saakin katulad ng the children who chase lost voices at the garden of words kasama na ang mga produkto ng Studio ghibli na sikat sa boung mundo.

" Hm.. Marami naman pero ang sinusundan ko yung mga gawa ni Mari okada na naging screen writer ng Anohana na nagpa iyak saakin ng lubos , Kiznaiver at Tora dora."

" Kasama rin sya sa bumuo ng Sakurasou no pet kanojo, Nagi no Asukara, Hanasaku Iroha ." Dagdag ko.

" Wahhh !! Shiina mashirooo!! Namimiss ko ang waifu kong yun . " Sambit ko habang kinikilig .

" Teka akala ko ba si Rem ang Waifu mo ? " Pagtatanong nya.

Hindi ako makapagsalita sa tagpo na iyon pero normal sa mga Otaku ang magkaroon ng maraming waifu gayong maraming pwedeng pagpilian at wala pa namang Re:zero noong sumikat si mashiro .

" Ex waifu ko sya . "

Dito ay nagpatuloy kaming nagkwentohan ng mga bagay bagay tungkol sa Anime lalo na sa mga sikat kagaya ng hunter x hunter , dragon ball at iba pa .

" Alam mo ba ayun kay Yoshihiro Tagashi na gumawa ng Hunter x Hunter eh yung dual sword ni kurapika ay inspired sa Filipino martial art na Eskrima o Arnis. " Sambit ni Lea .

" Ohh... "

Dito ay sinimulan din namin magbanggit ng mga paborito naming Voice actor ng Japan. Ito ang mga tao sa likod ng mga boses ng mga character sa bawat anime .

" Syempre si Fujita saki , Sya yung nagboses kay Ymir ng Attack on Titan at Ritsu sa Ansatsu Kyushitsu " Sambit ni Lea.

" Oo kilala ko yun , Sya rin yun pinagkunan ng boses ng sikat na Vocaloid na si Hatsune Miku na kauna unahang 2d hologram na nagko-concert sa amerika at ibat ibang bansa. Big shot ang 2d na yun buti pa sya nag coconcert. " Sagot ko rito.

Pinagmalaki nya rin saakin ang mga sikat na banda at singer ng Japan na gumawa ng inggay kagaya nila Lisa .

" oh .. Alam mo ba ang tunay na pangalan nya ay Oribe Risa ang kaarawan nya ay June 24,kilala sya sa stage name na LiSA na acronym ng " Love is Same All " , sumikat sya lalo nung naging isa sya sa naging boses sa banda ng Dead girl monster sa Anime na Angel beats . Panalo mga kanta nya doon kay yui." Sambit ko .

DIARY NG OTAKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon