CHAPTER 6

505 18 0
                                    

Did I agree with that jerk's condition?

Ugh! He's so annoying. Wala naman kasi akong magagawa e.
Kakaalis lang ng kumag na yun. Talaga bang siya ang papakasalan ko?

"Anak, anong napag-usapan niyo?" tanong ni Nay Rosi at umupo sa harapan ko.

"Pumayag siya Nay." I answered.

Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko na nasa mesa.

"Anak, may tiwala ako kay Acis at sa'yo. Matalino kang bata ganun din yung batang yun." Sabi niya.

I smiled at her. I know that she's just concerned about me.

"Yes Nay. I know what I'm doing, don't worry about me. And by the way, sa makalawa na ang wedding."

Muntik ng mahimatay si Nanay ng marinig niya ang sinabi ko.

"ATE! Ito oh, bagay na bagay sa'yo." Sabay abot ni Marie ng puting dress sa'kin.

Nandito kami sa "Tinda" na tinatawag nila. It's a public market. At nandito kami sa isang store na may mga gowns and dresses. It's also an RTW store.

Sinipat ko naman ng tingin ang dress na napili ni Marie. Hanggang talampakan ang haba ng off shoulder na dress na to. It just simple but I think it's elegant.

At teka nga lang? Bakit nga ba ako namimili ng dress?

"Marie, bakit tayo nandito? " I asked.

Nginitian niya naman ako ng malapad tsaka pinalo ng mahina sa braso na animoy matagal na kaming magkakilala.

"Ate naman, malamang kasal mo na bukas at mas maiging paghandaan ito. You know ate, once in a lifetime lang ito."

Napailing nalang ko. In my case, I don't know if it's just once in a lifetime. Alam ko namang maghihiwalay din kami nung lalaking yun and after that hahanap ako ng taong nararapat sa'kin. The one that I love and loves me too. Or makakahanap pa ba ako? I hate men. Maybe, I should just die single, rich and beautiful.

"Hindi na kailangan nito Marie, it just a waste of money. Iw, baka anong isipin ng lalaking yun kung paghahandaaan ko ang kasal namin."

Kasal namin na hindi naman talaga masaya dahil hindi totong nagmamahalan.

"Ahh basta. Bibilhin natin 'to." she insisted.

Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong tinalikuran at pumunta dun sa tindera.
Kulit ng batang yun kaya hinayaan ko nalang.

Pinasyal ako ni Marie sa mga stalls dun tsaka kumain narin kami ng halo-halo.

Gabi na nang makauwi kami ni Marie. Napansin ko naman ang ingay ng baboy. Baboy na parang kinakatay.

"Nay, bumili pala kayo ng baboy?" tanong ni Marie sa Nanay niya.

"Oo, para yan bukas. Hinatid ni Acis kanina."

Kumunot naman ang noo ko. Ano raw? Para bukas?

"Bakit Nay? May tradition ba ang mga tao rito na kailangan ng baboy sa kasal? Iaalay ba yan or something?" tanong ko.

Natawa naman si Boy at Marie.

"Naku tong batang 'to. Handa yan syempre." Sagot niya.

Ano? Handa? Bakit may handa? Hindi naman kailangan ng handa.
Our wedding is not special.

"Nasaan ba yung lalaking yun? I need to talk to him." I asked.

Kailangan kong malaman ang mga plano niya. Tsk.

"Ate, hindi po pwedeng magkita ang magpapakasal bago ang araw ng kasal baka hindi matuloy." Sabi ni Boy.

Why are they taking it seriously? Diba sinabi ko na sa kanila kung anong dahilan sa lahat ng to.

I massaged my temple. Nas-stress ako.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa panggigising sa'kin ni Marie. Nakatulugan ko na pala ang paghihintay sa walang hiyang lalaking yun. Di talaga nagpakita. Tinotoo ata yung pamahiin. Damn!

"Ate, gising na! kasal mo na ngayon." I can sense that she's excited.

Kanina pa yan, ang kulit-kulit talaga ng batang ire kaya wala na akong magawa kundi ang bumangon, naligo at nag-ayos.
Sinuot ko na yung biniling dress ni Marie kahapon. Aba at may flower crown pa na kulay puti. What am I? A goddess? Sabagay dyosa naman talaga ako.

"Wow! Ang ganda ganda mo ate!" manghang sabi ni Boy.

"Of course Boy, kalian ba ako naging pangit?" mayabang na sabi ko. Well, totoo naman kasi.

Inayos ko ang suot kong damit. Buti hindi na ito gusot, pilantsa siguro ni Nay Rosi.

"Eto ate oh." Inabot ni Boy sa'kin na flower crown.

I smiled at kinuha ito.

"Thank you."

I wear the flower crown and I really look like a Goddess now. I'm so gorgeous. Well, ganyan talaga.

Si Tonyo ang sumundo sa amin nina Nanay papunta sa bahay ni Mayor. Doon gaganapin ang kasal e.

Nang makarating kami don, Acis is already waiting for us at the door. He smirked when he saw me. I just rolled my eyes.

"Hello my soon-to-be-wife," he greeted and offered his arms to me. Lumapit naman ako sa kanya at kumapit doon.

"Duhh!"

"Goodmorning mayor." bati nila Nanay kay Mayor nang makapasok kami sa office nito.

The man is at his 50s I guess. Hindi siya medyo matangkad at may kalakihan ang katawan.

I smiled when our eyes met.
"Goodmorning Mayor. I'm Shane Marquez." then I offered my hand for a handshake.

He smiled at me too at tinanggap ang kamay ko. "Your have a beautiful soon-to-be-wife Acis."

Ngumisi lang naman ang lalaki. "Simulan na natin para maging ASAWA mo na talaga siya." the mayor said at makahulugang tiningnan si Acis.

I didn't pay much attention sa mga sinasabi ni Mayor kaya nagulat ako nang bigla niyang sabihing..

"You may now kiss the bride."

Shit! What the hell?! May kiss the bride pa? Napatingin ako sa paligid. They are all smiling at us. Sila Nanay, Boy, Maria, Tonyo at ang secretary ni Mayor lang ang nandito pero nakakahiya naman! I don't want to kiss thid guy!

Teka? Napatingin ulit kay Mr. Sunog at tinaasan niya ako ng kilay then he smirked.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa'kin kaya pinikit ko nalang mga mata ko, hinihintay na dumampi ang labi niya sa labi ko. Ayan na! Nararamdaman ko na ang hininga niya, bat ang bango? The little devil in my head slapped me. May panahon ka pang punain ang hininga niya ah!

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang pagdampi ng malambot niyang labi sa ... SA CHEEKS KO?! Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang nakangising mukha niya.

"Expecting a kiss on your lips, huh?" he said while smirking.

I rolled my eyes heavenwards and flipped my hair. Wag kang pahalata talaga Shane, naku!

"Excuse me, wag kang feeling!" sabi ko at nilingon na sila Nanay ng nakangiti.  

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon