Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napalingon ako sa katabi ko. I smiled.
My handsome husband is sleeping peacefully. Napatingin ako sa kamay niyang nakapulupot sa tiyan ko. Pati narin sa paa niyang nakatanday sa mga paa ko. Ang bigat niya ha pero komportable naman ako kahit papano.
Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Gosh ano nga bang nangyari kagabi?
“Fvck!” mura niya at tumigil sa paghalik.
Napakagat ako sa labi. Ang intense na e, bakit ka tumigil? Shit! SHANELLA! WHAT ARE YOU THINKING?! IKAW ATA ANG MANYAK SA INYONG DALAWA EH.
And wait! I’m in his room right now, sitting on his bed. Damn?! ganun na ba talaga ka intense?
Pero…“May problema ba?” namumulang tanong ko.
It’s not like, hindi namin pwedeng gawin ‘yon e, mag-asawa naman kami.
Oh my God! Shanella! Shanella! Wake up! Mga pinag-iisip mo ha.
“Magsisimula tayo ulit, Shane, I’ll court you first.” He said smiling and kissed the top of my head.
Napangiti nalang din ako. Hindi naman ako nagmamadali kaya okay lang. Okay lang talaga.
“Kaya pigil pigil muna tayo ha.” Nakangising bulong niya.
Tinulak ko nga. “Walang hiya. Ako pa talaga ha?”
Humalaklak siya at hinila ako para yakapin. “Are you really in love with me Shane?” pabulong na tanong niya.
Humiwalay ako sa yakap at tinitigan siya sa mukha. “Hindi ka ba naniniwala sa’kin?” tanong ko.
Ngumuso siya. “I just can’t believe that a Goddess fell in love with a mortal like me.”
Natawa ako sa sinabi niya. Pinanindigan talaga yong Goddess e. “A Goddess can still fall for a mortal, Acis. Walang pinipili ang pag-ibig.”
I am so corny.
Ngumisi siya. “Wow! I’m so lucky to have you, then.”
Umiling ako. “No, I am.” Kumunot ang noo niya. “Pinaramdam mo kasi sa’kin pano maging normal na tao. Kung pano maging masaya. You also taught me what love really is.”
I saw a ghost of sadness in his eyes for a while. But then he smiled. What was that?
“You won’t leave me right?” he asked.
“Of course, not! I won’t leave you, okay? I love you and I want to be with you. I want to stay here or somewhere as long as I am with you. I wish forever for us, Acis.”
He hugged me tight after I said that. I felt that something is wrong but I just shrugged it off. Nag ooverthink lang siguro ako.
Hmmm… wait. Wala namang problema si Acis diba? I stared at his sleeping face. Maamo ang mukha kapag tulog, pag gising naman loko loko. Natawa ako sa sariling iniisip. Maya-maya minulat ni Acis ang mga mata niya, at nang nakita niya ako, ngumiti siya ng malapad. “Goodmorning Goddess.”
“Goodmorning. Ang gwapo mo.”
Nakangiti kami habang nagtitigang dalawa. “Finally, inamin mo na’rin na gwapo ko.”
Inirapan ko nga pero nakangiti padin ako. Bumangon na ako. “Bumangon ka na dyan! Magbreakfast na tayo.”
Hinila niya ko kaya napahiga ako sa dibdib niya. “I want us to stay like this forever.” He said then kissed the top of my head.
I smiled. “We can, Acis.”
“Yeah.” He sighed at bumangon na kasama ako.
“Tara! Let’s date!”
After namin kumain at mag-ayos, lumabas na kami ng bahay. “So san mo ako dadalhin ngayon?” I asked.
“Church.” Sagot niya. “I want to thank God for all the blessings he gave me.”
Tumango ako nginitian siya.
Sumakay na kami sa sasakyan at lumarga patungong simbahan. After namin magsimba, dinala niya ako sa isang burol kung saan makikita ang mga pananim at mga bahay sa baba. May mga bundok din na nakapalibot dito. Ang sariwa ng hangin. Maririnig din ang huni ng mga ibon.“Napakapayapa naman dito.” Sabi ko at umupo sa inilatag na mat ni Acis. Tumabi siya sa’kin. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
“Yeah. Kaya ang sarap mag-----“
“Ano?! What are you thinking?” sigaw ko at tinakpan ang sarili ko gamit ang mga kamay.
Natawa naman siya. “What? Ang sarap magpahinga! Ano bang iniisip mo?”
Damn! Shane, nakakahiya! “Oo nga. Bakit ano bang sabi ko?”
Tumawa lang siya at inakbayan ako. “Ilang anak gusto mo, love?”
Tinitigan ko siya. Ang dami niya ng endearment sa akin ha. Pero anak? Hmmm?
“Dalawa.” Sagot ko.
“Aish! Bakit dalawa lang? sayang naman ang lahi na’tin dapat isang dosena!” he blurted out.
Binatukan ko nga. “Ahh! Ikaw ba manganganak ha?”
“Kung pwede lang e para hindi ka mahirapan.” Seryosong sabi niya.
Pinigilan ko namang ngumiti. “Tss. Ewan ko sayo!”
This is enough for me, Acis, the one that I love, sitting beside me. I don’t need expensive dates. Actually, this is the best date ever.
We spent the whole day, talking, laughing with Acis waley jokes and anything else. HAHAHA Ang saya saya pala talaga nito.I wish this happiness I felt won’t end, but I’m wrong.
Kinabukasan, Acis went to the farm kaya ako lang mag-isa sa bahay. Hindi na ako sumama kasi gusto ko siyang ipagluto ngayong lunch.
Yiiieee… kinikilig talaga ako sa tuwing iniisip ko na one day, hindi lang si Acis ang ipagluluto ko, kundi pati na’rin ang mga anak namin. Isang dosenang anak? Ano ako baboy! Walang hiya talaga yun kahit kailan. Natawa nalang ako.
Narinig kong tumunog ang doorbell kaya dali-dali naman akong lumabas. Sino kaya ang bisita? Baka sila Nay Rosi!
I opened the door at napatulala ako sa nakita ko.
“Lawrence.” I whispered.
BINABASA MO ANG
Runaway Bride
RomanceThe bride Shanella Marquez runaway on her wedding day after knowing that his soon-to-be-husband, Lawrence cheated on her. She went to a far province and proposed a marriage to a random guy, Acis whom she hated the most just to stop her marriage with...