Chapter 11

452 16 1
                                    

Nagshower agad ako pagdating namin sa bahay ni Francis. Pagbaba ko, naabutan ko siya na nasa kusina, nagluluto. Ako dapat magluluto, right? I’m the wife. Err!

“Bakit ikaw ang nagluluto?” tanong ko sa kanya at kumuha ng tubig sa ref.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. “You know how to cook?”

Tss. Ano bang tingin niya sa’kin? “Oo naman! Duhh!” sabi ko.

Ngumisi siya at tinalikuran ako. Marunong talaga akong magluto kasi ginusto kong matuto. Si Nanay Rosi ang nagturo sa’kin noon nong bata pa ako, I don’t want to be like my Mom who’s only engage with her work. Tss. I dream of taking care of my own family. I cooked for myself whenever I am not busy at work. Yeah, when I managed the company in London.

“Okay. Ako na nagluto kasi alam kung napagod ka.”

Hmmm… eh pagod din naman siya e? nagkibit balikat nalang ako at tumungo sa sala. I turned on the TV. Nahagip ng paningin ko ang mga pictures na nasa stante. Nilapitan ko ito. May picture si Acis kasama ang isang babae, kamukha siya ni Acis. The woman has a short hair hanggang sa balikat at ang amo ng mukha niya.

“That’s my mom.” Bahagya akong nagulat dahil sa biglang pagsulpot niya sa gilid ko. Tiningnan ko siya at iba ang expression ng mga mata niya. It was like he’s sad. “N-nasan siya?” tanong ko.

He smiled at umupo sa sofa. “Heaven.”

Oh? “Sorry.” Sabi ko at umupo na doon sa kabilang sofa. “It’s okay. Tagal na non, she went there when I was 10.”

10? He’s so young then. He’s 27 now and it’s been 17 years? Eh yong Papa niya kaya? “What about your father?” I asked. Wala akong nakitang ibang lalaki sa picture. Nagkibit balikat siya, what? He doesn’t know where his father is?

“You live alone for 17 years?” nakakunot noong tanong ko.

Umiling siya. “May lolo at lola ako.”

“Eh nasan sila?”

Madami na ata akong tanong.

“Canada.” he answered.

“Eh bakit nandito ka?”

Natawa siya sa huling tanong ko. Gosh! What’s funny! “I love this place, Shanella.”

Oh? Yeah, he loves this place because it reminded him of his mom.

“Kumain na tayo, baka lumamig pa yong sabaw.” Sabi niya. Tumayo na ako at iginiya niya ako sa dining table. Pinaghila pa ng upuan. Nilagyan niya din ng pagkain ang pinggan ko. I didn’t refuse. Hinayaan ko lang siya, hindi ko alam kung bakit. Or maybe malakas masyado ang tibok ng puso ko kaya parang hindi din ako makagalaw ng maayos.

Gosh Shanella! What’s happening to you? “A-ako na!” sabi ko nang hindi na makatiis.

He chuckled then nagsalita siya. "What's your fave Filipino food?"

Seryoso ata siya sa sinabi niya kanina.

"Adobo," sagot ko nalang. Wala naman talaga akong fave e para lang may masabi kaya yun nalang sagot ko.


Pagkatapos namin, niligpit ko na ang pinagkainan at umakyat naman siya sa kwarto niya. Hinugasan ko na ang mga pinggan at nong natapos ako, dumiretso ako sa sala at nanood ng TV. Bumaba na din si Acis na fresh-looking at nakashort lang. Nag-iwas ako ng tingin ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Ngumisi na naman ang lalaki! Tsk.

“Sabi ko sa ‘yo e, pogi ako.” Sabi niya at tumabi sa’kin sa sofa. Lumayo ako ng konti, ang lapit kasi ng isang ‘to. Yong tipong nagtama na yong mga braso namin, eh ang lapad naman ng inuupuan namin.

“Says who?” sagot ko sabay irap. Itinuon ko nalang ulit ang atensyon sa TV. I wonder bakit hindi ata nabalita ang hindi pagtuloy ng kasal namin ni Lawrence. Hmmm… Baka binayaran nila Mommy ang media.

INDAY’S POV

Haaay naku! Miss na miss ko na si Ma’am Shanella. Ang ganda ganda kasi nun e parang prinsisa. Saan na kaya ‘yon? Magd-dalawang linggo na ang paghahanap sa kanya.

Naglilinis ako ng alikabok sa painting ng mahagip ng tingin ko ang aking iniibig, ang aking sinisinta. Ang pogi pogi niya. Ang ganda ganda ko naman bakit hindi niya ako pinakasalan? Tsk. Chance na ‘yon e. Nong sinabi ni Ma’am Shanella na ako na ang ipapakasal sa aking prinsipe ay ang saya saya ko. Para akong maiihi dahil sa kilig. Yiiieeee.. Tumingala ako sa taas at iniimagine ko na magpapakasal kami ni Sir Lawrence. Uwaaaaah! Kenekeleg aketch!

Pero hmp! Napasimangot ako, bakit kaya hindi itinuloy ni Si ang pagpapakasal sa’kin? Baka masyado akong maganda sa kanya! Oo tama! Pero okay lang naman yon, okay lang sa’kin kahit na magpakasal ako sa kanya kahit ang ganda ganda ko. Haaay naku! Napakasayang ng pagkakataong pinalagpas ni Lawrence my loves so sweet, aking sinisinta.

Ayan! Paparating siya sa direksyon ko, Oh my! Sinasabi ko na nga ba e! gusto din ako ni Lawrence my loves so sweety, aking sinisinta, pabebe kasi ang isang ‘to.

“What?” nakakunot noong sabi niya.
Hinarangan niya ako. Oo SIYA ang humarang sa’kin!

“Eh Serrrrrr.”
Tinaasan niya pa ako ng kilay. Asuuuus! Si my loves so sweet, aking sinisinta ay napagwapo.
Umiling siya at humakbang sa kanan at ganun din ang ginawa ko pero enebe nakaharang parin siya sa dinadaanan ko.

“Serrrrr, kailan po na’tin itutuloy ang kasal?” tanong ko. Hihihi hindi na kasi ako makapaghintay. Awiiiee.

Kumunot lang ulit ang noo niya. “Get out of my way, Inday or I’m gonna fire you!”

Ano raw? Fire? Susunogin niya ako? Nag-iinit na ba si Sir? Hihihi Si my loves so sweet, aking sinisinta talaga.

Nilagpasan na ako ni my loves at pumasok sa library nina Serrr Arthur. Eh? BAkit siya doon pumasok e may kwarto naman ako! Hmmmm… Sinundan ko siya pero sa napatigil ako sa pinto, hindi niya nasarado ng maayos kaya medyo kita ko sila sa loob.

“Hindi mo pa ba nahahanap ang anak ko Lawrence?” tanong ni Don Arthur.

“Hindi pa Tito pero malapit na. Nakita si Shane na naghihintay sa isang bus station.” Sagot ni my loves.

Hmmm… nasan kaya si Ma’am Shane?

Napahawak sa sintido si Don Arthur. “I’m sorry for the inconvenience Lawrence, you know my daughter. Ang tigas talaga ng ulo non.”

“Don’t worry Tito, I’ll find her and we will get married.”

Umalis ako sa pwesto ko at nagtago sa isang sulok dahil papalabas na si my loves. Ayaw ko naman masabihan na chismosa. Sobrang ganda ko pero hindi ako ganun. Hindi talaga.

Paglabas ni my loves sa library ay napahinto siya at sinagot niya ang tawag sa cellphone niya. “Hello.”

Sino kaya ang tumatawag sa kanya? “Take care of her.” Sabi niya at binaba na ang tawag.

Her? Sinong Her? May babae si my loves! HUMANDA!

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon