Welcome my Twins

183 1 1
                                    

  Jb's POV 

Hayy salamat at ok na kami ni Scarlet,salamat din at successful yung operation kay tita.

 Nandito ako ngayon sa office tinatapos yung paper works ko, natambakan na kasi ako dahil ilang araw din akong hindi naka pasok so bawi-bawi time na. Nag lalakad ako sa hallway nang biglang may bumunggo saakin. Naka hood siya na jacket na black. I dededma ko sana pero parang na cu-curious ako so pasimple kong sinundan. Dinala ako ng pag sunod ko sakanya sa Office ni Scarlet, parang may anong kaba akong naramdaman sa naka jacket na yon so hindi ko inalis sakanya yung dalawang mata ko. Halatang kumukuha siya ng chance para maka pasok. Ilang minuto pa at pumasok na nga siya. Hindi muna ako sumunod para hindi niya mahala. Ilang segundo pa ay hindi ko na mapigilan yung sarili ko kaya lumapit na ako sa pinto ni Scarlet, pag hawak ko sa doorknob ay naka lock kaya naman mas kinabahan ako.

Aalis palang sana ako para manghingi ng susi ng Office ni Scarlet may narinig akong sumigaw at hindi ako magkakamali na si Scarlet yun. Kinatok ko yung pinto, maya-maya pa ay binuksan ito ni Scarlet.

"Oh babe naparito ka? wala ka na bang ginagawa?" sambit niya saakin.

"Babe pupunta sana ako sa canteen eh, pero dumaan muna ako dito tapos narinig kitang sumigaw ng aray nasasaktan ako." sambit ko sakanya.

Mabilis niyang dinipensahan yung sinabi ko.

"Ahh ano kase nabagsakan ako vase, pero wala na naman yun. Hindi naman gaanong masakit."Sgot niya na may halong kaba.

Hindi parin ako naniniwala sa sinabi niya, hindi ko nalang pinakita sakanya na nag hihinala talaga ako sa kinikilos niya ngayon. Saka kanina kitang kita ng dalawang mata ko na may pumasok na naka hood.

"Ahh ganon ba babe, ingat ka lagi ahh. Hmm samahan nalang muna kita diyan sa loob kahit saglit." Sambit ko. Para malaman ko kung sino yung naka hood na yun.

"Hmm babe hindi pwede eh, masyado akong busy today, i have a lot of paper works na kailangan kong tapusin. nakaka distract kung may ibang tao.:Sambit niya. Lalo akong nag taka kung bakit ayaw niya ako papasukin sa loob.

Bigla kong hinawakan yung dalawang braso niya sabay hinalikan ko siya tapos hinatak ko siya papasok sa loob ng Office niya. Yun lang kasi yung naiisip kong paraan para makapasok sa loob ngt Office niya. Wala siyang nagawa kundi ang mapa titig sa mga mata ko.

Pag pasok namin sa loob agad kong hinanap yung naka hood na pumasok kanina pero wala akong nakitang naka hood. Muntik nang pumasok sa isip ko na guni-guni ko lang yun. pero agad akong ginising ng isip ko na hindi siya guni-guni. Hindi ako nag pahalata kay Scarlet na may hinahanap ako.

"Babe nga pala, sabi mo diba nalaglagan ka ng vase so nasan yung vase na nalaglag?"Pang huhuli kong tanong sakanya.

"Ahh,ehh pinalinis ko na kanina." Kinakabahan niyang sagot.

"Ahh ganon ba! kasi since nung sumigaw ka wala namang ibang pumasok dito dahil nandiyan ako sa labas ng pintuan mo." sambit ko sakanya

Natigilan siya sa sinabi ko. Halata sa mukha niya yung kaba.

Nag panggap ako na aalis na, tapos biglang may lumagabog sa kabinet ni Scarlet.

"Bwisit naman kasing lalaki yun, panira ng eksena." Sambit ng isang babae na pamilyar ang boses.

Agad kong tinabihan si scarlet para protektahan. 

Maya-maya pa ay bumungad sa harapan namin yung babaeng naka hood na black.

"Yumi? what arte you doing here? diba nasa kulungan ka?" Gulat na gulat na sambit ko.

Sabi ko na nga ba ehh, kaya iba yung kaba ko nang magka bungguan tayong dalawa kanina ehh.

