CHAPTER FIVE
" Anime o Ako "
Sa isang napaka laking simbahan kung saan nagtitipon tipon ngayon ang napakaraming tao sa loob upang saksihan ang pag iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan at nakatakdang sumumpa sa harapan ng dyos na magsasama habang buhay.
Makikita sa loob nito ang mga taong naka amerikana at puting dress na nakahilera sa harapang upuan ng simbahan . Masaya at nagagalak ang mga matatandang naroon na syang mga magulang ng mga ikakasal . Dito ay nag umpisa nang maglakad ang isang dalagang nakasout ng magarang trahe de boda kasama ang isang matandang lalaki na ama ng bride, inihatid sya nito sa harapan upang ibigay sa mapapangasawa nito na ngayon ay naghihintay sa harapan ng altar.
Daniel PoV.
" Ang ganda nya talaga . "
Hindi ko mapigilan ang saya ng nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil sa wakas ay maihaharap ko na sa altar ang pinaka mamahal ko . Ang babaeng aking gustong makasama sa habang buhay , ang tanging babaeng pag aalayan ng mga pangarap , pag sisikap at buhay . Ilang saglit na lang ay magiging isa na kami bilang mag asawa .
Dito ay inabot ko na ang mga malalambot na kamay ni Lea habang pinagmamasdan ang napaka amo nyang mukha na natatakpan ng kanyang mahabang belo sa ulo . Bakas sa mga ngiti namin ngayon ang tuwa't saya na aming nararamdaman habang dahan dahan na kaming naglakad patungo sa harap kung saan naghihintay ang pari ng simbahan .
Dito ay nilagyan kaming dalawa ng ribbon na nagtatali saamin bilang simbolo ng matibay na pag ugnayan at pag sasama ng dalawang tao bilang iisa. Humarap bigla si lea at bumulong saakin na may malambing na tinig .
" Masaya ka ba ? " Tanong nito saakin .
" Hindi lang masaya , kundi sobrang saya . Hindi mo alam kung gaano mo kinumpleto ang buhay ko lea." Sagot ko .
Hinawakan ko nang mahigpit ang dalawang kamay ni Lea at hinalikan ito habang nakatitig sa kanyang mga nagniningning nyang mga mata .
" Ilang oras na lang matutupad na natin ang pangarap natin , makakasama na natin ang isat isa at bubuo ng sariling pamilya . "
" Tama ka , ilang sandali na lang mahal ko . " Tugon nito saakin gamit ang kanyang malalambing na mga boses .
Kahit na may suot itong belo ay malinaw kong natatanaw ang mga matatamis na ngiti nya dulot ng kaligayahan na aming pinagsasaluhan sa mga sandaling iyon . Napakasarap sa pakiramdam na tila kaya kong gawin ang lahat para sa babaeng kaharap ko ngayon.
" Tama , ang pangarap na matagal na natin gustong makuha . " Sambit nito.
" Ilang oras na lang makakapiling ko na rin nang malaya ang mga yaoi manga at koleksyon ko ng walang nagagalit na magulang. " Biglang sambit nito habang kinikilig .
" Huh ? "
Bumitaw saakin si Lea at may kinuha sa loob ng kanyang gown , dito ay nilabas nya ang isang BL manga nila Eren at Levi upang ipakita saakin .
" Tignan mo ang nabili ko mahal ang new volume ng doujinshi ko nila fafa Eren at Levi . kyahhh !!! Ang sweet nila diba . " Sambit nito habang kinikilig .
Wala akong masabi sa mga oras na iyon lalo pa nung makita ko ang larawan ng mga nakahubad na lalaki sa cover ng libro habang nakangiti sya saakin na tila manyakis at humihingal pa dahil sa pagnanasa nya sa mga yaoi . Sa pagkabigla ko sa inilabas nyang BL manga ay bigla ko itong sinungapan para itago, alam kong nabigla rin si Lea sa ginawa ko pero kailangan ko yun gawin para hindi makita ng kaharap naming pari .
" A-a-ano bang ginagawa mo ? bakit ka nag dala nito sa loob ng simbahan ? "
" Sandali wag mong kunin , Akin na yan ! " Sambit nito habang pilit kinukuha ang libro.
BINABASA MO ANG
DIARY NG OTAKU
FantasyISA KA BANG ADIK SA ANIME ? Isa ka ba sa mga taong ginagawang libangan ang panunuod sa Anime, pagbabasa ng Manga o paglalaro ng Games ?? Isa ka rin ba sa mga tao na ang takbuhan ng kalungkutan at pagkadepress sa problema ay ang Anime ? Mga taong g...
