I woke up in the morning with a smile on my lips. Masaya din akong nagluto. Iniisip ko lahat ng nangyari. Maybe it was all meant to happen. Akalain mo yun? We met in the bar, i kissed him and who would have thought that i will marry him? This is the reason why Lawrence cheated on me. Simply because he's not the one for me. Shit! Ang corny ko na. What am I saying? Hahaha damn!
Napakagat ako sa labi nang maalala ang nangyari kagabi. Uminit ang pisngi ko nang maalala na inamin ko sa sarili kong gusto ko na si Acis.
I like Acis. Oh my! I didn't expect this to happen. Si Mr. Sunog na annoying? Nagustuhan ng isang mala diyosang si Shanella Marquez. Oh well! Kakakain ko 'to ng rambutan e. Hahaha Aiisssh! Damn!
Nakakabaliw pala magkagusto sa kanya. I'm not my usual self like nasan na 'yong Shanella na ayaw kay Acis? Nu bang ginawa ni Acis sa'kin? I never felt this with other guys. Nagkaboyfriend na ako but hindi naman ganito katindi pagkagusto ko sa kanila. I'm not even sweet to them. Hindi katulad ngayon na nagluluto ako with love at pinagtimpla pa ng kape ang lalaking 'yon. Hindi din ako ganito kay Lawrence.
Oh wait, kahit maging sweet man lang Hindi ko nagawa kay Lawrence. Well, maybe because I don't have feelings for him at all. Sumandal ako sa table habang nag-iisip. Pano ko sasabihin kay Acis na gusto Kong magwork ang relationship namin?
Ughhhh! Iniisip ko palang yong ngisi ng lalaking yon pag umamin ako na gusto ko siya, parang ayaw ko na. Hindi dahil naiinis ako kundi dahil nahihiya.
Naduduwag? My God! Ako ba talaga 'to? Hindi naman ako ganito e. Tsk. Ngingisi yun dahil kinain ko lahat ng sinabi kong hindi ko siya magugustuhan.
Ano bang sasabihin ko dun? 'Acis, I like you and I want to take this marriage seriously' What if? I reject niya ako? Parang may kumurot sa puso ko. I sighed. Okay. I won't tell him directly that I like him, I will just make him feel.
"Good morning "
Bahagya akong napatalon ng marinig ko ang boses niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko.
"Anong maganda sa umaga?"
Supladang sagot ko at hinarap siya crossed arms. Shane, akala ko ba make him feel that you like him? Anyare?
"Syempre..."
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa bewang.
"Ang maganda kong asawa." Nakangising sabi niya.
Shit! Aga-aga pa Acis ha, huwag mo 'Kong pakiligin! Umiwas ako ng tingin at pinigilang ngumiti.
"I know right." Sabi ko at tinulak siya ng konti.
Pawis na pawis siya galing sa jogging pero bat ang bango bango pa din niya?
"Punta tayo sa mansion ngayon. Ipapasyal kita." Sabi niya.
Lumiwanag ang mukha ko. Finally! Makakapunta na ako sa mansion niya.
"Sige. I like that!" Tumango tango pa ako para ipakita sa kanyang gusto ko talaga.
"Maligo ka na." utos ko.
"Sabay tayo?" Nakangising tanong niya.
Abat! Sasapakin ko na sana pero lumayo na siya natatawa.
"Joke lang! But if you like, I won't locked the door. Free kang pumasok!"
He said then winked. Uminit ang pisngi ko dahil don. Ang daming thoughts ang pumasok sa isipan ko. Shit! Dinudumihan ng lalaking yon ang isipan ko.
"Manyak!" Sigaw ko.
"Mahal ka naman." Bulong niya na hindi ko narinig.
"Ano?!"
"Gwapo naman kako!"
"Tss." Umiling nalang ako.
Gwapo na. Gwapo talaga! Natapos na kaming mag-ayos dalawa at nakakain na'rin kaya ready to go na!
Nasa sasakyan kami nang tanungin ko siya kung andun pa rin ba si Iris.
"Yep. Do you like my cousin?" Umangat ang kilay ko sa tanong niya.
"No. Bakit? Selos ka?" Nakangising tanong ko.
Nag TSS lang siya at itinuon na ang atensyon sa kalsada. Anong klaseng reaksyon 'yon? After a few minutes, papasok na kami sa isang malaking gate. May nakalagay pa sa harapan nito "Alvez". Nakita kong sumaludo ang guard kay Acis.
"Good morning Sir."
"Magandang umaga Andres!" Bati din ni Acis. I smiled. Francis Gavin Alvez is really a good person.
Everyday na magkasama kami masasabi kong mabuting tao nga siya. He help someone in need and he treats people with respect. Maraming nakatanim na bulaklak sa paligid sa mansion nato. Those flowers planted are perfectly arranged. May nakita akong fountain sa gitna. May bulto ito ng anghel na nakahawak ng jar at doon lumalabas ang tubig.
Hininto ni Acis ang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya bumaba na ako. Namangha ako sa mansion nila. Modern na may pag ka classic ang disenyo.
"Bro! Shane!" Sumalubong sa'min ang ngisi ni Iris. Lumapit si Acis sa akin at hinawakan ako sa bewang. The usual gesture. Napatingin si Iris doon at mas lalong lumawak ang ngisi niya.
"Ipapasyal ko si Shanella dito." Sabi ni Acis.
"Sure!" He grinned. "Hindi ako manggugulo."
Nakapamulsang saad ni Iris habang ngumingisi pa din. Siraulo talaga tong dalawang 'to.
"But someone will."
Pagkasabi niya nun ay may patakbong babaeng lumabas mula sa loob ng mansion papunta kay Acis. She's wearing a cow girl’s outfit. And she has a straight black hair, pointed nose, and ugh! don't wanna describe her anymore. In short, maganda siya. But of course, walang tatalo sa ganda ko. I'm the Goddess of beauty. Sa hindi updated, bumaba na sa trono si Aphrodite.
"Gaviiiiiiiin!" Sigaw niya at patalong niyakap si Acis dahilan para mabitawan ako ni Acis. Tss. Para siyang tipaklong! Gosh!
"Anibeth!" Anibeth? What a name! Mas maganda padin yong Shanella. Tsaka, sino ba ang babaeng 'to?

BINABASA MO ANG
Runaway Bride
RomanceThe bride Shanella Marquez runaway on her wedding day after knowing that his soon-to-be-husband, Lawrence cheated on her. She went to a far province and proposed a marriage to a random guy, Acis whom she hated the most just to stop her marriage with...