"Babe bakit mo kailangan itago saakin si Yumi? Kriminal yan, Kita mo nagawa ka nanaman niyang saktan kahit alam niyang buntis ka. babe ka-buwanan mo na ngayon." Sambit ko kay Scarlet. Tinignan ko si Yumi, halata sa mukha niya yung gulat at kaba. Akala niya ata nakalabas na ako.

Lalapitan kona sana si Yumi ng biglang sumigaw si Scarlet.

"Aray ang sakit, manganganak na yata ako." Sigaw ni Scarlet. Inihiga ko ng maayos si Scarlet sabay pinatikim ko ng isa si Yumi na naging dahilan ng pagkawala ng malay niya.

Agad kong dinala si Scarlet sa Kotse ko para dalhin sa Hospital. Bago pa kami makalabas sinabihan kona yung guard na iposas si Yumi at tumawag ng pulis.

"Guard puntahan niyo si Yumi sa Office ni Ma'am Scarlet niyo then iposas niyo yung kriminal na yun tapos tumawag kayo ng pulis para hindi makawala yun. Manong pag yan nakawala bahala ka mawawalan ka ng trabaho." seryoso kong sambit tapos non dinala ko na si Scarlet sa Kotse at agad ko na itong pinaandar.

Nag hanap ako ng malapit na Hospital para madala ko na si Scarlet.

Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko dahil kay Scarlet.

Maya maya pa ay may nakita na akong Hospital.

"St.Lukes Hospital"

Dinala ko siya dun at humingi na ako ng assist sa mga nurse. Mabilis nilang nilang dinala si Scarlet sa E.R (Emergency Room). Sumama ako sa loob para bigyan ng lakas si Scarlet.

Inayos ng mga nurse yung kailangan para sa pag papaanak sakanya.

Hanggang ngayon nandito parin yung kaba at takot pero hindi ko pinakikita kay Scarlet.

Ilang minuto pa at sinabi ni doc ay.

"Misis pag bilang ko ho ng tatlo i ire niyo ho ahh. Ok 1,2,3 ire"sambit ng doctor. Ilang beses pang umire si Scarlet at kasabay ng pag ire niya yung pag kuha niya ng lakas saakin.  Ilang ire pa niya at may narinig na akong anghel na naiyak.

"Mga anak, kamusta kayo?eto si daddy."kausap ko sa mga bata kahit alam ko naman na hindi pa sila nakaka intindi.

Oo guys tama kayo kambal ang anak ko at dala silang lalake kaya nam an napaka thankful ko dahil may dalawang prinsipe na ako.

Nakita ko ang asawa ko na pagod at pawis na pawis.  Sa totoo lang awang awa ako tipong gusto kong kunin yung sakit na nararamdaman niya.

30 minutes past nasa kwarto na kami at dinala na yung baby saamin. Tuwang tuwa ako dahil isa na akong certified daddy. Yung isa hawak ni Scarlet habang ako naman ay hawak yung isa. Buo kaming lahat dito mapa pamilya ko at pamilya niya,ang wala lang ay ang kriminal na kambal ng asawa ko.

Bago pa makalimutan ay humingi ako ng favor sa nurse na kuhaan kami ng litrato. Pumayag naman yung nurse kaya naman inabot ko yung phone ko at nag pa picture.

"Ok po compress po tayo then 1,2,3 smile." sambit ng nurse.

Matapos niyang kunan ay kinuha ko yung phone ko at tinignan.

Nakakatuwa lang tignan na buo kami at lahat masaya dahil may bagong nadagdag sa pamilya namin..

"Babe may hindi ka sinasabi saakin." sambit ni Scarlet.

Kinabahan naman ako,kaya agad akong napalunok ng laway.

"ano yun? Wala naman akong maalala." nag tataka kong tanong.

"Ayy kawawa naman pala yung kambal mo no? Hindi mo na naaalala. Dalawa pala tayong may kambal ang pinag kaiba lang ay lalaki ka at babae siya." naka ngiti niyang sambit.

Naka hinga akong bigla nung malaman kong yun lang pala. Akala ko kung ano na.

Tumabi ako sa asawa ko habang sila ay busy sa pakikipag usap sa isa't isa.

Alam niyo wala na akong mahihiling pa sa buhay ko, kumpleto na dahil binigyan niya ako ng dalawang gwapong anghel at isang diwata na asawa.

----------------------
Sensya guys medyo matagal akong hindi nakapag update..  na busy kasi ako. May mga inayos na papeles..  By the way thank you parin dahil nag hintay at nag tiyaga kayo.. I love you sa inyong lahat.

#TeamANKP

Ang Nabuntis kong PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon