Chapter 10

501 17 2
                                    

I will never fall for him. Itinaga ko yan sa utak ko. Huh! Iniirapan ko nalang nga, nababaliw na kasi siya.

Bumaba na ako sa sasakyan at tiningnan ang paligid. May mga puno nga ng rambutan at maraming bunga.

“Shane!”

Nakita ko si Daisy na nakatayo katabi ng malaking basket at may mga dala-dalang rambutan. May kasama din siyang bata. Maliit pa, I think mga dalawang taon palang ito.

Lumapit naman ako sa kanya at napatingala. Nandoon si Tonyo sa taas ng puno.

“Buti sumama ka kay Acis!” masayang sabi niya. Nginitian ko lang siya at tiningnan ang baby na namumulot ng rambutan. Tinuro ko siya, “Baby mo?” I asked.

Nakangiti siyang tumango at nilapitan yong baby. “Donny. Kamher bebe.”

Lumingon naman sa kanya yong bata at napatingin din siya sa’kin. “Hello!” bati ko. Tiningnan lang ako ng bata at pumulot na ulit siya ng rambutan.

“Tonyo!” bati ni Acis kay Tonyo na nasa taas pala ngayon ko lang napansin.

“Acis!” galak naman na sagot ni Tonyo.

Hindi na ako pinansin ng bata.
“Mukha ka daw kasing mataray.” Natatawang puna ni Acis.

Inirapan ko siya. Nilapitan niya ang baby at binuhat ito. “Ninong!” masayang bati ng bata. Lumapit si Acis sa’kin habang buhat buhat si Donny. “Siya si Tita Shane.” Pakilala niya. “Asawa ko siya Donny.”

Kumunot ang noo ng bata na tila hindi naintindihan ang sinabi ng Ninong niya pero ngumiti din naman ang bata. Ang cute lang. “Tita Shane, sabihin mo.” Malambing na utos niya sa bata. “Tita Ts-in.”

Natawa ako pati narin si Acis dahil hindi niya magaya yong name ko. Ang cute talaga. Napakagat ako sa labi habang pinagmamasdan si Acis na natatawa habang tinuturuan si Donny sa pag pronounce ng pangalan ko.

I wonder kung anong klaseng ama si Acis sa future kids niya.

Napalundag ako ng biglang may sumiko sa tagiliran ko. Si Daisy pala na nakangisi, “Gusto na ng baby ng asawa mo!”

Nanlaki naman ang mata ko at umiling. What?! Baby? Wait... Hindi kaya isa sa rason yun ni Acis kung bat pumayag siyang pakasalan ako?

“W-wala pa sa plano ko. Hehehe”
sabi ko nalang.

Pano yan? Pero klaro naman yong mga reasons ko sa kanya diba? Tss. Kailangan na ata talaga akong mahanap nila Mommy o kusa nalang kaya akong bumalik sa’min. Hmmm….

"Sabagay, pero naiimagine ko ang magiging anak niyo ni Acis. Sure akong maganda at gwapo din!" kinikilig na sabi niya.

Napailing nalang ako. Sure naman talaga ako na maganda o gwapo ang magiging anak ko dahil syempre, nasa lahi na namin yun.

Umuwi kami ni Acis, mga alas kwatro ng hapon. Doon na kami naglunch kasi may kubo naman pala doon at may dalang mga pagkain sina Daisy. Dalawang taon na palang kasal yong dalawang yon. Yun kasi ang topic namin ni Daisy kanina, ang tungkol sa kanila ni Tonyo. Buti nga hindi niya ako tinatanong ng tungkol sa’min ni Acis kasi hindi ko naman alam ang isasagot ko.

“Bukas id-deliver yon sa kabilang bayan.” Sabi niya habang nagd-drive pauwi. Tumango lang ako at di na umimik. Pinagmamasdan ko nalang ang dinadaanan namin. May mga bundok na matatanaw. May iilang mga bahay din kaming nadadaanan. Hmmm… Gumugulo padin sa isip ko ang tungkol sa baby. Should I ask him? Yes, Shane ask him.

“Gusto mo ba ng baby?” biglang tanong ko. Muntik akong mabunggo dahil sa biglang pag hinto ni Acis sa pag-drive. Buti nalang nag seatbelt ako.

“What?!” gulat na sigaw niya.

Napakurap-kurap naman ako. Tinitingnan ang reaksyon niyang hindi ko maintindihan. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Umangat ang gilid ng labi niya at narinig ko nalang ang malakas na tawa niya.

Uminit naman ang pisngi ko. Damn Shane! Kahit kailan padalos dalos ka talaga.

“Nevermind.” Sabi ko at umiwas ng tingin. Seriously Shane? Para mo na tuloy siyang binibigyan ng idea! Gosh! Bat di ko naisip agad? Why so stupid! Damn!

Natatawa pa’rin siya habang inistart na ulit ang engine. “Why Shanella? Are you ready?” nakangising tanong niya.

“Hell no!” sigaw ko na mas nagpatawa sa kanya. “Then why are you asking? Hmm?”

Bakit ko pa nga ba kasi tinanong? “Baka kasi gusto mong magkababy na and y’know, I can’t give it to you!”sagot ko.

“Bakit? Baog ka ba?” nakakunot noong tanong niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko! “Hindi!” sagot ko agad.

“Yon naman pala e.” nakangisi na ulit siya. Sarkastiko akong napatingin sa kanya. “Duhh! What I mean is that I can’t give you a child because we can’t be together forever. Baka gusto mo lang magkaanak sa iba and kasal pa tayo kaya hindi muna p-pwede.”

Kumunot lang ang noo niya sa sinabi ko. “What if I want a child… with you?” he asked. Napanganga ako sa tanong niya. What is he saying?!

“Wala kang magagawa kasi ayoko and you can’t force me.” sagot ko.

“Hmmm… hindi ako namimilit Shane, kusang bumibigay.” Saad niya na nakapatindig sa mga balahibo ko sa braso. Shit!

“What do you mean with that? Na ako pa ang magkukusa ng sarili ko sa’yo ganun?” naiirita ako sa kanya!

Natawa siya sa sinabi ko. Ang hangin niya a! di porket makapal ang kilay? May mga mahabang pilikmata? Magagandang mata? Matangos na ilong? At mapupulang labi? May magandang pangagatawan? Gwapo na siya?! Ha! Ang yabang niya!

“Don’t worry, hindi kita gagawan ng masama.” He said in an assuring tone. “Baka ikaw pa…” sabay ngisi niya.

Sinapak ko nga! Kainis! “Hey! I’m driving.”

Tinigilan ko na, ayoko pang mamatay! Pero baka nga mamamatay ako ng maaga dahil sa lalaking ‘to. Tsk!

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon