CHAPTER 8

483 19 4
                                    

Hindi masyadong malayo kina Nay Rosi ang bahay ng lalaking 'to. Bumaba na ako ng tricycle at napatingin sa bahay na nasa harapan ko. Isang simpleng bahay, hindi masyadong malaki at hindi din masyadong maliit. Tama lang sa isang pamilya. Hindi gaya ng bahay nina Nay Rosi, ang bahay ng lalaking 'to ay sementado. Maganda at simple.

Si Acis na ang nag nagdala ng gamit ko at nauna ng maglakad papunta sa loob. May ilaw sa labas kaya kahit papano, nakikita ko ang paligid. Bermuda grass ang tinatapakan ko at ang paligid ay may mga bulaklak. May rosas at mga gumamela na may iba't ibang kulay. May sasakyan ding nakaparada doon.

"Pumasok ka na." sabi niya.

Sumunod naman ako. May sasakyan siya pero bakit tricycle ang gamit niya nong sinundo ako? At nakatricycle kami kanina? Tsk. Sinadya niya ba yun? I wonder kung si Kat pinasakay niya diyan or baka exclusive lang yan para sa mga babae niya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. May dalawang mahabang sofa at may maliit na table sa gitna. May tv din na nakalagay sa isang stante at may mga pictures sa gilid nito. Sa likod ng stante ay tingin ko ang dining room. Sa gilid ko ay may maliit na hagdan na may tatlong steps papunta sa mga kwarto. May dalawang pinto so I bet dalawang kwarto ang meron.

"Welcome to your new home." Nakangising saad niya.

Inirapan ko siya. New home? Tss. "San dyan ang kwarto ko?" I asked at nginuso ang direksyon ng mga kwarto.

"You don't want us to be in one room?" tanong niya at ngumisi ulit. Nakakainis talaga ang ngisi ng lalaking 'to.

"Ayoko!" sabi ko at nauna ng umakyat sa taas. Don ako sa pangalawang kwarto. Binuksan ko ito at hindi naman nakalock kaya pumasok na ako. Nakabukas na ang ilaw kaya hindi na ako nag-abala pa. Tama lang din ang room. May king size bed sa gitna. May night table sa tabi nito at may lamp shade. At may cabinet din. Walang banyo. Tsk. Malapit ata sa kusina yong banyo kanina.

Hindi naman kasi gaanong malaki ang bahay diba?

Lumakad na ako papalapit sa kama at binagsak ang sarili ko dito. I'm so tired. Ano na kayang nangyari sa bahay? Kailan kaya nila ako mahahanap? Hinahanap kaya ako ni Lawrence? Ugh! For sure hindi! Kasi ayaw nung matali. Nakakainis! Why am I even thinking of that jerk?

Naisip ko naman ang lalaking pinakasalan ko. Siya na ba talaga ang asawa ko? Bakit kaya pumayag si Acis sa kasal? Baka may ibang intention? He knew na mayaman ako diba? But he said he doesn't need my money. He said, he needs me. Yon lang? I don't know but napaka crazy nga ng proposal ko sa kanya yet pumayag siya. Ugh! I'll just find out soon. Hindi niya naman ako magagalaw kasi marunong ako sa martial arts. Ano kayang mangyayari na nasa iisang bubong kami? Ugh!

I just close my eyes and I fell asleep.

Kinabukasan nagising ako dahil sa mabangong amoy.

Hmmm... bumangon na ako ng hindi na nag abalang ayusin ang mukha. My eyes are half closed habang pababa ako ng hagdan at tumungo sa dining area. Umupo ako agad at kinusot ang mga mata ko.

"What's for breakfast?" I asked.

Napaatras ako sa pagkakaupo ng bumungad sa'king harapan si Acis na nakangisi. Bahagya akong napalunok. Bumaba ang tingin ko sa katawan niyang walang pangtaas na saplot. Naka faded jeans ang lalaki.

Hmmm... Pandesal ata ang breakfast mo ngayon. The little devil in my head said. Oh shit! I mentally slapped myself. Anong pinag-iisip mo Shane?

"Goodmorning ASAWA ko." Nakangising bati niya.

He emphasize the word "Asawa" ha?! Tss.

I pushed him a bit, na hindi naman natinag. He's invading my personal space.

Oh my! Teka nga?! Oh my God! Nakalimutan kong itong lalaki pala ang kasama ko sa bahay. And anong itsura ko ngayon?

Syempre, gulo-gulo ang buhok ko. Hindi lang man ako nag suklay and I'm sure wala ng something sa mga mata ko kasi Ughhhhhh!

"Excuse me!" sabi ko at tumayo dumiretso sa pintuan na tingin koy banyo.

"You still look pretty kahit na may muta." Saad niya at natawa.

Shit! Dali-dali kong hinawakan ang gilid ng mata ko at wala namaaaaan! Nakakainis! Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at pulang-pula ang mukha ko. Naghilamos ako para mahimasmasan. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri at nang masure ko na okay na ang mukha ko ay lumabas na ako.

Inirpan ko siya ng magtama ang tingin namin. Naupo siya doon sa pinaka gitna ng table kaya sa gilid niya ako pumwesto.

"Kain na." sabi niya ng nakangisi ulit.

Bat ba siya nakangisi? Hindi niya ba alam na nakakainis yon? Tss. Bahagya akong nagulat ng lagyan niya ng pagkain ang pinggan ko.

Tiningnan ko ang lamesa at nagluto pala siya ng scrambled egg, ham at hotdog at fried rice.

"Hindi ako baldado." Sabi ko.

He just chuckled at kumuha narin ng sariling pagkain.

"kung babalik ako sa bahay, you need to come with me." Sabi ko. Natigil siya pagkain at mataman akong tiningnan.

"Oh sure, so I can finally meet your parents." He said while smirking.

"By the way, ano bang trabaho mo?" tanong ko.

Naisip ko to kanina e. Tsk, I scolded myself for a hundred times kasi hindi ko inalam ang pagkatao ng papakasalan ko. That's one of a hella stupid and desperate move! Pinaninawalaan ko nalang sila Nay Rosi na mapapagkatiwalaan ang lalaking 'to. Sabagay, may tiwala naman ako sa kanila e.

Ngumisi ulit siya na ikinainis ko. Ano bang nginingisi ngisi niya diyan? Sarap tadyakan!

Uminom nalang ako ng tubig.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong isa akong CEO sa isang kompanya?" seryosong saad niya.

Nasamid ako sa ininom kong tubig.

Pinanliitan ko siya ng mata. Tinatanya kung binibiro niya ba ako o seryoso siya. Hindi naman ako masyadong judgemental pero sa sinabi niya napailing ako.

Tawang tawa siya sa reaksyon ko. "I'm a farmer." Saad niya matapos matawa sa sariling joke.

Farmer? Hmmm... So how am I going to explain this to my parents? I know they will be very disappointed with me because I married a farmer. Kahit matino namang trabaho yun. Pero kasi kilala ko si Mommy kaya nga gusto niya akong pakasal sa lalaking yon diba? Because he's rich and we can benefit from him.

"Disappointed?" he asked habang nakataas ang isang kilay at parang binabasa niya rin ang nasa isip ko.

I shrugged. "My parents, probably." I honestly said. Ano pang use na magsinungaling e nag gagamitan lang naman kami ditto, whatever his reasons are Ngumisi siya at umiling, "Eh ikaw?"

Napahinto ako sa pagsubo at nilingon siya.

"I am not. Matino namang trabaho yan e. I have no problem with that," sagot ko. "Unless, nagtatanim ka rin ng weeds?"

He chuckled. "Hindi ako nagtatanim nyan. Pati sama ng loob, hindi din ako nagtatanim."

I rolled my eyes. "Ang corny mo!"

"So how's your sleep? Did you dream of me?" he asked.

I scoffed. "Why would I dream of you? Ang kapal naman ng mukha mo."

He laughed. Nakakainis naman ang tawa niya, ang saya saya niya ha?!

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon